KABANATA 33

250 13 0
                                    

Natutulog si Allexis. Mahimbing na mahimbing. Napakasarap ng tulog niya. Napakilos siya at naalimpungatan. Naramdaman niyang napakagaan ng kanyang pakiramdam. Nag-inat-inat pa muna siya bago niya binuksan ang kanyang mga mata.

Laking gulat niya ng makita niyang nasa ibang bedroom siya!

Nasaan ako? Aantok-antok na tanong ng isip niya.

Bigla siyang natauhan! Naalala niya na nasa mansion nga pala siya ni Grammy at ito ang kwarto na ibinigay nito sa kanya kagabi. Ang sabi pa nga ay doon muna siya sa mansion hangga't hindi bumabalik galing sa honeymoon nila ang kanyang mommy at Tito Nick. Galit na galit nga pala sa kuya niya si Grammy dahil sa ginawa nitong pagsampal sa kanya.

Napabalikwas siya at napabangon bigla. Luminga-linga sa paligid.

Pero, teka, bakit ako nasa kwarto sa mansion ni Grammy? Paano ako nakarating dito? Kagabi magkasama kami ni Grammy sa Intramuros kasama ang mga friends niya. Oo nga! Pumasok pa ako sa isang magandang rest room na ang design ay puro perlas at ginto! Ang huling naaalala ko ay naupo ako sa divan doon, tapos humilig pa ako. Pagkalambot-lambot ng divan...para akong nasa ulap. Panaginip lang ba ang lahat ng iyon? Magkasama ba talaga kami ni Grammy sa Intramuros kagabi o panaginip lang din iyon? Litong-lito ang isip ni Allexis sa mga sandaling iyon.

Kung panaginip lang ang lahat ng iyon, para namang totoong-totoo ang panaginip na iyon. Buhay na buhay ang mga kulay at pati ang mga amoy ng mga bulaklak ay parang nakadikit pa rin sa ilong niya hanggang ngayon. Nahihiwagaan si Allexis at naguguluhan.

Ano ba ang nangyari sa akin? Nanaginip lang ba talaga ako? Tanong ng isip niyang gulung-gulo.

Sa isip ay binalikan pa ni Allexis ang mga eksena ng nagdaang gabi habang sila ni Grammy ay magkasama sa Intramuros. Magmula ng dumating sila sa restaurant na iyon hanggang sa pumasok siya sa mala-palasyong rest room na may puting pinto. Hindi niya makalimutan ang fountain pati ang lagaslas ng tubig na nagmumula doon. Ang super laki at maliwanag na buwan, pati na ang mga nagkikislapang mga bituin sa langit.

Tandang-tanda niya na nag-dinner pa sila ni Grammy at nakakamay pa silang kumain ng paborito niyang sugpo. Tuwang-tuwa pa nga ang mga friends ni Grammy ng makita siya ulit after a long time. Ang huling natatandaan niya ay nasa loob siya ng rest room at humiga siya doon sa divan na napakaganda at napakalambot. After that ay wala na siyang maalala pang ibang nangyari. Biglang sumakit ang ulo niya sa sobrang concentration at determination na alalahanin ang mga eksena na ngayon nga ay pinagdududahan niya kung totoo bang nangyari o sadyang panaginip lang.

Lumabas siya ng kwarto at napag-alaman niya kina Nurse Erlyn na maagang umalis si Grammy para magsimba at hindi na siya ginising nito.

Biglang naisip ni Allexis na tutal Sunday naman, bakit hindi niya puntahan ang lugar na sa pagkakaalam niya ay pinuntahan nila ni Grammy kagabi. Mamamasyal siya doon at maglilibot-libot. Pupuntahan niya muli ang restaurant at titingnan niya kung ano ang itsura nung maganda at mala-palasyong rest room na iyon sa umaga. Titingnan niya ulit ang maganda at malambot na divan na hinigaan niya doon. Aalamin niya kung mas maganda ba ang lugar na iyon sa umaga kesa sa gabi.

==========

At heto nga si Allexis sa Intramuros. Naglakad-lakad siya at naggala sa buong lugar na iyon. Maraming mga old restaurants doon na antique ang theme. Maraming mga establishments na talagang luma na at dati ng nakatayo doon mula pa noong panahon ng mga Kastila dito sa Pilipinas.

Isa sa mga paboritong lugar ni Allexis ang Intramuros. Bukod sa puno iyon ng mga childhood memories niya na kasama ang daddy niya, masyado siyang naa-attract sa lugar na iyon kahit noong bata pa siya. Bawat sulok nito at mga nakatirik na building, kabahayan at simbahan doon ay punung-puno ng history. At gustung-gusto niya iyon.

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon