Chapter 54

24.1K 304 26
                                    

Ryan Lee Sanchez – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ryan Lee Sanchez – POV

Hindi ako makatulog dahil sa lakas ng hilik nina Thom at Ray kaya bumangon nalang ako at bumaba. Nadatnan kong nagtitimpla si Brix ng kape sa kusina. Isinuot ko ang shades at jacket ko.

"Gusto mo ng kape?" alok niya.

"Hindi na. Pare, condolence ulit."

"Salamat. Hindi ka ba sasama mamaya? Dalawang oras lang naman ang biyahe," inabutan niya ako ng bottled water. Kinuha ko iyon at ininom ng one shot.

"May aayusin pa sana ako bago umalis. Pasensiya na at condolence ulit. Paki-sabi nalang sa iba mamaya."

"Ah. Sayang naman, hindi natin alam kung ilang taon pa ulit bago tayo mabuo."

"Darating at darating din ang araw na 'yan. Mauna na ako. Wala rin akong dalang damit at round trip ticket lang ang binili ko," nakipag-kamay ako sakanya bago umalis. Umiikot ang ulo ko habang naglalakad ako palabas ng village. Buti sana kung hindi pa umaambon. Bahing ako ng bahing habang naghihintay ako ng taxi.

"Ryan Lee!" may tumatakbo papunta sa kinakatayuan ko at panay ang sigaw nito sa pangalan ko. Tinanggal ko ang shades ko para makita ng malinaw kung sino iyon.

"Lhaine Lee?"

"Wait! Saglit!" sigaw niya kahit na wala namang sasakyang nakahinto sa tapat ko at hindi ako gumagalaw. Hinintay ko na makalapit siya sa akin.

"Heto.. Yu—hung—pho—hoonee.." sabi niya habang naghahabol ng hininga.

"Wala akong maintindihan. Bilisan mo, may parating ng taxi," sagot ko at tinuro ang palapit na sasakyan sa amin. Timing nga naman oh.

"Sabi ko, 'yung phone mo," inabot niya sa akin ang phone ko. Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan.

"Thanks," sagot ko bago pinara ang ngayo'y katapat na naming taxi. Pumunta ako para kausapin ang driver, "Sa airport po. Kakausapin kong ho saglit 'tong kasama ko."

Tumango ang driver at nag-oo. Nilingon ko si Lhaine na blanko ang ekspresyon ng mukha—o baka pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko.

"Nakuha mo ang number ni Ma?" tanong ko sakanya.

"Ah oo, aalis ka na ba? Hindi ka sasama sa funeral?"

"Nope. Kailangan ko ng bumalik dahil marami pa akong aayusin."

"Ganoon ba, okay. Ingat ka sa biyahe. It was nice to see you again," ngumiti siya at nilahad ang palad niya. I took a step closer to hug her.

"This might be the last time so a hug wouldn't hurt, right?" bulong ko sakanya. Hindi siya sumagot pero yumakap siya pabalik.

"Stay out of trouble and study well," sabi nito nang bitawan ko siya. Last time my ass. Aalamin ko ang buong katotohanan. I only have bits and pieces right now but yeah, just wait. Wala na akong paki-alam sa sasabihin ng iba. Ipaglalaban ko nalang kung ano ang gusto ko.

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon