Lhaine Lee Ramos had just adjusted to a new life after her Nana died a year ago. Now, she must face another sudden change in her life. Her world flipped 360 when she found out that her Nana wasn't a blood relative at all and that she was being force...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lhaine Lee Ramos - POV
EARLIER. Bahing ako nang bahing at naluluha na ang mata ko dahil sa sipon na ito. Sana naman ay hindi ito matuloy sa lagnat. Sumasabay pa itong sakit ng ulo ko. Dapat siguro ay ipa-check ko na ang mata ko?
"Nagkakalat ka naman ng virus dito eh," tumabi si Brix sa bakanteng upuan ni Lee. Wala na ang saklay niya. Ilang linggo palang ang nakalipas pero malaki na ang irinecover ni Brix. Kitang-kita naman kasi ang dedication niya kaya nabilib din ang mga therapist niya. Sumasama ako sa mga therapy sessions niya bilang suporta. I just want to show him that he's not alone on this.
"Puwede ka na ba talagang maglakad ng walang saklay o nagiging pasaway ka lang?"
"Kaya ko na talaga pero bawal pang magmaneho. Late nanaman sila ah, practice?"
"First subject lang daw."
"Nakaka-inggit huh."
"Hindi mo mamamalayan eh isa ka narin sa mga male-late dahil sa practice," nginitian ko siya. Hindi niya kailangan ng negative vibe sa ngayon!
"Gusto mo ng vitamins? Marami ako 'nun. Tsaka heto, maraming tissue," inilapag niya sa desk ko ang isang roll ng tissue at may kasama pang water bottle. Pumasok ang teacher namin kaya bumalik na siya sa upuan niya.
"Morning class, this term's Music practicals will be an individual one. You can pick any song you want. It'll be delivered in acapella. But here's the twist, that song should be delivered considering the person you'll be drawing. In short, bubunot kayo ng kakantahan ninyo. A rubric will be provided for you," simula agad ng teacher.
Halo-halo ang reaksyon ng klase. Hindi naman kasi magkakasunod ang lahat ng tao dito. Paano kung ayaw mo o hindi mo kilala ng husto ang nabunot mo? Nagsimula na ang bunutan mula sa harap. Kitang-kita sa mukha ng iba ang excitement. Sa kalagitnaan ng bunutan ay pumasok ang ilang ka-team nina Lee. Sinilip ko ang phone ko pero wala siyang text. Wala rin pala si Yaj. Ano ba 'yan, napaparanoid ako.
"Nagmamadaling nauna raw si Ryan kanina," tumabi nanaman si Brix sa akin.
"Ah. Nasaan kaya 'yun."
"Baka may LBM," ngumisi si Brix.
" Kapag narinig ka 'nun—" napabahing nanaman ako.
"Ikaw na ang bubunot," natatawa na si Brix dahil sa itsura ko. Pulang-pula na yata ang ilong at mata ko eh. Tapos tumalsik pa 'yung uhog ko! Inirapan ko siya at tumayo para bumunot. Lumabas saglit ang teacher namin. Linapitan naman agad ako ni Brie at Czar.
"Sino ang nabunot mo?" tanong ni Czar.
"Hindi ko pa nga nakikita eh," ibinulsa ko ang maliit na papel. Nawala si Brix sa upuan ni Lee. Sa ngayon ay napapalibutan siya ng mga classmates naming babae. Ah... Bakit ako naiinis? Hindi lang yata ako sanay na nakikipag-flirt siya. Hindi siya ganoon dati eh.