Lhaine Lee Ramos – POV
Ginulat ako ni Brix sa mga bulaklak. Ang text lang naman niya sa akin kaninang umaga ay may sasabihin siyang importante. I thought it had something to do with his dad. Tinawag niya ako papunta sa garden para raw mas private. Ngayon nagsisisi tuloy ako dahil nakita ko ang eksenang ito ngayon sa harap namin.
"Shoot, club room!" natatarantang sabi ko at tumalikod agad. Bakit? Bakit ako naiinis sa nakikita ko? Hindi ko man lang napansin na nalaglag ko ang bulaklak na binigay ni Brix. Hindi ako lumingon kahit na anong tawag ni Brix sa pangalan ko.
"Bakit ang putla mo?" nasalubong ko si Czar.
"H-hindi ah," sumabay ako sakanya papunta sa classroom. Nakisiksik muna ako sa upuan ni Brie. Sa kalagitnaan ng usapan namin ay pumasok si Yat at Lee na magkahawak ang kamay.
"Back together again ang peg?" komento ni Brie.
"Halos hindi nga sila nag-uusap dito eh. Parang mas close pa nga kayo ni Ryan. Infairness, hindi kayo na-develop sa isa't-isa?" sunod naman ni Czar.
"Develop? Yuck, walang ganoon."
"So, si Brix then?" tanong nanaman ni Czar. Sinundan ko ng tingin si Yaj at Lee.
"Yuck daw, eh bakit parang madudurog ka diyan?" pumunta sa harap ko si Brie, blocking my view of that infamous couple.
"Paunang payo Lhaine, hindi ka masasaktan, magseselos at magagalit kung wala kang espesyal na nararamdaman sa taong 'yun," tuloy ni Brie.
"And don't be afraid to talk to us. You can't bear all of your troubles alone. From now on, talk to us. Okay?" tumapat rin sa akin si Czar. I just smiled. May telepathic powers ata itong dalawang ito.
My head's a mess the whole day. Kapag dumarating ang break, hinahanap ko agad si Brie at Czar. Iniwasan ko rin si Brix, buti nalang hindi niya ako kinulit. Ngayong hapon ang unang meeting para sa project namin at ka-group ko pa ang dalawang 'yun. Why am I so bothered?
"Lhaine, may member kami na gustong makipagpalit sa inyo," lapit ni Brix sa akin bago ako makapasok sa conference room.
"Really? Puwede ba? If yes, can I?" dali-daling sagot ko. It struck me that I looked so guilty about 'something'.
"Welcome to the group then," ngumiti siya.
"May kukunin lang ako sa locker ko, ikaw na magsabi na nakipagpalit ako ng group ha?" rason ko. Ano ba 'tong ginagawa ko? Habang naglalakad ako, naramdaman ko na may sumusunod kaya napalingon ako.
"Bakit ka makikipagpalit?"
"Si Lee lang pala. Ah, nakakasawa na kasi 'yang mukha mo," pabirong sabi ko.
"Ng dahil lang sa akin?"
"Don't flatter yourself," sinabayan niya ako papunta sa lockers.
"You wish. Ka-grupo naman natin si Czar. Ginagawa mo pa akong rason para makasama mo si Risaralda."
"Stop with the name dropping. Ayaw ko na may marinig nanaman ako mula kay Yaj. Sh''s the jealous type right? Awkward na nga na alam nilang sa iisang bahay tayo nakatira eh. Iniisip ko rin naman ang sarili ko."
"Sige. Hindi kita maisasabay mamaya."
"Okay lang, lalabas din kami nina Czar."
"Saan? Hanggang anong oras? Sinong kasama mo? Alam ba nina Ma?"
"Galleria, I don't know, people then yes. Answered?"
"Huwag kang magpagabi, malaking abala nanaman kapag ipapasundo ka sa akin," sabi niya saka umalis. He's really casual and calm. I-untog ko kaya ang ulo ko sa locker para tumino ang utak ko?
"Lhaine, can I talk to you for a bit?" si Yaj naman ngayon ang sumalubong sa akin sa labas ng conference room.
"Sure."
"Tulungan mo akong bumalik si Rai. I can feel him drifting away. Close naman kayo right? You're like his sister he said."
"I'm not sure on how can I be of any help."
"Kung wala ka talagang gusto sakanya, tutulungan mo ako. I'm sorry for my actions last time we spoke. Also, Brix really likes you. Alam kong nasasaktan siya kapag binabalewala mo siya."
"Can't you just talk to Ryan Lee?"
"I'm begging you. Just this once, please. Natatakot akong ipakita na mahina ako sa harap niya dahil baka sa huli, awa lang ang maramdaman niya sa akin. I want him to show the love he had for me before," naluluha na siya at desperadang pakinggan.
"Anong gagawin ko?" I need to prove to myself that I don't like Lee this way. Masasaktan lang ako, I know that.
"Just do your thing. Naniniwala akong mapapalapit mo kami ni Rai. Thank you, Lhaine, sis," that last word was really awkward. Does she really need my help o may gusto lang siyang ipamukha sa akin?
---
BINABASA MO ANG
SHE'S THE GIRL
Teen FictionLhaine Lee Ramos had just adjusted to a new life after her Nana died a year ago. Now, she must face another sudden change in her life. Her world flipped 360 when she found out that her Nana wasn't a blood relative at all and that she was being force...