KABANATA 36

318 12 1
                                    

Parang biglang tinamaan ng kidlat si Allexis sa mga sandaling iyon sa pagtama ng realisasyon ng mga nagaganap na pangyayari sa buhay niya ngayon. Kidlat na may kasamang malalakas na kulog!

Na-realize niyang bigla na ang lahat ng mga nagaganap na ito ay isang panaginip lang! Gising siya sa loob ng panaginip niya! Ang setting ng panaginip niya ay noong panahon ng mga kastila. At siya ay isa lang sa mga main characters na nagpa-participate din sa panaginip niya habang pinanonood niya ito. Ito ang matinding paniwala niya ngayon.

Tumpak! Ito ay isang lucid dream lang. Ito ang tinatawag na lucid dream kung saan gising ako sa loob ng panaginip ko at aware ako sa mga nagaganap sa panaginip ko. At dahil dito, pwede kong kontrolin itong panaginip ko. Pwede ko itong paglaruan. Naisip niya.

Naging interesado sa mga nagaganap si Allexis. Gusto niyang tuklasin ang hiwaga ng mga kaganapang ito na nagpapagulo sa isip niya kanina. More than ever, mas curious siya kesa sa interesado sa mga nasasaksihan niya. Ngayong alam na niyang nananaginip lang siya, gumaan na ang pakiramdam niya at hindi na nalilito ang utak niya. Mas nae-excite pa siyang alamin kung ano pa ang mga susunod na kabanata ng panaginip niyang ito.

Kung kanina ay gusto na niyang umuwi, ngayon naman ay napagdesisyunan na niyang mag-stay pa sa lugar na iyon, tutal naman panaginip lang ito kaya pwede siyang magtagal dito kahit kailan niya gusto.

Siguro nakatulog talaga siya dun sa divan sa mala-palasyong rest room noong isang gabi at ang mga sumunod na pangyayari ay product lang ng kanyang lucid dreaming. Ang pagpunta niya sa tindahan ng mga libro, ang pag-lindol, at itong mansion ni Donya Victorina...ang mga ito ay parte lamang ng kanyang panaginip. Malakas ang paniniwala niya na natutulog pa din siya ng mahimbing hanggang ngayon dun sa divan ng rest room kaya patuloy pa rin siyang nananaginip at hindi magising-gising.

Na-realize niya na walang ganitong lugar sa totoong buhay niya. Ibang Intramuros ito. Ito ang itsura ng Intramuros sa panaginip niya. Walang mga taong ganito ang mga ayos sa totoong buhay. At higit sa lahat, walang mga sundalong kastila! So, ibig sabihin lang nito, sa iisang lugar lang pwedeng mag-exist ang mga ito: sa kanyang panaginip.

At sa panaginip niya, siyempre pa, siya ang bida. Walang kontrabida sa mga gagawin niya. Walang pwedeng kumontra. Dito, walang pwedeng bumasag ng trip niya. Lahat ay susunod at aayon sa istorya ng panaginip niya. Lahat ng gusto niya ay magagawa niya. Dito, siya ang director at siya pa din ang leading lady.

Habang nananaginip siya ay eenjoyin na lang muna niya ang mga sandali sa lugar na ito. Makiki-ride na lang siya sa mga kaganapan dito. Hindi niya ito kokontrahin. Hahayaan niyang tangayin siya ng agos ng panaginip niya. Titingnan niya kung saan siya nito dadalhin at kung ano pa ang mga susunod na mangyayari. Dahil kapag nagising na siya, maaaring hindi na niya mabalikan pang muli ang lugar na ito at ang mga tao dito. Masyadong tumindi ang curiosity niya sa mga nagaganap sa loob ng pinaniniwalaan niyang panaginip.

Parang ngayon pa lang ay mahal na niya itong si Elyang at ang mga anak nito.

How exciting! Masayang sabi ng isip niya.

At naisip pa niya, since ito ay panaginip lang, sige, go, keribels lang. For the first time ay naging successful din ang matagal na niyang pina-practice na lucid dreaming. Sa wakas ay nagawa niya ding magising sa loob ng panaginip niya.

Natawa pa siya at naalala niya ang mga kaibigang sina Reema at Rafolls. Mas masaya sana kung kasama din sila sa panaginip na ito, naisip niya.

"Ayan na ang alperes. Naku, nakakunot na naman ang noo. Tila baga mainit na naman ang ulo niya." Nadinig ni Allexis na mahinang sabi ng lalaki sa kasama nito habang nagdadaan sa tapat ng mansyon.

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon