KABANATA 2

1.2K 24 3
                                    

"Hey, ano 'yang pinagkakaabalahan ninyong dalawa diyan ha?" Si Conchitina or Chit, ang mommy nina Allexis at Arnold.

Nagulat ang magkapatid ng bigla itong magsalita mula sa pinto ng kwarto ni Arnold. Dumating na pala ito ng hindi nila namalayan.

Tumayo ang magkapatid at humalik sa mommy nila. Ito ang isang bagay na nakaugalian na nila. Kahit gaano sila ka-busy, hindi nila nakakalimutan ang gawin ang mga tanda ng paggalang para sa kanilang ina. Tulad na lang nitong paghalik sa tuwing ito ay darating ng bahay at paghalik din dito bilang pamamaalam kung sila ay aalis ng bahay.

Excited na umupo sa kama ni Arnold ang ina at nakiusyoso din sa mga lumang gamit na kanina pa kinakalikot ni Allexis.

"Ano ito, Kuya? Bago mong collections? Saan mo ito nakuha? Sobrang luma na talaga ng mga ito ah!" binubusising mabuti ng mommy nila ang mga maliliit na alahas. Nakagawian na rin niyang tawaging Kuya ang panganay na anak. Bagay na proud naman ang anak kapag tinatawag siyang kuya ng mommy nila. Feeling niya isa siyang matibay at matatag na pader ng pamilya.

"Nahukay namin nina Paolo ang mga iyan doon sa cave sa may Montalban, Rizal, Ma. May mga nauna nga sa amin pero buti hindi nila nahukay ang mga 'yan. Para sa akin talaga ang mga 'yan."

"It's meant for you, Kuya." Sabi ni Allexis. Isinubo niya ang huling piraso ng pizza na may luha.

"Teka, kumain na ba kayong dalawa? May dala akong dalawang boxes ng pizza. 'Yung malalaking box. Tinatamad kasi akong magluto for dinner kaya nag-take out na lang ako ng mga pizza. May take home sana akong mga ulam from the restaurant kaya lang, naiwan ko sa Tanay. May meeting kasi ako doon kanina. Ewan ko ba naman kung bakit nawala sa isip ko na may bitbit nga pala akong mga ulam." Biglang naalala ni Chit ang mga dala niyang pizza.

"Mommy, bumili din ako ng isang malaking box ng pizza. Andun sa dining table. Hindi pa ubos." Sagot ni Arnold.

"Ah ganoon ba? Puro pizza pala tayo tonight." Sinasamsam ni Chit ang mga damit ni Arnold. Inaamoy niya kung ano yung madumi at kung ano yung bagong laba at pinaghihiwalay ang mga ito.

"Eh di pizza party tayo tonight. Pag may natira, pwede pa bukas 'yun. Hindi naman ako nagsasawa sa pizza." Nakatawang sabi ni Allexis.

"Kuya, pwede bang pumunta ka saglit sa mga lola mo tonight? Kahit mamaya bago ka matulog, please. Pakidala naman sa kanya itong pocket book na pinabili niya sa akin. Two days ko ng nabili ang pocket book na ito pero hindi ko naman naidadaan sa kanya." Inilabas nito sa bag ang bagong biling pocket book.

"Wow, bagong novel ba 'yan ni Sydney Sheldon, Ma? Naku, hihiramin ko yan kay Grammy pag natapos na niyang basahin. Ay, ako na lang kaya ang magdala niyan Ma kay Grammy? Sasabihin ko na agad sa kanya na hihiramin ko yang pocket book at baka may mauna pang humiram sa akin eh." Tuwang-tuwang sabi ni Allexis. Isa sa mga favorite authors niya si Sydney Sheldon at si Danielle Steel.

Silang magkapatid, pati na ang mga pinsan nilang iba pa ay nakagawian ng tawaging Grammy Delilah ang lola nila. Or simply Grammy. Ito ang ina ng daddy nina Allexis at Arnold. Kahit hiwalay na ang mommy at daddy nila ay hindi naman sila inabandona ng ina at mga kapatid ng daddy nila. Mula noon hanggang ngayon ay pamilya pa rin sila at close na close sa isa't isa.

Si Grammy Delilah ay may tatlong anak. Si Uncle Ponch ang panganay. Ito na ang nagma-manage ng kanilang farm na ilang daang ektarya ang lawak sa Nueva Ecija. Asawa nito si Auntie Gina na isang lawyer. Mayroon silang isang anak, si Lorelei, na pinakapaboritong apo ni Grammy sa lahat ng mga apo niya.

Ang sumunod na anak ay ang daddy nila, si Richard. Ang bunso ay si Uncle Harry na ang asawa naman ay si Auntie Melanie. Mayroon silang tatlong anak, sina Banjo, KC at Jed, puro mga lalaki. Nasa New York silang lahat at doon na naninirahan.

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon