Isang araw ng linggo ay naglalakad ang mag-anak nina Macario at Elyang kasama si Allexis patungong simbahan. Nakagawian na nila ang magsimba tuwing araw ng linggo.
Excited ang tatlong mga anak nina Elyang kapag Sunday kasi alam nilang pagkatapos nilang magsimba ay kakain sila sa isang kainan sa tabi ng kalye. Kung sa modern time ay tinatawag ang ganitong kainan na karinderya.
Nauunang lumakad sa kanila si Allexis, akay niya ang dalawang maliliit na anak na babae nina Elyang. Lumalakad naman sa tabi ni Elyang ang anak nilang lalaki.
Maya-maya ay narinig niyang nagsasalita sa likuran niya si Macario. May kausap ito. Hindi naman niya ito pinag-ukulan ng pansin kasi masaya siyang naglalakad at buong pagmamahal niyang akay ang dalawang bata. Patuloy lang ang kanilang paglalakad.
Nakatali ng ribbon na pula ang buhok ni Allexis ng umagang iyon at suot niya ang isa sa mga damit ni Donya Victorina na pangsimba na kulay pula din. Napapatingin ang lahat sa kanila habang sila ay naglalakad. May mga napapahinto pa sa kanilang mga ginagawa para lang tumingin kay Allexis na sadya namang pagkaganda-ganda ng umagang iyon, daig pa ang isang napakagandang bulaklak na namumukadkad.
Pagdating sa simbahan ay derecho ng umupo si Allexis sa harapang upuan ng simbahan. Bumitaw naman sa pagkakahawak sa mga kamay niya ang dalawang bata at tumabi na sa ina nila na nakapwesto na sa likuran ni Allexis.
Pumasok na rin ang pari sa altar ng simbahan at nag-umpisa na ang misa na lagi na ay ginaganap sa wikang kastila. Kahit hindi naiintindihan ni Allexis ang misa ay sapat na yung nasa loob siya ng simbahan at nakakapagdasal siya. Ipinagdadasal niya ang mga naiwan niya sa modern time at ang mga taong kasama niya ngayon sa panahong ito.
May umupo sa kaliwang bahagi ng upuan, sa tabi ni Allexis. Mabango ang amoy nito na parang bagong paligo lang. Nagkadikit pa ang kanilang mga braso. Nakita niya sa gilid ng mga mata niya na ang nakadikit sa kaliwang braso niya ay nakasuot ng kulay itim na long sleeved na coat. Naka-amerikana na karaniwang formal na suot ng mga lalaki noong panahon na iyon kapag may importanteng okasyon o kaya ay nagsisimba tulad ngayon.
Masarap sa ilong ang amoy ng kanyang katabi at sa totoo lang ay nade-destruct siya at hindi siya makapagdasal ng taimtim. Nanunuot sa ilong niya ang amoy at tumatagos hanggang utak niya ang mabangong amoy na iyon. Hindi naman masangsang at hindi din naman OA ang amoy na iyon. In fact, lalaking-lalaki ang amoy ng katabi niya at gustung-gusto niya ang amoy na iyon. Para bang naamoy na niya iyon sa kung saan at parang kailan lang...
Lumingon si Allexis sa katabi niya sa kaliwa para alamin kung sino ba itong mabangong katabi niya.
Nagulat pa siya ng makita si Pepe sa tabi niya. Kaya pala pamilyar ang amoy na iyon. Oo nga pala, amoy ni Pepe iyon. Sabi ng puso niya na nagsimula na namang kumabug-kabog.
Diyos ko, patawarin po Ninyo ako at hindi po ako makapag-focus sa pagdadasal ko sa inyo. Bakit po ba kasi lagi na lang nagpa-palpitate itong puso ko tuwing nakikita ko itong si Pepe? Eto at katabi ko pa siya ngayon at magkadikit pa ang aming mga braso. Parang nauubusan ako ng oxygen.
Kinuha ni Allexis sa dala niyang bag ang isang pamaypay na de tiklop. Nilagyan niya iyon kanina ng pabango niya para kapag ipinapaypay niya ay mabangong hangin ang maaamoy. Para siyang biglang nainitan at nahirapang huminga dahil sa kabog ng kabog ang puso niyang pasaway at ayaw magpaawat. Nagsimula siyang magpaypay at pati na rin si Pepe ay pahapyaw niyang pinapaypayan at sa isip niya ay baka naiinitan din sa mga sandaling iyon.

BINABASA MO ANG
NASAAN SI MARIA CLARA?
RomanceALLEXIS IS A MODERN WOMAN, MULA SA KASALUKUYANG MAKABAGONG PANAHON - YEAR 2018. SA ISANG HINDI INAASAHANG PANGYAYARI, SHE WAS ACCIDENTALLY SENT BACK IN TIME, SA ISANG MAKALUMANG PANAHON AT ISANG UMAGA AY NAGISING NA LAMANG SIYA NA NASA LATE 18TH CE...