"Sino ba ang kinukwento nitong mga kapatid mo Pepe na magandang babae na nakilala mo daw sa piging ni Kapitan Tiyago kahapon ha? Halos hindi mo na daw nilubayan at inihatid mo pa daw yata hanggang doon sa tahanan nila." Tanong ng mama ni Pepe habang sila ay naga-almusal.
Kinabukasan iyon pagkatapos ng kagaganap lang na piging sa mansyon ni Kapitan Tiyago na isa sa mga malalapit na kaibigan ni Pepe. Nandito sila ngayon sa mahabang hapag kainan kung saan nandoon ang buong pamilya ni Pepe at salu-salo silang kumakain ng almusal.
Nandoon ang kanyang mama, papa, ang nag-iisa niyang kuya at siyam na mga kapatid na babae. Si Pepe ang ikapito sa kanilang magkakapatid. Labing-isa silang lahat.
Napakayaman ng pamilyang ito palibhasa kasi ay parehong edukado ang mga magulang nila na pareho ring nanggaling sa mga prominente at mayayamang pamilya. Laging masaya at puno ng pagmamahalan ang malaking mansyon nila na dito sa Laguna matatagpuan. Mayroon din silang malawak na hacienda sa kabilang baryo na pinamamahalaan ng kanilang papa.
Noong mga panahong iyon, ang pinaka-pangunahing salita lalo na sa mga nakapag-aral at nakapagtapos sa kolehiyo ay Spanish o kastila. Dito sa loob ng mansyon nina Pepe, madalas Spanish ang kanilang usapan dahil lahat sila ay nakapagtapos ng kolehiyo. Pero paminsan-minsan ay nagta-tagalog din sila dahil hindi naman nila gustong itakwil ang pagiging Filipino nila. Kapag importante at seryoso ang topic ng usapan nila ay Spanish ang wikang ginagamit nila.
Tulad ng umagang iyon habang naga-almusal sila ay nag-uusap silang lahat sa wikang kastila.
"Nabalitaan ko din sa pondahan ni Pilar kagabi ng ako ay mapadaan doon na ubod daw ng ganda ang babaeng iyon na minsan lang naman daw kung lumabas ng mansyon ni Victorina." Sabi ng papa ni Pepe habang nagbabasa ng dyaryo. Hindi siya nakadalo sa piging kahapon dahil may mga inasikaso pa ito kaya gabi na ito nakarating sa San Jose.
"Mama, papa, ang babaeng inyong tinutukoy ay si Alexandra. Kaanak siya ni Donya Victorina, pamangkin yata. Ayon kay Elyang na asawa ni Macario ay kagagaling lang daw nito sa Europa at nagbabakasyon ngayon doon sa Intramuros, sa mansyon nina Donya Victorina at Don Tiburcio." Paliwanag ni Pepe habang kumakain ng sinangag na kanin at piniritong isda. Habang ikinukwento niya sa mga magulang niya si Allexis ay kapansin-pansin ang kakaibang kislap ng kanyang mga mata. Pati ang mga ngiti niya ay iba din.
"Kuya Pepe, gusto mo ba siya? Kahapon sa piging ay pinagmamasdan kita. Hindi mo inaalis ang iyong tingin sa napakagandang babaeng iyon. Hindi ka na rin umalis sa tabi niya. Nang umuwi na sila at sumama ka, akala ko ay hindi ka na uuwi dito sa atin. Hahahahaha!" deretsahan at natatawang sabi ni Trining, isa sa mga nakababatang kapatid ni Pepe. Kasama ni Pepe ang apat sa kanyang mga kapatid na babae kahapon na dumalo sa piging ni Kapitan Tiyago.
Ngumiti lang si Pepe at ipinagpatuloy ang pagkain ng almusal. Magana siya kumain lalo na kung ang kinakain niya ay niluto ng kanilang mama. Hindi niya ipagpapalit sa kahit na anong masasarap na pagkain ang mga pagkaing niluluto ng kanyang mama.
Si Pepe ay thirty five years old na, mukhang bata lang sa edad niya kung tingnan. Matalino siya at marami na siyang mga kursong tinapos sa kolehiyo, isa na dito ang Medisina na tinapos niya sa University of Sto. Tomas. Marami na rin siyang mga bansang napuntahan at isa na dito ang Spain kung saan nagpatuloy siya ng pag-aaral.
For many years ay palipat-lipat siya ng mga bansang pinupuntahan sa Europa, Amerika at Asia. Dahil dito, napagkadalubhasaan na niya ang mahigit dalawampung iba't ibang wika tulad ng English, French, German, Italian, Latin, Chinese, Japanese, Spanish, Russian, and Greek, to name a few. Fluent siya sa mga lengguwaheng iyon.
BINABASA MO ANG
NASAAN SI MARIA CLARA?
RomansaALLEXIS IS A MODERN WOMAN, MULA SA KASALUKUYANG MAKABAGONG PANAHON - YEAR 2018. SA ISANG HINDI INAASAHANG PANGYAYARI, SHE WAS ACCIDENTALLY SENT BACK IN TIME, SA ISANG MAKALUMANG PANAHON AT ISANG UMAGA AY NAGISING NA LAMANG SIYA NA NASA LATE 18TH CE...