KABANATA 41

157 10 0
                                    

"Dyaryo! Dyaryo kayo diyan! Bili na kayo ng diyaryo!"

Nagising si Allexis sa malakas na sigaw ng isang bata sa kalye sa tapat ng mansion. Isang umaga iyon ilang araw matapos silang maglaba sa sapa. Napaupo siya sa kama at nakiramdam. Tumahimik ulit ang paligid at akmang hihiga siya ulit ng sumigaw ulit ang bata.

"Dyaryo! Bili na kayo ng Dyaryo! Mainit-init pa ang mga balita!"

Dyaryo? Newspaper? May newspaper pala dito at may nagtitinda ng newspaper? Matagal-tagal na rin ako dito pero bakit ngayon ko lang narinig na may nagtitinda ng newspaper dito? Uso pala newspaper dito! Napaisip si Allexis.

Sumilip si Allexis sa bintana na nakatapat sa kalye at nakita nga niya na may batang lalaki na nakaupo sa gilid ng kalsada sa tapat ng mansion at ito nga ay nagtitinda ng newspaper. Napatingin ito sa kanya at kinawayan niya ito para malaman nito na bibili siya.

Na-curious si Allexis kung ano ang mga balitang mababasa niya sa newspaper sa lugar na ito habang naglalakbay ang kanyang kaluluwa. Pareho din kaya ang mga balita? Kamusta naman kaya ang mga blind items at usapang showbiz? Sina Liza Soberano at Enrique Gil pa rin kaya? Kamusta na kaya sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo? At ang Jadine?

Binuksan niya ang gate ng mansion at lumapit ang batang nagtitinda ng newspaper. Kumuha siya ng isang newspaper at binigay niya ang bayad. Bago siya bumaba kanina ay kumuha muna siya ng pera sa wallet niya sa loob ng malaki niyang bag. Fifty pesos ang binigay niya sa bata.

"Keep the change. Sa iyo na ang sukli." Sabi pa niya sa bata. Akmang papasok na siya sa loob ng bakuran ng mansion at isasara na niya ang gate.

"Ale, ale! Sandali po!" tawag sa kanya ng bata. Kakamot-kamot sa ulo nito ang bata habang nakatingin sa perang ibinayad niya dito.

"Ha? Bakit? Magkano ba itong newspaper este dyaryo? Sa iyo na nga ang sukli." Sabi niya ulit sa bata.

"Salapi po ba ito? Bakit po ganito ang itsura nito?" nagtatakang tanong ng bata at itinaas pa nito ang pera para tingnan ng malapitan.

"Mukha itong salapi pero hindi naman. Hindi ko po kilala ito. Bakit po ganito ang ibinayad ninyo sa akin? Kalahating peseta lang po ang halaga ng dyaryong tinda ko. Wala po ba kayong kalahating peseta?" nagtatakang tanong ulit ng bata sa kanya.

Bigla niyang naalala! Ay oo nga pala! Nakalimot siya. Posibleng magkaiba nga pala ang pera sa totoong buhay niya at sa buhay niya ngayon sa loob ng comatose condition niya, dito sa lugar na ito.

Kinabahan siyang bigla. Pinagpawisan siya ng malamig. Isoli na lang kaya niya ang newspaper sa bata para wala ng tanung-tanong pa? Pero baka pwede namang mapakiusapan...

"Ayaw mo niyan? Alam mo, ang laki ng halaga na yan para sa isang dyaryo. Malay mo, baka dumating ang panahon na makikilala mo rin ang salaping iyan at maiintindihan mo na mura pa rin ang dyaryo mo kesa sa tunay na halaga ng salaping iyan kaya may sukli pa dapat ako."

"Totoo po? Malaking halaga po ito? Hindi kayo nagbibiro?" inosenteng tanong ng bata. Napangiti pa ito ng lampas sa magkabilang tenga. Inamoy-amoy pa nito ang hawak na fifty pesos na papel.

"Oo naman! Malaking halaga yan kumpara sa peseta mo. Kaya kung ako sa iyo, itatago ko na lang iyan."

"Sige na nga po, sa inyo na lang yang dyaryo na iyan. Ako na lang ang magbabayad niyan kay Tatang Rupeng."

Na-guilty siyang bigla. Imbes na kumita ang bata ng kakarampot na halaga ay nalugi pa ito sa kanya.

"Huwag na lang kaya. Baka mawalan ka pa ng pera. O, heto na ang dyaryo mo." Iniabot niya sa bata ang dyaryo. Pero lumakad na ito ng mabilis palayo sa kanya. Nang makailang dipa na ng layo ito ay saka ito lumingon sa kanya.

"Sa inyo na po iyang dyaryo. Baka po magbago pa ang isip ninyo sa salaping ibinigay ninyo sa akin eh. Wala na pong bawian ito!" sabi pa nito bago tuluyang mabilis na lumakad palayo sa kanya. Aba, mas tuso pala kesa sa kanya ang batang iyon!

Pagpasok niya sa mansion ay dere-derecho siya sa kusina at naghanda ng kanyang breakfast. May pinakuluang kape sa kaldero at mainit pa ito. Nagsalin siya ng kape sa tasa at nilagyan niya iyon ng asukal.

Sa mesa ay may nakatakip na mga pagkain. May dalawang piniritong itlog at may sinangag na kanin na may maraming bawang. Mayroon na ring nakahain na pinggan at spoon and fork para kay Allexis.

Kapag ganitong may nakahanda ng breakfast para kay Allexis, ang ibig sabihin lang nito ay maagang umalis si Elyang. Nasa palengke na ito at that time, matapos ihatid sa classroom ni Tatang Anoy sa ilalim ng malaking puno ng mangga ang mga bata. Pati ang batang si Matilda ay nahihilig na ding mag-aral sa murang edad niya kaya sumasama na din sa mga kapatid niya. Bago mag-lunch ay sinusundo naman ni Elyang ang mga bata. Tuwing umaga lamang ang aralin ng mga bata.

Talagang inaasikaso siya nang husto ng mga taong ito dito sa lugar na ito. Kaya naman enjoy na enjoy si Allexis. Sa piling nila ay nakatagpo siya ng bagong pamilya na kahit hindi naman niya kadugo ay higit pa sa isang tunay na myembro ng pamilya ang turing sa kanya.

Pag-upo ni Allexis ay binuklat niya agad ang nakatiklop na dyaryo at tiningnan ang front page para sa mga headlines doon. Kasabay niyon ay uminom siya ng mainit na kape. Bigla niya itong naibuga sa binabasang dyaryo!

Nakita niya ang date sa dyaryo: June 18, 1896.

June 18, 1896? Huh? 1896??? Nasa 18th century ako??? Biglang nawindang ang kanyang pag-iisip at napasandal siya sa kinauupuang silya. Para siyang nahilong hindi niya maintindihan.

1896...1896...teka, panahon ito ng mga katipunero, panahon ng mga kastila, oo nga may mga kastila nga dito...may mga sundalong kastila nga...may alperes pa nga di ba? Panahon ito ng mga heroes...sinu-sino nga ba sila? Andres Bonifacio, Jose Rizal, Heneral Luna....Noli Me Tangere...El Filibusterismo...anu-ano pa ba? Bakit ako nandito sa 18th century? Ano ang ginagawa ko dito? Nanginginig at nalilitong tanong ni Allexis. Ninenerbiyos siya sa mga oras na iyon. For the first time sa buong buhay niya ay noon lang siya nag-panic ng ganoon.

Biglang pilit na hinahalukay ni Allexis ang kanyang utak. Inaalalang matindi ang mga pinag-aralan sa history noong siya ay nag-aaral pa. Nagsasalita siya ng malakas at kinakausap ang sarili. Ninenerbiyos siyang talaga.

OMG! OMG! What's happening to me? Comatose nga ba ako o talagang this is just a dream??? Is this just one big crazy dream??? Is this some kind of a joke??? Nag-travel through time ang kaluluwa ko habang comatose ako? My God, paano nangyari ito? Paano na ako makakaalis dito? Lalo lang gumulo ang mga pangyayari!

Lalo siyang nalito at na-confused sa mga nangyayari. Lalo ng hindi na niya maipaliwanag kung ano talaga itong hiwagang nangyayari sa kanya.


~~~~~~~~********~~~~~~~~

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon