KABANATA 43

170 8 0
                                    


Isang hapon ng Sabado matapos makapananghalian, habang ang mga batang sina Matilda ay namamahinga sa kwarto sa ibaba, narito naman sa kanyang kwarto si Allexis sa itaas at nagtitiklop ng kanyang mga damit na bagong laba.

Habang maingat niyang tinitiklop ang kanyang mga damit na nilabhan ay hindi na naman niya maiwasang magmuni-muni tungkol sa kung ano talaga itong kababalaghang bumabalot sa mga latest na kaganapan sa buhay niya.

Magmula ng madiskubre niya na nabubuhay siya ngayon sa 18th century, pakiramdam niya ay para na lang siyang dahon na tinatangay ng agos ng ilog. Parang nakikisabay na lang siya sa agos ng buhay, kung saan ba siya dadalhin at kung paano niya iha-handle ang bawa't eksena, bawa't oras at araw na dumadaan. Ipinagdarasal na lang niya na sana kung comatose nga siya sa kabilang buhay at kaluluwa na lang siya ngayon na naglalakbay, sana maka-recover naman siya at mabuhay pa ng matagal. Pero kung mamamatay siya at hindi na magigising sa coma na iyon, doon siya naguguluhan. Ano na ang mangyayari sa kanya dito sa 18th century? Kapag ba namatay ang comatosed na katawan niya ay magpapatuloy pa rin ang buhay niya dito sa 18th century or mamamatay na din siya dito sa pamamagitan ng kahit na anong paraan? O bigla na lang ba siyang maglalaho na parang bula? Mata-trap ba ang kaluluwa niya dito sa 18th  century forever and ever?

Kung bakit naman kasi ang dami-daming mga libro ni Kuya Arnold na nagkalat doon sa kwarto niya dati tungkol sa reincarnation, time travel, history ng Pilipinas at ng kung anu-anong bansa...bakit ba hindi ko man lang pinag-interesang basahin ang mga yun, kahit yung libro na lang sana tungkol sa time travel. Eh di sana kahit papaano may idea ako kung ano ba itong nangyayari sa akin at kung paano ko haharapin itong situation ko ngayon. Naisip ni Allexis. Nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at inis sa sarili.

Kung alam lang nila na outcast ako dito...isang kaluluwang naliligaw...I don't belong here pero  I am trying my best to blend in...malungkot na sabi ng puso niya.

Napakalaking difference nga naman nitong buhay niya ngayon kumpara sa buhay na nakalakihan at nakasanayan na niya noon. Pero sa isang kubling bahagi ng puso niya ay nandoon ang pagmamahal sa kung ano meron siya ngayon. Hindi niya maitatanggi na mahal na niya ang buhay dito sa 18th century. Walang polusyon, wala pang population explosion dahil parang kokonti pa lang ang mga tao noon, wala ding trapik dahil ang mode of transportation ay mga kalesa at karwahe lang na hinihila ng kabayo. May mga kariton naman na hinihila ng kalabaw. Wala silang mga bus, jeep, kotse, motorsiklo at tricycle. Simple lang ang pamumuhay at sadyang magaan ang buhay dito. Masaya siya dito sa 18th century. Hindi niya kailangan ang acceptance at approval ng mga tao sa kanya dahil dito ay pinahahalagahan siya ng mga taong kasama at nakapaligid sa kanya.

"Allexis! Allexis! Naku may ibabalita ako sa iyo! Magandang balita ito! Meron tayong imbitasyon!" biglang napukaw ang pagmumuni-muni ni Allexis ng kumatok si Elyang sa pinto ng kwarto niya at excited na nagsasalita. Binuksan niya ang pinto at humahangos na umupo ito sa kama.

"Ano ba 'yun at mukhang tarantang-taranta ka? Excited much?" tanong niya kay Elyang.

"Ayan ka na naman sa mga dayuhan mong salita eh. Kasi ganito. Iniimbitahan tayo ni Kapitan Tiyago na dumalo sa kanyang piging sa Sabadong darating. Ibang klase magpa-piging sina Kapitan Tiyago kasi lahat ay iniimbitahan niya. Mabait na tao yun pati na ang kanyang maybahay na si Donya Piya. Matulungin sa kapwa 'yang si Kapitan Tiyago at hindi siya katulad ng mga ibang Pilipino na yumaman lang eh naging mapangmataas na agad sa kapwa. Bukas lagi ang pinto ng kanyang mansion para sa mga nangangailangan." Sabi ni Elyang na obvious ang laki ng respeto at paghanga sa kapitang binabanggit.

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon