KABANATA 44

157 10 0
                                    


Sabado ng umaga. Ang araw ng piging na pinakahihintay ng lahat sa baryo ng San Jose sa may Intramuros.

Maaga pa lang ay hindi na magkandatuto sa pag-aayos sina Elyang at Allexis kasama ang mga dalagang sina Lida, Ponyang, Salud at Neneng. Maaga silang nagsigising dahil lunch time daw gaganapin ang piging sa mansyon ni Kapitan Tiyago.

May mga dalang baro at saya sina Ponyang na sadyang pinaghandaan ng kanilang mga magulang para lang sa piging na iyon. Nagkasundo sila na sa mansyon ni Donya Victorina silang lahat mag-aayos at doon na rin manggagaling para uupa ng dalawang karitela si Macario na siyang magdadala sa kanila kina Kapitan Tiyago.

Gusto sana ng mga dalaga na maglakad na lang papunta sa mansyon ni Kapitan Tiyago tutal sa kabilang kanto lang naman daw iyon pero hindi pumayag si Macario dahil nga naman ay nakabihis sila ng pormal at dapat ay maayos silang darating sa piging. Ipinaubaya na ni Macario sa mga kababaihan ang pagdalo sa piging at nagpasya na lang na siya na ang maiiwan at magbabantay sa mga bata. Para daw makapagsaya nang husto sina Elyang.

"Sadyang napakabait talaga ng asawa ko, hindi ba?" nagmamalaki pang sabi ni Elyang.

"Ay siya namang tunay, Ate Elyang. Sana sa darating na panahon, katulad din ni Kuya Macario ang aking maging kabiyak ng puso." Sang-ayon naman ni Lida.

Si Salud ang taga-ayos ng mga buhok nila at si Elyang naman ang nag-aayos ng kanilang mga baro at saya. Sinisiguro niyang maayos ang pagkalapat ng mga damit sa kanilang mga katawan. Kapag may mga gusot ay siya din ang taga-unat ng mga iyon.

Si Allexis naman ang kanilang make-up artist. Kinuha niya sa malaki niyang bag ang kanyang make-up kit na naglalaman ng iba't ibang shades ng lipsticks, pressed powder, foundation cream, concealer, pang-contour, blusher, eyeliner, eyebrow pencils, mascara and gels. Kasama pa ang pang-suklay ng kilay. Kumpleto talaga sa gamit ang malaking bag ni Allexis. Name it and you'll find it sa loob ng kanyang malaking bag. Parang girl scout lang na laging handa sa lahat ng oras at pagkakataon.

Sa una ay ayaw pumayag ang mga dalaga na make-up-an sila ni Allexis. Hindi daw sila naglalagay ng ganoon sa mga mukha nila at hindi sila sanay. Sinabi ni Allexis sa kanila na galing sa Europa ang kanyang mga pang-make-up na kung tawagin nina Ponyang ay pang-kolorete sa mukha. Sinabi rin niya na uso sa Europa ang nag-aayos ng mukha kapag dumadalo sa mga piging. Sa bandang huli ay napapayag din ni Allexis ang mga dalaga na lagyan niya ng make-up ang mga mukha nila. Light make-up lang naman ang balak ilagay ni Allexis sa kanila at baka kung kakapalan niya ay hindi na sila makilala ng kanilang mga pamilya at kapitbahay.

Si Elyang naman ay todo tanggi talaga na mag-make-up dahil sa may asawa na daw siya at hindi daw magugustuhan ni Macario na siya ay maglagay ng kolorete sa mukha.

"Naku Allexis, pasensya na ha. Baka pag-awayan pa namin ni Macario ang mga kolorete na iyan. Hindi n'yo lang alam ay may pagka-seloso din ang aking asawa. Kapag naninibugho ang kanyang puso ay isang linggo niya akong hindi kinakausap at hindi sinisipingan." Pagtanggi ni Elyang.

Parang kinilig naman ang mga dalaga sa narinig. Nag-blush pa si Neneng.

"Si Ate Elyang naman. Huwag mo na isiwalat pa 'yung hindi kayo nagsisiping ni Kuya Macario kapag naninibugho siya sa iyo. Nahihiya ako. Hindi pa kami handang makarinig ng ganyang mga kwento. Inosente pa kami sa mga bagay na iyan. Ako'y sadyang kinikilabutan." Namumula ang mukha ni Ponyang at isinubsob pa niya iyon sa kanyang mga palad.

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon