KABANATA 12

337 12 0
                                    


"Allex, may lakad ka ba today?"

Parang na-disorient si Allexis sa narinig sa kabilang linya ng telepono. Parang biglang nawindang ang ulirat niya at nagtaka kung sino ba ang nasa kabilang linya. Hindi siya nakasagot agad.

"Hey, Allexis, it's me, Grammy. Sabi ko, may lakad ka ba today? Baka naman gusto mo akong samahan? May charity event kasi mamayang after lunch sa may Southwoods. Wala akong kasama kasi nag-day off ang mga kasama ko dito sa bahay. And if it's not asking you too much, paki-drive mo na din ako. Please...."

Nagulat si Allexis sa narinig. Pinitik-pitik ang pisngi niya para masigurong gising siya at totoo ang mga naririnig niya sa kabilang linya. First time in her twenty two years on planet earth na naringgan niya na magsalita at makiusap ng ganito si Grammy sa kanya.

Nakikiusap na samahan siya? Si Grammy, of all people?

Naisip niya, hindi kaya si Grammy ang nananaginip? O baka naalimpungatan kaya? Why me? Why me all of a sudden huh?

"Ah good morning, Grammy. Wala po. Wala naman akong lakad today. Nakapagsimba na ako kaya I am sort of resting lang. Sige po, I will go with you. What time shall I pick you up?" nagtataka pa ring sagot ni Allexis. Hindi siya makapaniwala.

Sinabi ni Grammy kung anong oras sila aalis at ibinaba na nito ang phone.

Ay oo nga pala. Wala daw yung mga kasama sa bahay. That means, wala yung mga alalay niya, at higit sa lahat, wala 'yung driver niya. So, ikaw yun today, all rolled into one. Sabi ng isip niya.

Ganern nga ba 'yun talaga? Sabagay, must be true. Kahit kelan naman hindi ako feel kasama nun. Si Lorelei lang ang lagi niyang gustong kasama kahit noon pa man. Napapaisip si Allexis sa mga sandaling iyon. Masaya siya kasi for the first time ay isasama siya ni Grammy sa lakad nito, pero...

Panakip-butas ka lang, girl. Wala kasing mahatak na kasama kaya ikaw ang naisipang isama. Kung hindi ka kaya marunong mag-drive, isasama ka pa rin kaya niya? Tanong ng puso niya.

Wala rin namang mga tao sa bahay nila that day kasi nga ay Sunday, may kanya-kanyang gimik, kaya sinabi na lang niya sa isip niya na mag-eenjoy na lang siya today kasama si Grammy, whatever it takes, tutal boring din naman ng nag-iisa sa bahay. Pati boyfriend niya, may sarili ding lakad.

At leisurely ay nagbihis siya, ready to enjoy Grammy's company.

Sa pangatlong street, pagliko ay makikita agad ang mansion ni Grammy. Nasa corner ito. Nasa labas na ito ng mansion ng dumating si Allexis at malayo pa lang ay kumakaway-kaway na ito sa kanya.

Naka-white hat pa ito na very stylish ang design na parang magku-cruising lang along country side ng isang lugar sa London. Naka-dress ito ng sleeveless white din na may maliliit na violet floral prints. Mga three inches below the knee ang haba at sa tingin pa lang ay mamahalin dahil mukhang napakalambot ng tela. Tulad ni Allexis, mahilig din itong magbitbit ng malaking bag. Tulad ngayon, malaking white na bag ang dala niya with matching white shoes na may mababang takong. Isang simpleng-simpleng Prada. Same brand ng bag na dala.

Fashionista talaga ang lola mo! Sabi ng isip ni Allexis at siya ay nangiti.

Ang straight hair ni Grammy na hanggang balikat ay nakatali ng white clip. Sa edad na 80 ay napakaliksi at napakalakas pa ni Grammy. Wala siyang sakit. Wala ngang maniwalang 80 years old na siya kasi hindi siya mukhang ganoon katanda. Ang mga puting buhok niya ay makintab na platinum silver ang kulay. Pati ang katawan niya ay slim kaya up to now ay napakaganda pa rin niya magdala ng damit. At higit sa lahat, napakaganda ni Grammy. Hindi maitatago ng katandaan at mangilan-ngilang wrinkles sa mukha niya ang taglay niyang kagandahan.

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon