Chapter 59

23.6K 292 23
                                    

Lhaine Lee Ramos – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos – POV

When I cut everyone off from my life, I was taking the easier way out.

Sa mga oras na mag-isa ko, ilang beses kong pinigilan ang sarili ko na tumakbo sa isa sa kanila. I was in a lot of pain and it was a lot easier for me to carry it. That's what I wanted to believe. But hearing these words from him, I know I'm vulnerable more than ever.

"Say something, Lhaine Lee Ramos," tawag niya sa akin. Linunod ko ang mga napakaraming bagay na pumapasok sa isip ko ngayon.

"I'm scared, really scared. I really don't want to be happy because everytime I do, something wrong or bad happens. Look at us. Kailan nga ba nagtagal na masaya tayo? A week? Month?" I started to say. Dumidilim nanaman ang paligid at nagbabadya ang ulan.

"We could've been perfect the first time we tried. Hindi natin hawak lahat ng mga nangyari sa atin kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. Don't live with the thought that you are destined to be alone and unhappy," sagot niya. Lumapit siya at tinanggal ang jacket na suot saka pinatong ito sa balikat ko.

"I can't help it. You see, parang may pattern and I don't like it. Ayaw kong maulit nanaman lahat," I still hesitated. Ang saya ng ideya na maging kami ulit at kasama ang mga taong importante sa buhay namin pero masyadong komplikado para sa akin.

"Stop thinking about what could go wrong and think about what could go right. You said it so yourself; we've been down this road before so this time, we should be better at it. Alam na natin sa sarili natin ang mga dapat itama," he walked towards me, cupped my face and then wiped the tears from my eyes.

"What is right?"

"This," yumuko siya at bigla akong hinalikan.

It was sweet and passionate. I can't help it. Kinawit ko ang kamay ko sa batok niya and kissed him back. We were out of breathe when he finally let go. Nararamdan ko na ang-iinit ang pisngi ko at na hindi na ako umiiyak. Just because of that kiss, my worries were swept away.

"Kung natatakot ka, let's be afraid together. No more running away. Kung may problema ka, talk to me. If you still have doubts, I'll make them go away. Lahat itatama ko na. Hindi ka na mag-iisa kaya please, can we go home soon?"

"Take me home, Lee. I missed everyone," I replied right away.

"Really? God, thank you," niyakap nanaman niya ako ng sobrang higpit. Nagsimula ng pumatak ang ulan. Kami nalang pala ang nandito sa may dalampasigan.

"Bumalik na tayo sa apartment baka mabasa ka at mabinat," pag-iba ko ng usapan. Nag-alala talaga ako kagabi hanggang sa puntong kada limang minuto ay chinicheck ko siya.

"I have a better idea. Let's stroll first," sagot niya saka hinila ang kamay ko. Para kaming nasa isang masayang eksena sa isang pelikula—dalawang taong tumatakbo sa tabi ng dalampasigan at basang basa sa ulan. Kasabay ng bawat ngiti at tawa ay ang panalangin din na sana hugasan ng ulan ang lahat ng hinanakit, takot at pagdudua sa loob ko.

Bumalik kami sa apartment at nagluto nanaman siya. He told me about what JM and Zenrid did for the both of us. After eating, he asked me to bring him to every place I've been to when I got here. Dumaan din kami sa ospital sa kung saan ako nagpagamot.

He really never let go of my hand. Every minute, he reminded me of how much he missed me. I too, felt the same way. Hindi na mga litrato ang tititigan ko simula ngayon. It'll be him in flesh. Ayaw ko nang magbakasakali at i-asa ang sagot ko sa assumptions ko.

Facing this now is the real bravery. I don't want to be alone anymore.

---

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon