Lhaine Lee Ramos – POV
Nagtawag sina Brie at Czar na mag-mall muna bago ang hell week exams pero tumanggi ako. Nagtext kasi si Jakes kanina na dapat ay dumalaw ako sakanya ngayon. Dumiretso ako sa ICU para hanapin siya pero ang sabi sa akin ay nilipat na raw ito sa ward. I was so shocked when I noticed that I just entered the same room where I was at last night. It was a five room ward and white curtains were the only division for each bed.
"Hi," bati ko sakanya. Bakante ang katabi niyang kama—ang kama ko kagabi. Sana ay kakalipat lang niya ngayong hapon. Sana ay hindi niya ako nakita kahapon.
"Wala ka manlang dalang pagkain? Ang pangit ng pagkain dito," bulong niya. Nanatili ako sa dulo ng kama niya.
"Bakit ka nandito sa ward? Wala bang private room?"
"Puno raw lahat ng private rooms. Marami yatang nagkakasakit ngayon eh."
"Ah, ganoon ba. Ha-ha. Hindi ba dadaan si Diane ngayon? Ang liit ng mundo, right? Gusto mo bang—ano kung—saan—"
"Come here and sit down," putol niya sa akin. Sa sobrang kaba ko ay wala na akong nabuong pangungusap. Lumapit ako at umupo sa may kama niya.
"Naka-quiz ka ba ng maayos? You're one crazy girl to think about a quiz at a time like that."
"Jakes..." nanginginig ang mga kamay ko.
"Nandito ako kagabi at narinig ko ang usapan ninyo ng kasama mo. Kahit nga iyong sa doktor mo eh. How did that happen? Bakit sinabing kritikal na kapag inatake ka ulit?"
"May brain tumor ako. Please, sana walang ibang maka-alam."
"What? That's a joke right?" hindi makapaniwalang sabi nito. Umiling ako.
"Fibrillary Astrocytomas to be exact."
"Holy crap, you are not joking," tinakip niya ang mga palad niya sa mukha niya.
"Bukod sa doktor ko at kay Zenrid, ikaw ang pangatlong may alam nito."
"Bakit nagpumilit kang umuwi kanina kung ganyan pala kaseryoso? Bakit hindi ka pa nagpapagamot?" frustrated ang itsura at boses niya.
"Kaya ko pa naman eh. Magpapagamot din ako, hinihintay ko lang ang tamang oras?"
"Kapag huli na ang lahat?"
"Natatakot ako. Ni hindi ko pa nga yata matanggap sa sarili ko na mayroon ako nito eh. Umaasa na sa bawat pag-gising ko ay panaginip lang pala ito. I can't even bear to say it out loud then what more to my friends?"
"Okay, calm down. But let's be reasonable, buhay mo ang pinag-uusapan natin. Alam mo bang mas nakakatakot ang pagdaanan ang ganitong bagay ng mag-isa?"
"Desidido na ako."
"Then tell me all of your plans and don't think about leaving out any detail. For once, think about yourself. Place yourself first. Tatagan mo ang loob mo."
"I will. Alam mo bang aalis narin si Lee at gusto niyang sumama ako? This sucks big time. Worrying here and there, analyzing this and that. I just want to stop. Tatapusin ko lang ang exams ko—"
"Really? Kaya pala frustrated 'yung kasama mo kahapon. Ipakilala mo siya sa akin sa susunod. Damn, hindi parin ako makapaniwala."
"So, kangaroo huh?" iba ko ng usapan. Bago pala kasi siya nag-collapse ay pupunta dapat siya sa Australia. Gusto raw kasi muna niyang makakita ng kangaroo bago siya mamatay.
"Sino ba naman ang ayaw makakita ng hayop na may bulsa?" ngumiti siya.
"Gusto ko ring makakita ng kangaroo."
"Get healthy so that we can go together."
"I will," tugon ko sakanya. We talked about Diane and him. He thanked me for bringing them together. I did not really do that but he still kept on thanking me. Dumaan ako sa office ng doktor ko pagkatapos kong dalawin si Jakes. Pinagsabihan niya ako sa ginawa ko kahapon. Alam ko kasi na may HAMA (Home Against Medical Advice) kaya wala silang nagawa kundi palabasin ako.
"Doc, can I still travel at this rate?"
"There are risks, especially now that you are having seizure attaks, but with the right precautions and preparations, you can still trabel. Balak mo bang magpagamot abroad?"
"Opo, doc."
"Alright. Inform me when you've made the final decision so that we can prepare for it. I also need you to sign a waver..."
Gumaan ang loob ko. I'm being an adult huh? These are decisions I never imagine I'd make. Pagdating ko sa aparment ay nadatnan ko si Lee na nakasandal sa sasakyan niya at panay ang tingin sa relo niya.
"Hindi ba dapat nag-aaral ka?" tinabihan ko siya.
"Where the hell did you come from?!" halos mapatalon kasi ito sa gula.
"Hmm, hindi ka na amoy alak."
"Can you listen to me? I can't think of anything but you and it irritates me. Alam ko na selfish ang labas nang tawagin kita para sumama sa akin. Seryoso ako sa sinabi kong gusto kita. Nalilito na ako sa'yo dahil hindi ko alam kung may nararamdaman ka parin ab sa akin o kay Zenrid na."
"Nasa akin na ulit itong kuwintas, remember the first deal?"
"Yeah, so?"
"Humingi ka rin ng oras sa akin. Ang bagong deadline ng deal natin ay sa kuhanan ng final grades."
"Done. I'm serious about leaving. The only thing I'm waiting for is your answer."
"Bakit kailangan mong umalis?"
"Dahil ayaw kong maiwan mag-isa. Let's face it, ang mga magulang ko nalang ang talagang kilala ko ng husto ngayon. Ayaw ko ng mangapa at magtanong. Rather than looking back, I'd rather go forward."
"Naiintindihan ko. Sa labasan ng grades ay ibibigay ko ang sagot ko. Paikot-ikot tayo, napansin mo?" napangiti ako.
"Yeah. Sasama ka naman siguro sa outing na plinano nila?"
"Oo naman," sagot ko nalang kahit na hindi ko maalala kung may nabanggit ba sila sa akin. Mula sa sasakyan niya ay may nilabas siyang ilang plastic ng take out foods. Tinawag ko narin lang siya sa unit ko para pagsaluhan iyon.
It's a countdown 'till D-DAY.
---
BINABASA MO ANG
SHE'S THE GIRL
Teen FictionLhaine Lee Ramos had just adjusted to a new life after her Nana died a year ago. Now, she must face another sudden change in her life. Her world flipped 360 when she found out that her Nana wasn't a blood relative at all and that she was being force...