Isang gabing kabilugan ng buwan...
Tinatanglawan ng liwanag ng buwan ang ilog kung saan naroon ang dalawang tao, isang lalaki at isang babae na kasalukuyang namamangka. Magkaharap sila at ang lalaki ang sumasagwan ng bangka habang ito ay bumibigkas ng tula para sa babae. Buong puso niyang inaalay sa babae ang tula na sarili niyang komposisyon. Ang babae naman ay titig na titig lamang sa mukha ng lalaki at nangingiti habang pinapakinggan ang tula ng lalaki:
"Oh Irog ko, sa tuwing kita'y nakikita / puso ko'y kumakaba / hindi ko na batid kung paano pa ang mabuhay / kung sa aking piling ika'y mawawalay.
Anong hiwaga ba ang iyong tinataglay / at sa tuwing hahawakan ko ang iyong mga kamay / ang haring araw ay kusang dumudungaw / lubhang pinapawi ang aking pamamanglaw?"
Napaka-romantic ng gabing iyon para sa magkasintahang ito nang sa walang anu-ano'y yumanig ang buong paligid! Biglang kumulog at kumidlat at nagngalit ang ilog. Ang kaninang mapayapang ilog ay biglang nagkaroon ng malalaking alon na parang sa dagat. Animo'y may nagaganap na malakas na lindol.
Niyugyog ng malalakas na alon ang bangka ng magkasintahan dahilan upang ito ay tumagilid. Tinangay sila ng malakas na alon. Himala namang may nakapitan na malaking sanga ng puno ang babae at siya ay dinala sa mababaw na parte ng ilog.
Umiiyak ang babae at pilit na tinatawag ang lalaki. Isinisigaw niya sa karimlan ng gabi ang pangalan ng lalaki. Kitang-kita niya kung paano tinangay ng malakas na agos ng tubig ang lalaki papalayo sa kanya hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin...
~~~~~~ ***** ~~~~~~
BINABASA MO ANG
NASAAN SI MARIA CLARA?
Lãng mạnALLEXIS IS A MODERN WOMAN, MULA SA KASALUKUYANG MAKABAGONG PANAHON - YEAR 2018. SA ISANG HINDI INAASAHANG PANGYAYARI, SHE WAS ACCIDENTALLY SENT BACK IN TIME, SA ISANG MAKALUMANG PANAHON AT ISANG UMAGA AY NAGISING NA LAMANG SIYA NA NASA LATE 18TH CE...