KABANATA 8

365 13 0
                                    


Monday, nasa Conference Room ang buong staff ng department nina Allexis. Pagkatapos ng Monthly Meeting nila ay may Special Announcement ang boss nila.

"Guys, starting today, hahawakan ko na din ang Human Resources Department. Our department will now be called Human Resources and Administration Department. Which means, additional responsibilities sa ating lahat." Seryosong pagbabalita ni Madam Peachy sa mga staff niya.

Nagkatinginan ang lahat. Taas-baba naman ang mga kilay ni Rafolls. Parang hindi niya nagugustuhan ang kanyang naririnig.

Isa sa mga staff ang nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong.

"Madam, does this mean na promoted ka? Is this a promotion for you?"

"Well...I was just appointed as HR and Admin Manager effective today." Nakangiting sabi ng boss nila.

Nagpalakpakan at naghiyawan ng congratulations ang lahat. Sincere at genuine naman ang kanilang kasiyahan para sa boss nila na alam nilang lahat na deserving sa promotion niya. Nag-aalala lang sila sa mga dagdag na responsibilities nila.

"But wait, guys. I am not yet done with my announcement. With my promotion comes appropriate salary increases for all of you, my dear staff, which will reflect in your payslips next payday. Management appreciates all your hard work and diligence for your jobs. At hindi lang 'yan. Dahil masisipag daw tayo sa department natin, mayroon kayong bonus equivalent to one month salary which you will get the day after tomorrow!"

Pagkasabi nun ay lalong nagkaingay sa loob ng conference room na tila ba may mga demonstrador na nagkakagulo sa gitna ng strike. May humihiyaw at may tumatalon pa sa sobrang tuwa. May mga naiiyak sa labis na kaligayahan.

Nag-group hug naman ang grupo nina Allexis.

"Oh, wait, there is more. I should say na hindi lang ako ang na-promote sa trabaho effective today. One of you has been promoted, too. And it's none other than our dear Allexis here." Pagkasabi nun ay pinuntahan ni Madam Peachy ang grupo nina Allexis at niyakap niya ang dalaga, na noon ay nakatulala na parang natuklaw ng ahas.

"Congratulations, Allexis. You are now the Human Resources and Admin Officer of this company. Management has seen your competence, commitment and dedication to your job for the last 12 months. I have witnessed it, too. Keep up the good work. As I move to my new office, you will move to my previous office. Now na? Now na! Let's move na today itself, baka magbago pa ang isip ng management!" tuwang-tuwang sabi ni Madam Peachy kay Allexis.

Napuno ang conference room ng sangkatutak na congratulations para kina Madam Peachy at Allexis. Tuwang-tuwa sina Rafolls, Tanya at Verna para sa kaibigan. Proud na proud talaga sila.

Speechless si Allexis sa pagkabigla at sobrang saya. Hindi niya inaasahan ang promotion na iyon. Maluha-luha siya sa mga sandaling iyon. Tears of joy.

Touched na touched si Allexis sa binigay na promotion sa kanya ng management, lalo na kay Madam Peachy. Alam niyang si Madam ang nag-evaluate ng kanyang work performance sa nakaraang isang taon niyang pagtatrabaho sa kumpanyang iyon, kaya malaki ang contribution nito sa kanyang promotion.

Hindi akalain ni Allexis na sa likod ng pagiging masungit ng kanilang boss ay may itinatago pala itong ginintuang puso na marunong magpahalaga sa sipag sa trabaho at malasakit ng mga empleyado para sa kumpanya. Hindi siya makapaniwalang nagbunga agad ang isang taon na pagsisikap at kasipagan niya sa trabaho. Kahit bumabagyo ay pumapasok siya at maging mga holidays ay pinapasukan niya. On short notice ay napapag-overtime siya ni Madam Peachy ng wala ni anumang reklamo galing sa kanya. Masayang-masaya siya para kay Madam, sa sarili niya, at para sa mga kasamahan niya sa department. Lahat sila ay uuwing nakangiti ngayong araw na ito.

Nag-blowout pa si Madam Peachy ng lunch nila at nagpa-deliver ng mga pagkain sa conference room. Imbitado ang mga staff ng ibang departments kaya naman parang nagmistulang piyesta sa kumpanya nila ng sumapit ang lunch time. Napakasaya ng atmosphere as office nila sa mga sandaling iyon.

Pagkatapos ng masaganang lunch na pina-deliver ni Madam sa conference room at pinagsaluhan ng lahat ay may oras pang natira para sa lunchbreak nila.

Habang ang lahat ay nagkakatuwaan pa rin at pumapapak pa ng mga tira-tirang pagkain ay nasumpungan naman ni Allexis na umakyat sa penthouse para magpahangin at tumanaw-tanaw sa buong kapaligiran. Sa kanyang kinaroroonan ay tanaw niya ang buong Makati City.

Restricted ang penthouse na ito sa mga empleyado pero dahil sa kaibigan niya ang mga janitors at maintenance personnel ng building ay hindi nila sinisita si Allexis sa tuwing maliligaw ito doon. Doon siya nakakapag-isip-isip ng mabuti at kung may problema ay doon din siya umiiyak ng mag-isa.

Tulad ngayon, sa gitna ng mga kasiyahan ay nalulungkot siyang hindi niya maintindihan. Masaya dapat siya dahil masaya ang araw na ito para sa kanya. Na-promote siya at ang lahat ay nagbubunyi para sa kanya. Lahat sila ay proud na proud para sa kanya.

Bago mag-lunchbreak ay ibinalita na niya sa mommy niya at Kuya Arnold niya ang tungkol sa kanyang promotion at masayang-masaya ang mga ito para sa kanya.

Ibinalita niya na rin kina Xavier at Reema. Siyempre pa, hysterical sa kaligayahan ang kanyang bestfriend. Si Xavier ay masaya din pero nagmamadaling tinapos ang kanilang phone conversation kasi may meeting sa client.

Masaya si Allexis. Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili niya. Dapat masaya siya. Pero bakit nalulungkot siya? Dapat fulfilling ang feeling dahil malaking achievement ito sa career niya. Not to mention na isang taon pa lang siya sa kumpanya at hindi pa bumibilang ng mga taon, pero heto siya at newly promoted officer na agad ng isang department.

Bakit naluluha siya sa lungkot? Bakit parang may kulang? Bakit parang hindi complete ang kaligayahan niya? Ano pa ba ang kulang sa buhay niya?

At the age of 22, may magandang trabaho na siya at kumikita na ng sarili niyang pera at ngayon ngang promoted siya ay nadagdagan pa ang sweldo niya. Sobra-sobra para sa sarili niya ang sweldo niya. Hindi naman sila inoobligahan ng mommy nila na magbigay ng pera para sa mga gastusin sa bahay kasi nga ay may sarili itong business and it is earning so well. Ang mommy niya ay very supportive at maalaga sa kanila ng Kuya Arnold niya.

May mayaman at gwapong boyfriend siya na kahit boring ay mabait naman at gentleman pa.

May kuya siyang talagang kuya in the truest sense. Magkasundo sila at nagmamahalan na magkapatid. May bff siya na mabait at masiyahin, bukod pa sa sexy na ito ay maganda pa.

Ano pa nga ba ang dapat pang hilingin niya sa buhay? Napakaswerte na niya kung tutuusin, kumpara sa ibang mga tao na kasing-edad niya. Pero nagsusumigaw ang isip at puso niya na may kulang pa sa buhay niya.

Hindi maintindihan ni Allexis ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Naguguluhan siya. Bakit nalulungkot siya? Ano pa ba ang kulang sa buhay niya? Paulit-ulit na tanong niya sa sarili. Lungkot na lungkot siya. She just feels so empty.

Ganito ba ang feeling kapag napo-promote sa trabaho? Parang hindi naman ah! Naisip niya. Bakit parang baligtad ang reaction ko? Dapat masaya ako, eh ano itong nararamdaman ko?

Nagulat pa si Allexis ng may biglang pumatak na luha mula sa kanyang mga mata. Isa, dalawa, tatlong patak...padami ng padami at kalaunan ay umaagos na ang mga luha.

Aba, serious na ito! Umiiyak ako at hindi na ito tears of joy. Ano ang nangyayari sa akin? Bakit ba ganito? I feel so empty and lost despite the promotion and all the good things that have been happening to my life right now. Nagtatakang tanong ng puso niya.

At hindi na nga niya napigilan ang pag-iyak. Pinakawalan niya ang lungkot na nararamdaman kasabay ng pag-agos ng kanyang mga luha...


~~~~~~~~~~ ******** ~~~~~~~~~~

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon