KABANATA 25

249 10 0
                                    

Isang araw ng Sabado, ng sumunod na weekend, pagkalabas ni Allexis mula sa office after lunch ay nasumpungan niya na magbyahe papuntang Cavite para dalawin ang mga lolo at lola niya na parents ng Mommy niya. Sa isang exclusive subdivision din nakatira ang mga iyon.

Noong maliliit pa lang sila ni Arnold ay madalas din silang magbakasyon doon. Pero ngayong mga dalaga at binata na sila ay paminsan-minsan na lang sila nakakadalaw doon, kapag birthday na lang ng lolo at lola nila. Ang Mommy na lang nila ang madalas na dumadalaw sa pamilya nito.

Isa lang ang kapatid ng Mommy niya, ang Tita Merced nila na matanda lang ng dalawang taon sa Mommy nila. May pamilya na rin ito at tatlo ang anak. Doon din sila sa Cavite nakatira, malapit sa malaking bahay ng mga lolo at lola nina Allexis.

Ito ngang araw na ito ay bigla na lang naisipan ni Allexis na bumyahe ng Cavite para makita ang dalawang matanda. After lunch ay naramdaman niyang nami-miss niya ang mga ito at bigla niyang napagdesisyunan na mag-drive papuntang Silang, Cavite.

Si Grammy ay kasalukuyang nasa Amerika at sina Reema at Rafolls naman ay may kanya-kanyang lakad. Wala rin si Xavier, nasa office nito at may conference sa mga employees niya. Ang kuya Arnold niya, as usual, wala sa bahay nila at na kina Abby. Ang Mommy at Tito Nick niya ay busy sa preparations ng kasal nila.

Nakaramdam ng kalungkutan si Allexis at feel niya nag-iisa na naman siya sa mundo. Kaya right then and there, pagka-pananghalian niya ay nag-decide siyang magpunta ng Cavite at mag-spend ng time sa piling ng mga lola at lolo niya. Matagal na rin naman niyang hindi nakikita ang mga ito.

Binabagtas niya ang kahabaan ng Aguinaldo Highway. Manaka-naka ay mapapadaan siya sa mga mata-trapik na lugar. Magmula pa lang sa Talaba, sa may Bacoor City, right after ng Coastal Road ay nag-uumpisa na ang pagbagal ng mga sasakyan.

Okay lang naman kay Allexis 'yun kasi matagal na nga siyang hindi nakakabyahe sa lugar na iyon kaya enjoy siya sa mga nakikita niya sa daan. Ang daming tinitindang tahong, talaba at alimango sa mga tabing kalye.

Sana maalala ko mamaya na bumili ng mga iyan pasalubong ko kina Mommy. Naisip niya.

May parte pa ng Imus na nadaanan si Allexis na bawa't kanto ay may mga nagtitinda naman ng mga relyenong bangus. Mukhang masarap. May mga inihaw na bangus din. Ang dami na niyang bibilhin pagbalik niya mamaya. Food trip sila mamayang gabi sa dinner nila.

Mabigat ang trapik doon sa may Robinson's Imus pero pagkalampas niya naman ay maluwag na ulit ang daloy ng trapiko. Bumagal na lang ulit sa may Salitran, tapos ay dere-deretcho na ang pagda-drive ni Allexis.

Maya-maya ay nasa Silang na siya at sumalubong sa kanya ang mga panindang halaman na magaganda. Magkakatapat at magkakatabi ang mga tindahan ng mga halaman at garden accessories. Ang gaganda ng mga bulaklak.

Noong maliliit pa sila, nagpabili siya sa Mommy niya ng halamang namumulaklak doon sa Silang. Binilhan naman siya pero pagdating sa bahay nila sa Makati, ilang araw lang ang itinagal ng halaman at namatay na agad iyon kahit araw-araw naman niyang diniligan. Mukhang mas nabubuhay lang ang mga halaman sa Silang kasi malamig ang klima ng panahon doon. Mainit kasi sa Makati kaya hindi nakayanan ng halaman. 'Yun ang paniwala ni Allexis nung mga panahong iyon.

May mga nadaanan pa siyang mga mais at pinya na bagong ani. Nilalaga ang mga mais sa tabi ng kalye at nagtumpok naman ang mga bagong pitas na pinya sa gilid ng daan.

Take note, gusto ko din mag-uwi mamaya ng mga mais at pinya. Sabi ng isip niya.

Nakarating siya sa subdivision kung saan nandoon ang malaking bahay ng mga lolo at lola niya. Kilala na sila doon kaya every time nandoon sila ay deretcho naman silang pinapapasok na agad ng guard na nagbabantay sa gate ng subdivision.

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon