KABANATA 22

251 11 0
                                    


Ang mga sumunod na araw nga ni Allexis doon sa Italy ay naging makulay, mas makulay pa sa mga kulay ng mga bahay sa hillside ng Portofino.

Madalas silang magkasama ni Marco at mukhang kinukunsinti naman ito ni Grammy. Madalas ay hindi sumasama sa mga lakad nila ni Marco si Grammy. May sarili siyang lakad kasama ang iba pa niyang mga Italian friends aside from Benedetto and Margherita.

Palaging kasama ni Grammy ang amiga niyang nakatira sa katabing mansion. Ang pangalan ay Francesca. Close friend din daw ito ni Grammy.

Kapag gabi naman ay madalas kakwentuhan ni Allexis sa may garden ng mansion si Nicoletta. Napag-alaman niyang si Nicoletta pala ay dating may boyfriend pero dahil sa kailangan niya magtapos ng pag-aaral ay nakipag-break ito sa boyfriend ng walang explanation. Ni hindi na nalaman ng ex-boyfriend nito ang dahilan kung bakit ito nakipag-break sa kanya. Minsang may tagpuan sila ay hindi na ito sinipot ni Nicoletta. Isinakripisyo niya ang pag-ibig dahil sa edukasyon. Inamin din naman ni Nicoletta na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ang dating boyfriend pero mukhang wala ng pag-asa pang magkabalikan silang dalawa dahil may napupusuan na iyong iba.

Kapag buong araw nga ay sila naman ni Marco ang magkasama at magkakwentuhan. Pinayagan ni Grammy si Marco na ipasyal sa buong Italy si Allexis, kung pwede at posible sa loob ng isang linggo. Pero alam ni Grammy na imposible 'yun. Konting araw na lang ang natitira sa kanilang bakasyon dito sa Italy.

Tinuruan ni Marco si Allexis ng mga basic Italian words. Tinuruan niya rin si Allexis kung paano kumain ng pizza sa Italy.

"You eat the whole pizza in one sitting. If you are given one whole pizza, that is yours. But if you want, you can slice your pizza with a knife then eat it with your hands. That's the way to eat pizza the Italian way." Natatandaan ni Allexis na turo sa kanya ni Marco ng minsang kumain sila ng pizza sa mga kainan ng pizza doon. Napakasarap namang talaga ng mga pizza sa Italy!

Halos araw-araw ay magkasama sina Marco at Allexis. Halos sa lahat ng bagay ay magkasundo silang dalawa. Compatible sila, ika nga ni Grammy isang araw.

"Allexis, iha, basta mag-enjoy ka lang sa bakasyon mo dito sa Liguria. Enjoy the company of Marco. Wala namang masama kung magiging close kayong dalawa." Sabi ni Grammy sa kanya isang gabing pareho silang nasa balkonahe at nakatanaw sa mga mumunting ilaw sa dagat.

"Grammy, hindi naman po yata pwede 'yun kasi ano ang sasabihin sa akin ni Xavier pag nalaman niyang all these times na nasa Italy tayo ay si Marco ang lagi kong kasama?" tanong niya na nag-aalala.

"As long as you know your limitations at wala kang ginagawang masama, I don't see any problem with that. I guess, Marco likes you. Don't you think so? I will be happy kung magkakagustuhan kayo."

"Grammy, wala namang sinasabi sa akin si Marco about his feelings. Pag magkasama kami, we only talk about topics we love to discuss. He told me he was sent by Benedetto to the US to study there at nakatapos naman siya doon ng course na hotel and restaurant management. Nag-stay siya sa New York for 7 years kaya pala marunong siyang magsalita ng English. Mga ganoong bagay lang ang pinag-uusapan namin."

"Anyway, just enjoy each moment. Seize the moment while it lasts. Napansin ko lang, apat na araw na tayo dito sa Italy, ni hindi ka man lang tinatawagan ng boyfriend mo." Seryosong sabi ni Grammy. Papasok na sana ito pero bumalik para lang sabihin iyon.

Hindi nakakibo si Allexis. Nanatili siyang nakatingin sa mga maliliit na ilaw sa dagat. Naramdaman na lang niya na iniwan na siya ni Grammy at pumasok na ito sa kwarto nito.

Bigla niyang naalala na oo nga pala at matatapos na ang bakasyon nila ni Grammy dito sa Italy pero ni minsan ay hindi siya tinawagan man lang ni Xavier para kamustahin.

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon