KABANATA 20

260 10 0
                                    

Matapos ang announcement ng engagement ng Mommy nina Allexis kay Nick ay mas lalong lagi ng napadalas ang pag-stay nito sa bahay nila. Madalas na itong doon natutulog sa bedroom ng Mommy nila at parang halos ay doon na ito nakatira dahil marami na rin itong mga damit at gamit sa loob ng bahay nila.

Napapansin na ito nina Arnold at Allexis pero hindi na lang sila kumikibo. Tutal naman, officially engaged na rin naman ang dalawang iyon at malapit ng ikasal. Busy na rin ang mga ito sa preparations ng kasal nila.

Tama nga ang hula ni Arnold na very soon ay magli-live-in na rin ang dalawang iyon. Na siya na ngang nangyayari ngayon.

Si Nick naman ay obvious na trying very hard na maging close kina Arnold at Allexis. Palagi niyang ipinagluluto ang mag-iina ng masasarap na pagkain at pati maintenance ng bahay nila - carpentry, plumbing, etc. etc. ay ginagampanan nito, bukod sa pagiging driver nito sa mommy nila. Minsan pa ay siya na rin ang nagka-car wash ng mga kotse nilang lahat.

Lalo na kay Allexis, parang pinipilit ni Nick na maging close sa dalaga. Kapag umuuwi si Nick sa gabi ay laging may dalang bouquet of red roses ito sa Mommy nila at pati kay Allexis may roses din at yellow naman ang color.

May mga pagkakataon pa na ipinagluluto si Allexis ni Nick ng special dish na para lang sa kanya, aside from the food na niluluto nito para sa kanilang lahat. Madalas ay 'yung mga favorite dishes ni Allexis ang niluluto nito. Masarap talagang magluto si Tito Nick kaya nagugustuhan naman ni Allexis iyon. Pero deep inside her, nagtataka siya kung bakit.

Madalas na nag-uusap ng lihim sina Arnold at Allexis tungkol sa mga bagay-bagay na nagbago sa buhay nila lately.

Tulad ngayon, nasa loob ng bedroom ni Arnold si Allexis at nakahiga siya sa kama nito. Si Arnold naman ay busy sa mga old coins na nakuha nito doon sa pinuntahan nilang mansion sa Baguio City na binabantayan ng pamilya ng kaibigan niyang si Bernie. Matagal-tagal na rin pala mula nung araw na nagsibalikan sila ng bigla sa Manila galing ng Baguio dahil sa scary escapade nila.

"Kuya, di ba dapat, si Tito Nick ang magbabahay kay Mommy and not the other way around? Parang baligtad yata. Bakit siya ang nakatira dito sa bahay natin? Ano kaya ang plano nila after their wedding? Dito pa rin sila titira o aalis na sila dito? Paano na tayo?" tanong ni Allexis sa kapatid habang nagba-bicycling ng nakabaligtad sa ibabaw ng kama nito.

"Ewan. Wala namang nababanggit si Mommy sa atin tungkol sa mga future plans nila. Dalawang bagay lang 'yan if ever. One, maaaring bubukod na sila ng bahay at maiiwan tayong dalawa dito tutal we're both grown ups na naman at kaya na natin mamuhay independently. Two, baka dito pa rin sila titira kasi knowing Mommy, hindi niya tayo matitiis at hindi niya tayo kayang iwan." Tumayo si Arnold at may kinuhang maliit na cloth sa closet niya.

"Or baka ititira tayo ni Tito Nick sa isa sa mga bahay niya. Di ba mayaman siya? Pero bakit kaya palagi siyang nandito at dito sa atin laging nakasiksik?" tanong ulit ni Allexis na ngayon ay nagsi-sit-ups naman.

"Eh baka naman ang lahat ng mga arrangements na ganyan ay si Mommy mismo ang may gusto. Di ba laging sinusunod ni Tito Nick si Mommy sa lahat ng mga gusto niya?" may nalaglag na coins sa sahig at dinampot iyon ni Arnold.

"Sabagay...hay naku, si Mommy talagang in love na in love 'no? I have never seen her like that kahit noong nandito pa si daddy. I am trying to recall those days. Now ko lang nakita si Mommy na super blooming at haping-hapi. Buti na lang at menopause na siya, kung hindi, baka masundan pa ako at madagdagan pa tayong dalawa." Nakataas naman ngayon ang dalawang legs ni Allexis sa headboard ng kama ni Arnold.

"In love talaga! Sobra! Inseparable na nga sila eh. Mukhang pareho silang in love na in love with each other." Nililinis na ni Arnold ang mga coins.

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon