NASAAN SI MARIA CLARA? © October 2016 ALL RIGHTS RESERVED.
Mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pangongopya ng gawa ng iba. Pwedeng magbasa, mag-comment, mag-vote at mag-share, huwag lang manggaya at mangopya ng konsepto ng istoryang ito.
"This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either the products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons (living or dead), events, locales, business establishments or locations is entirely coincidental.
No part of this book may be reproduced, scanned, distributed or transmitted in any form or by any means, electronically or mechanically, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system without the permission of the owner/author.
Please do not participate in or encourage piracy of copyrighted materials in violation of the author's rights. Thank you for respecting the hard work of this author."
~~~~~~ ***** ~~~~~~
Isang bagung-bagong pulang Honda HRV 2018 model ang kasalukuyang mabagal na bumabaybay sa driveway ng isang katamtamang laki ng bahay sa ekslusibong subdivision na iyon sa Makati City. Pumarada iyon sa tabi ng isang puting Toyota Fortuner na nakaparada din sa kaliwang bahagi ng harapan ng bahay na iyon.
Bumaba mula sa Honda HRV ang isang babae. Bitbit ang kanyang malaking bag ay binuksan nito ang main door gamit ang kanyang susi. Tuluy-tuloy itong pumasok sa loob at ibinagsak ang balingkinitang katawan sa malambot na sofa. Humiga ito at sandaling ipinikit ang kanyang mga mata.
"Anybody home? I am home! Mommy! Kuya! Are you home na?" pagkalipas ng ilang sandali ay naalala niyang tawagin ang mga kasama sa bahay.
Tumayo siya at tinungo ang kusina. Uminom ng malamig na tubig. Tahimik ang buong kabahayan at tila walang tao. Nakita niya sa ibabaw ng dining table na may kahon ng malaking pizza at bawas na ito. Kumuha siya ng isang slice at ninanamnam niya ito habang umaakyat ng hagdan.
Siya si Alexandra May Montecillo or mas kilala sa tawag na Allexis. Twenty two years old siya at kaka-graduate pa lang niya noong isang taon sa college at ngayon ay nagtatrabaho na sa isang malaking shipping company sa Makati City.
Si Allexis ay laging may bitbit na malaking bag. Siya ang tipo ng tao na hindi yata mabubuhay kapag wala siyang dalang malaking bag na maraming abubot na laman. Mahilig siya sa mga malalaking bags kasi hilig niya ang magbitbit ng mga bagay na ina-anticipate niyang kakailanganin niya in case of emergency, tulad ng mga basic medicines para sa mga pangkaraniwang sakit. Mistulang first aid kit din ang bag niya.
Aside from her cellphone and iPad tablet, mayroon din siyang laging dalang flashlight, extra cellphone and iPad tablet charger, pardible, tape measure, stapler, staple wires, pens and small notebook. May maliit din siyang gunting at nail cutter. Mayroon din sa bag niya na libro kasi mahilig siya magbasa.
Kung meron mang tao sa mundo na parang laging paranoid sa lahat ng bagay at pagkakataon, si Allexis yun. Pero sabi niya, hindi daw siya paranoid. Girl Scout lang daw siya kaya laging handa. Kung mag-isip siya ay laging 10 steps forward to a point na iniisip na ng iba na paranoid siya.
Dalawa lang silang magkapatid, si Allexis ang bunso at ang panganay ay ang kuya niyang si Arnold. Mas matanda ito sa kanya ng limang taon. Isa itong engineer at nagtatrabaho na din sa isang Engineering company sa Quezon City.
Matagal ng hiwalay ang kanilang mommy at daddy, magmula ng ten years old pa lang si Allexis. Tandang-tanda niya pa yung araw na nag-empake ng mga gamit ang daddy niya at bago tuluyang lisanin ang bahay nila ay kinausap pa siya nito.
BINABASA MO ANG
NASAAN SI MARIA CLARA?
DragosteALLEXIS IS A MODERN WOMAN, MULA SA KASALUKUYANG MAKABAGONG PANAHON - YEAR 2018. SA ISANG HINDI INAASAHANG PANGYAYARI, SHE WAS ACCIDENTALLY SENT BACK IN TIME, SA ISANG MAKALUMANG PANAHON AT ISANG UMAGA AY NAGISING NA LAMANG SIYA NA NASA LATE 18TH CE...