KABANATA 26

235 13 0
                                    

"You may now kiss your bride."

At naghalikan nga ng buong pagmamahal, for everyone to witness, ang dalawang nilalang na katatapos lang ikasal. Wedding bells are all ringing. Nagpapalakpakan ang lahat ng mga tao sa loob ng Manila Cathedral.

Naluluha naman si Allexis sa mga sandaling iyon. Luha ng kaligayahan para sa Mommy niya. Finally, ito ay si Mrs. Nicanor Morales na ngayon.

Luha ng kalungkutan, kasi alam niyang marami na ang magbabago sa buhay nila matapos ang kasalang ito. Hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ring nababanggit ang Mommy niya kung ano na ang plano ng mga ito para sa future ng family nila especially after the wedding. So sa ngayon, ang future, para kay Allexis ay napaka-uncertain. Malabo at walang kasiguruhan.

Mami-miss niya ang Mommy niya. Mami-miss niya ang mga times na silang tatlo lang ni Kuya Arnold niya sa mundo. Mga times na ang buhay ng Mommy niya ay umiikot lamang sa kanilang dalawang magkapatid. Mga times na sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya ay magkakasama silang tatlo at hawak-kamay. Mga times na kung saan-saan sila nakakarating, dito man o sa ibang bansa, para mag-bonding. Mami-miss niya talaga ang Mommy niya. Ngayon pa lang ay nami-miss na niya ito. Gusto niya itong yakapin ng mahigpit ngayon.

Luha ng pag-aagam-agam. Paano na kung sila na lang dalawa ng kuya niya ang magkasama sa bahay nila? Magiging napakalungkot na ng bahay nila. Dating masayang bahay, soon ay magiging kasing tahimik ng kumbento.

Paano na ang narinig niyang lihim na pinakatatago ng Mommy niya? Hanggang sa oras na iyon ay wala naman itong nababanggit na kahit ano lalo na tungkol sa isang lihim na marami ang masasaktan kapag na-expose.

Napakaganda ng Mommy niya sa araw na ito. Bagay na bagay sa kanya ang Versace wedding gown niya na ang disenyo ay medyo mababa ang cut sa dibdib kaya litaw ang kinis ng dibdib nito. Ang material ng gown ay mga pinaghalong lace na hand embroidered at see thru lace na sinabugan ng mga maliliit na authentic fresh water pearls at mga totoong brilyantitos na kumikinang.

Simple lang ang matching veil ng gown nito. See thru lace lang na may embroidered na maliliit na puting roses. Simple but very elegant.

Ang Tito Nick naman niya ay napakagwapo sa suot na black coat, pants and old rose na neck tie. Old rose ang motiff ng kasal nila. Light na light na pink ang kulay ng shirt na panloob nito na bumagay naman sa necktie nito. Naka-leather shoes siya ng black.

Mukha silang mga bata para sa mga edad nila. Palibhasa ay pareho silang blooming at in love na in love sa isa't isa. Kahit sino ang makakita sa kanila ay hindi aakalain na may mga edad na sila. Sa tabi ni Allexis, mukhang kapatid niya lang ang Mommy niya.

Masaya ang lahat ng mga taong nandoon ngayon. Ang pamilya ng daddy niya na pinangungunahan ni Grammy ay kumpleto ang attendance at tunay namang maligaya para sa dalawang ikinasal. Two months honeymoon sa Santorini, Greece ang wedding gift ni Grammy sa kanila. Plane fares and hotel accommodation inclusive.

Ang pamilya at mga kamag-anak ng Mommy niya all the way from Cavite ay nandoon din lahat at nagsasaya.

Wala ng mga magulang si Tito Nick at walang kapatid, kaya ang nandoon lang ay ang uncle nito na kasosyo nito sa ibang mga negosyo. Galing pa iyon sa London. Umuwi lang ng Pilipinas para umattend ng wedding na ito.

Si Kuya Arnold niya ay masayang-masaya sa tabi ni Abby. Kasama nila ang pamilya ni Abby. Nandoon ang nanay at tatay ni Abby, pati na ang tatlong kapatid nito, na dalawa na ang may-asawa at mga anak at isa ang walang asawa. Si Abby ang bunso sa pamilya niya. Kasama ng mga kapatid ni Abby ang mga anak na maliliit na kanina pa nagtatakbuhan sa likod at labas ng simbahan. Na pasimpleng sinasaway ng team ng wedding planner.

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon