KABANATA 5

1K 21 2
                                    


"Ayan pa, Allexis. Another box pa of old business letters from our clients. Please sort them out. I need those envelopes that came from the United States of A. Understood? 'Yun mga ibang letters na hindi from USA, you may get rid of them. Pakitapon na sa basurahan at nakakadagdag pa ang mga 'yan sa mga tambak dito sa office natin."

'Yan si Miss Peachy Salazar or better known as Madam Peachy. Siya ang Admin. Manager, ang boss ni Allexis dito sa Admin. Department ng shipping company na pinagtatrabahuhan niya. Ito ay isang matandang dalaga sa edad na 40. Tama lang ang itsura nito. May katamtamang laki ng katawan - hindi payat at hindi rin naman mataba, at mas matangkad kay Allexis ng tatlong pitik.

Isang taon na si Allexis sa kumpanyang iyon at 'yun ang una niyang trabaho matapos maka-graduate sa college. Siya ay isa sa mga Admin. Staff na tauhan ni Madam Peachy.

Si Madam Peachy ay typical na matandang dalaga. Baduy manamit, nakasalamin ng makapal at laging nakatali ang buhok na hanggang balikat ang haba. Bukod sa panlabas na kaanyuan ni Madam Peachy, typical siyang matandang dalaga dahil seryoso ito sa buhay at masungit. Lagi itong nagsusungit sa kanila. Istrikto ito sa trabaho at madaling mairita at magalit. Madalang itong ngumiti. Perfectionist ito sa trabaho. Kapag may iniutos ito, kailangan perfect ang result at ayaw nito ng nag-uulit ng trabaho. Ayaw nito ng may naaaksaya - oras, pera, materyales at pati na ang emosyon. Kaya naman laging attentive ang mga tauhan niya sa Admin. Department, para kapag ginawa nila ang mga inuutos ni Madam Peachy ay dapat laging happy ito sa results.

At itong araw ngang ito ay nag-aayos silang lahat sa Admin. Department. Busy silang lahat. Last week pa naka-schedule itong paglilinis nila ng kanilang department. Madami na kasing files na hindi na kailangan at last week din ay nailipat na nila sa archives 'yung mga files na luma na pero importante pa sa operations ng kanilang department.

Last week ay bigla na lang naisipan ni Madam Peachy na maglilinis sila ng kanilang departamento para daw pampa-good vibes.

Kanina pa ay madami ng nailabas na mga old files and documents si Madam Peachy mula sa office niya. Parang hindi nauubos ang mga basura sa loob ng office nito.

"Doon lang yata sa loob ng office ni Madam madaming mga basura eh. Tingnan mo, kanina pa siya labas ng labas ng mga basura, kahon-kahon pa. Parang hindi maubos-ubos." Bulong ni Rafael, also known as Rafaella, ang bading nilang kasamahan sa Admin. Department. Bitbit nito ang mga old tarpaulins at posters. Kasunod niya ang dalawang janitors ng kumpanya.

"Oo nga. Kunwari pa siya, buong department ang lilinisin, 'yun pala, 'yung office lang niya ang gusto niyang linisin. Andun kaya ang mga basura na inipon niya for many years, magmula ng magsimula siyang magtrabaho dito hanggang ngayon. Naku, more than 20 years na ang mga basurang dini-dispose niya today. Muntik ng tubuan ng kamote at pamahayan ng mga ahas ang office niya." Sang-ayon naman ni Tanya, ang kanilang supervisor. Abala ito sa pag-shred ng mga old confidential documents na hindi na nila kailangan.

Ngingiti-ngiti lang si Allexis sa mga naririnig na bulungan. Inumpisahan na niyang halungkatin ang mga laman ng mga kahon ng mga business letters. Isa-isa niyang inilalabas mula sa kahon ang mga lumang envelopes at binabasa niya ang mga address na nakasulat dito. Itinatabi naman niya sa isang bahagi ng desk niya ang mga letters na hindi galing sa USA.

Ito ang mga business letters nila na galing sa kanilang mga kliyente. Habang naglilinis ng office niya si Madam Peachy ay nag-iisip din ito kung ano ba ang ginagawa ng mga letters na iyon sa office niya. Hindi rin ito makapaniwala na ganoon na pala karami ang mga naipong lumang dokumento na matagal na ring panahon na nakakapagpasikip sa opisina niya.

Dalawang boxes na ang natapos na halukayin ni Allexis. Marami na rin siyang naipon na mga letters from the USA. At mas marami ang mga patapon ng mga envelopes. Kinuha niya ang isang empty box at dun niya inilagay ang mga envelopes na hindi galing sa USA. Bigla niyang napagtuunan ng pansin ang mga stamps sa bawa't envelopes. Iba't ibang countries, iba't ibang taon, iba't ibang stamps. Very colorful ang mga stamps na may iba't ibang designs. Ang ibang stamps ay mga special at limited edition pa.

Bigla siyang nagka-idea. Inilabas niya ulit ang laman ng kahon na itatapon na sana sa basurahan. Ginupit niya isa-isa ang mga stamps. Habang ginagawa iyon ni Allexis ay parang nagkaroon siya ng panibagong sigla. Parang naging excited siya sa pagkolekta ng mga stamps. Naalala niya na noong araw ay nangongolekta din ng mga stamps ang daddy niya at mayroon pa itong mga albums para lang sa mga stamps. Bibili din siya ng album para sa mga stamps na ito.

Naalala niya ang Kuya Arnold niya at si Xavier. Pati na rin si Grammy. Mga collectors ito ng mga paborito nilang items for so many years. Si Grammy ay antique collector. May mga collections din ito ng mga mamahaling paintings na gawa ng ilan sa mga famous painters all over the world. Sina Arnold at Xavier naman ay parehong part time archaeologists na mahilig mangolekta ng mga old items at artifacts. Mahilig din silang bumisita sa mga ancient places para maghukay at mangolekta ng mga bagay na niluma na ng panahon at halos nabaon na sa lupa at sa limot. Mahilig din sila sa history, astrology, reincarnation at time travel. Kaya magkasundung-magkasundo ang dalawang binata dahil pareho sila ng mga hilig sa buhay mula pa noong sila ay mga bata pa.

Natatawa sa sarili niya si Allexis habang iniipon ang mga old stamps.

"Hmmm, akala nila, sila lang ang may hobby at collections ah. Ako din! From now on ay magko-collect na ako ng mga stamps. Pagdating ng panahon, pagtanda ko ay tatanda rin ang mga stamps at magiging mga collectors' items na ang mga ito." Lalo siyang ginanahang maghalukay ng mga business letters at maggupit-gupit ng mga stamps.

Madami-dami din ang mga naipon niyang stamps.

"Oh, hindi ko alam na stamp collector ka pala, Allexis." Kanina pa pala nakatayo sa tabi niya si Madam Peachy at pinagmamasdan ang kanyang ginagawa.

"Ay Madam, hindi ako stamp collector...dati. Pero starting today, officially ay stamp collector na ako. Sayang kasi Madam ang mga stamps kung itatapon lang sa basurahan. 'Yung mga iba pa nga ay unique ang designs. Masarap pala ang feeling kapag may hobby tayo or collection of something like this." Sagot ni Allexis habang tinititigan ang design ng isa sa mga stamps sa harap niya.

"That's a very good idea, Allexis! Marvelous! Hindi ko naisip 'yan ah. Madami din akong mga old letters sa bahay. Hayaan mo one day, mag-aayos din ako ng bahay at ibibigay ko sa iyo lahat ang mga envelopes ng mga letters na hindi ko na kailangan para makuha mo ang mga stamps. Ako naman, bukod sa walang time ay sadyang tamad na mangolekta ng mga kung anu-ano. I don't even have a hobby. Boring life 'no?"

Natawa bigla si Allexis sa huling sinabi ni Madam Peachy.

"Hindi naman Madam. Wala lang ikaw hobby, boring life na agad? Pwede namang wala lang talagang time to start any hobby."

'Pinaganda mo pa eh, isa lang din ang bottomline nun! Wala akong panahon, walang time, kasi nga tamad! Ay sus!" at lumakad na ito papasok sa opisina niya.

Natatawa pa ring nakatingin lang si Allexis sa pinto ng office ng boss niya.

Maya-maya ay sumungaw sa pinto ang ulo ni Madam Peachy.

"On second thought, Allexis, dapat nga sigurong mag-isip na din ako kung anong maganda at interesting na hobby and collection ang pwede kong umpisahan para habang tumatagal ay nagkakaroon ito ng value. At habang tumataas ang value ng whatever hobby or collection mayroon ako, time spent for that makes life more meaningful and worthwhile. Don't you think so?" at biglang nawala ang ulo nito sa pinto.

Napataas ang kilay ni Allexis sa narinig.

"Ay grabe siya. May sense siya ha!" sa isip ay nasambit ni Allexis.

At maghapon siyang naging busy sa pagkolekta ng mga old stamps na nakadikit sa mga envelopes ng mga old business letters. Hindi niya namalayang sampung kahon din ng mga basura buhat sa office ni Madam Peachy ang kanyang naitapon.

~~~~~~~~~~ ****** ~~~~~~~~~~

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon