KABANATA 40

191 10 0
                                    


Kinabukasan nga, madilim pa ay gising na ang mga dalaga at naghahanda ng pumunta sa sapa kung saan sila maglalaba ng dala nilang mga damit. May mga dala din silang balde na gawa sa kahoy. Tuturuan nila si Allexis na maglaba sa sapa. Maaga ring nagluto ng breakfast si Eliang para sa kanilang lahat at ipinagbalot pa sila nito ng mga pagkain para sa kanilang tanghalian dahil tiyak na aabutin na ang mga ito ng hapon doon.

Mahaba at malayo ang daan papuntang sapa. May bukid silang dinaanan at may tinawirang taniman ng palay. May hanging bridge na mahaba at makitid pero hindi naman gaanong mataas. Mayroon ding puro puno ng buko at mangga ang magkabilang bahagi ng kalsadang katamtaman lang ang laki. May mga kabahayan at mayroong liblib na lugar.

Pagkalampas nila sa mga malalagong puno ng buko at mangga ay tumambad sa paningin ni Allexis ang napakagandang tanawin. Ang sapa na may malinaw at malinis na tubig. Nakaka-relax ang lagaslas ng tubig ng sapa.

Nagsisimula ng magpakita ang araw sa mga oras na iyon kung kaya't unti-unti ng nagkakaroon ng reflections ng araw ang tubig ng sapa. Iba't ibang kulay ang makikita sa tubig. Ang sapa ay napapalibutan ng mga puno ng bayabas, balimbing, kaymito at chico. Lahat ay hitik sa bunga. At mayroong isang katamtamang laki ng puno ng Indian mango na punung-puno din ng bunga mula itaas hanggang ibabang mga sanga.

Sa kabilang dulo ng sapa ay dumudugtong ito sa isang malawak na ilog na natatanaw nila. Ayon kina Neneng, pwede daw mamangka doon sa ilog na iyon at mas maganda ang tanawin doon. Marami rin daw na mga isda ang doon ay mabibingwit. Matataba at malalaking isda.

Tuwang-tuwa ang magkakaibigan at hindi magkamayaw sa pagtutuksuhan at nagbabasaan pa sila ng tubig ng sapa habang nagtatawanan at nagkukurutan. Parang tila sa mga sandaling iyon ay nakalimutan ng mga dalagang kasama ni Allexis ang pagiging mahinhin. Parang wala silang pakialam sa mundo. Para silang mga batang paslit na enjoy na enjoy sa paglalaro sa sapa.

May mga moments din palang ganito sa panaginip ko kung saan they just let go of themselves. Hindi pala all the time ay para silang tumatawid sa alambre kung kumilos. Naisip ni Allexis.

Maya-maya ay itinuro na nina Lida at Ponyang kay Allexis kung papaano ang maglaba sa sapa. Sina Neneng at Salud naman ay nag-aayos ng mga dala nilang pagkain sa ilalim ng puno ng Indian mango sa di kalayuan.

"Dito mo kukusutin ang mga damit sa umaagos na tubig ng sapa. Ganito ang pagkusot. Tapos pipigain mo ng ganito at kapag napiga mo na ay ilalagay mo dito sa balde. Kapag matindi ang dumi ng damit, pukpukin mo nitong palu-palo para mabugbog ang dumi at madaling kumawala sa damit." Dinemonstrate ni Ponyang kay Allexis kung paano maglaba at kung paano gamitin ang kapirasong kahoy na kung tawagin nila ay palu-palo na siyang ginagamit nila sa pagpalo sa mga maduduming damit. Madali naman niya itong natutunan at mabilis din siyang natapos dahil konti lang naman ang dala niyang mga damit na lalabhan kumpara sa mga dalang labahin ng mga dalaga. Sa mansion na lang niya isasampay ang mga nilabhan niya. 

Habang naglalaba ang apat na kadalagahan, si Allexis ay naupo sa isang malaking bato sa gilid ng sapa. Nakababad ang kanyang mga paa sa tubig na umaagos. Nakatitig siya sa malinaw na tubig ng sapa.

Ninanamnam ni Allexis ang bawa't sandali. Napansin niyang walang pollution sa lugar na iyon. Napakasariwa ng hangin. Masarap sa pakiramdam ang bawa't hangin na nilalanghap niya sa mga sandaling iyon. Napansin din niya na ang sikat ng araw ay hindi masakit sa balat. Kahit dumadampi sa balat niya ang sikat ng araw ay hindi ito masakit at mainit. Ang tahimik ng paligid. Mga boses lang nila at ang mga huni ng mga ibon ang tanging maririnig. Ang mga halaman at mga puno ay berdeng-berde ang kulay. Parang picture perfect. Maganda at simpleng pamumuhay.

Habang nakatitig siya sa tubig at nage-enjoy sa tunog ng agos ng sapa, hindi rin napigilan ni Allexis na magmuni-muni tungkol sa kalagayan niya ngayon dito sa pinaniniwalaan niyang panaginip niyang ito at sa mga taong naiwan niya sa totoong buhay niya.

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon