KABANATA 24

234 10 0
                                    

Ang mga sumunod na araw sa buhay ni Allexis ay naging super busy.

Tinutulungan niya ang Mommy niya na mag-ayos ng mga details sa wedding nito. Kadalasan ay siya ang nakikipag-usap sa wedding planner na kinuha ng Mommy niya. Sinu-supervise niya ang pagpili sa mga flower arrangements, sa bouquet na gagamitin ng Mommy niya, sa food tasting, sa hotel na pagdadausan ng reception at higit sa lahat, ang church na pagkakasalan.

May mga times pa na si Allexis na din ang nakikialam sa mga ipinatahing gowns at ang mga coats, pants and ties na isusuot ng wedding entourage. From the smallest to the biggest detail, binubusisi ni Allexis nang husto. Ang gown ng Mommy niya ay matagal ng ready. Ipinagawa pa nila ito sa Versace sa New York.

Hindi naman syempre maaasahan ang kuya niya dahil lalaki 'yun at ano naman ang alam nun sa mga bagay na ganito? Not to mention pa na super busy din ito sa newly found world nito - sa kanyang buhay pag-ibig. Magmula ng pumag-ibig ito ay hindi na ito napagkikita madalas sa bahay nila lalo na tuwing weekends. Lagi na itong gabi umuwi at minsan pa ay hindi umuuwi sa kanila. Laging nandun kay Abby.

Nagkakasakit na rin minsan ang Mommy niya sa pag-aayos ng nalalapit niyang kasal. Kapag ganoon ay lalong no choice si Allexis kundi siya ang mag-intindi ng lahat. One month na lang kasi at araw na ng kasal nito. Nagkakaroon yata ng wedding jitters itong Mommy niya kaya laging nagkakasakit. Kapag ganoon namang may sakit ang ina ay lalo namang hindi rin maasahan itong si Nick dahil hindi ito umaalis sa tabi ni Chit at inaalagaan niya ito nang husto.

"Pasensiya ka na, anak ha. Ako dapat ang kasama niyang wedding planner naming si Arlene sa pagpunta diyan sa Manila Cathedral para sa ayos na gusto ko para sa kasal ko. Nahihilo lang talaga ako eh. Ikaw na ang bahala. I trust your judgement naman, anak. Alam kong you will fix everything beautifully for me and your Tito Nick." Sabi ng Mommy niya sa kabilang linya ng telepono.

Isang araw iyon ng Sabado at half day lang sa office si Allexis. Tinawagan siya ng ina para sabihin na siya na lang ang sumama sa wedding planner para makipag-coordinate sa church at sa florist at sa designer ng mga isusuot ng wedding entourage nito.

May lakad pa naman sana si Allexis kasama sina Rafolls at Reema. Pero dahil nga biglang sumama ang pakiramdam ng Mommy niya ay hindi na lang nila itinuloy ang kanilang gimik. Sasama pa naman sana sila kay Grammy para mag-ballroom dancing sa hotel. Plano nina Reema at Rafolls na magturuan ng ballroom dance dahil kailangan na ni Reema na matuto nun. Lahat sa office nito ay marunong ng mga ballroom dances kaya napilitan na si Reema na mag-aral magsayaw. 'Yung crush nito kasi ay mahusay magsayaw ng mga ballroom dances.

Hindi na rin madalas makasama si Allexis sa mga lakad ni Grammy at mga friends nito kasi nga, alam ni Grammy na busy din siya sa pag-aasikaso ng wedding ng Mommy niya.

"Ok, Ma. Ako na ang bahala dito sa church. Relax ka lang. Huwag kang ninenerbiyos diyan. Kaya na ni Arlene lahat ito. That's the reason why you hired her in the first place. Umpisa pa lang nag-usap na kayo kung ano ang gusto mo. And besides, Arlene's group is the best pagdating sa mga weddings. Kaya nga mga wedding specialists sila, di ba? Ilang milyon ang binayad nyo sa kanila huh! I will just see how things are going here but I won't change anything. I know what you want and what you want is simply impressive and beautiful as it is! This is your wedding, Ma, at hindi dapat ideas ko ang masusunod. Basta make sure lang na present tayong lahat sa wedding rehearsal sa next Saturday afternoon ha? Hindi na pwede si Father Roy sa ibang araw." paalala niya sa Mommy niya.

"Siyempre naman, iha. Rehearsal na 'yun. Baka madis-orient ako sa araw ng kasal ko kapag hindi ako sumipot sa Saturday. For sure, we will be there. Kahit may sakit pa ako."

At natapos nga ang kalahating araw ng Sabado niya sa pakikipag-usap sa church people, sa priest, sa wedding planner, sa florist, at tapos nagpunta pa sila sa hotel at inayos mabuti ang menu ng food para sa reception. Then dinaanan na din nila ni Arlene ang shop ng gumagawa ng mga susuutin ng wedding entourage.

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon