Chapter 8

42.1K 528 47
                                    

Lhaine Lee Ramos – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos – POV

Inaya ako ni Brie at Czar na mag-mall pagkatapos ng exams. Kahit na gusto ko nalang umuwi at magpahinga dahil sa sakit ng ulo, pinilit ko nalang na sumama sakanila. I missed hanging out with them too. Isa pa, gusto ko naring sabihin sakanila ang tungkol 'sa amin' ni Lee. Sana nga maka-timing ako eh.

"Ayun sila," sinundan ko ng tingin ang tinuro ni Czar. Sa may entrance ng mall ay si Thom, Ray at Brix.

"Kasama sila?" nagulat talaga ako lalo na nang makita ko si Brix. Lumapit sa amin ang grupo nila.

"Kain muna tayo," sabi agad ni Thom. By pair na lakad ba ito? Tumabi si Thom kay Brie at si Ray kay Czar. Automatic na kaming dalawa naman ni Brix.

"Auhm, text niyo nalang ako kung saan kakain may bibilhin lang ako sa bookstore," paalam ko sakanila at nagmadaling umalis. I'm not sure but after that has happened, ang awkward at uncomfortable na kapag andiyan si Brix.

Pumasok ako sa bookstore kahit wala naman talaga akong bibilhin doon. Nasa tapat ako ng isang istante ng may taong humilig para kumuha ng libro sa pinakataas na parte ng shelf.

"Nabasa mo na ba 'to?" hinarap ko si Brix. My heart suddenly started to beat faster than usual.

"Ah. Oo."

"Mag-usap naman tayo. Lagi mo nalang akong iniiwasan eh," binalik niya ang libro sa shelf.

"O sige," sabay kaming lumabas ng bookstore at tumungo sa isang café na sariling suhestiyon niya. He ordered mango juice and strawberry cake for me. Kabisado niya ba ang mga gusto ko o nagkataon lang?

"Sabi ko nga, hindi ito tungkol kay Yaj. About us," may nilapag siyang isang lumang litrato sa harap ko. Medyo natagalan ako kaunti sa pag-alala sa kung saan iyon nakuhanan. May dalawang bata kasi sa litrato—one chubby boy together with the skinny me.

"Hindi ko na kasi kamukha," basag niya sa katahimikan.

"Ikaw talaga ito?!"

"Oo. Naka-ilang tangka na akong ipakita 'yan sa'yo pero lagi mo nga akong iniiwasan o nakadikit lagi si Sanchez sa'yo."

"Ikaw iyong bakasyonistang matabang bata," aliw na aliw naman daw ako. Bumalik kasi ang mga ala-ala ko noon eh.

"You called me Exim back then and I just called you L. Biglaan ang alis namin noon, hindi man lang ako nakapagpaalam sa'yo o nakuha ang buong pangalan mo."

"Hindi ko nga alam na may ganitong picture eh. Ang taba mo dito."

"I know, but look at me now. Talagang nagpa-guwapo ako para kapag nakita kita ulit— korny, huwag na," sabay pa kaming napatawa. While most kids played outside, I preferred reading books. Siguro nasa grade five kami doon sa litrato. Ilang linggo lang sila noon sa dating lugar na tinitirhan namin ni Nana. Lagi kasi siyang mag-isa at napaka-iyakin kapag tinutukso. We technically became friends at that time through books. Pinahiraman ko siya ng pinahiraman, iyon nga lang, bigla nalang silang umalis ng walang paalam.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon