"Napakaganda palang talaga ng resort na ito. Akala ko sa mga pictures lang ito maganda. Mas maganda pala siya sa personal." Parang nananaginip na sabi ni Verna habang nililibot niya ng kanyang paningin ang buong resort na iyon.
"Oo nga. Super breathtaking! At napakatahimik. Magaling talaga ang boss natin. She really knows what we need. This is purely business with pleasure!" umiikot-ikot namang sabi ni Rafolls habang kumakampay ang mga braso na parang lumilipad na ibon sa himpapawid.
Miyerkoles noon at umpisa ng tatlong araw na Business Planning Session ng HR and Admin Department na gaganapin dito sa resort na ito somewhere sa Cebu. Labindalawa silang lahat kasama si Madam Peachy.
Kakadating pa lang ng buong staff sakay ng isang malaking tourist bus na sumundo sa kanila sa airport. Kakababa pa lang nila ng bus ay hindi na mapigil ng grupo ang pagkamangha sa nasabing resort. Sari-saring papuri at paghanga ang maririnig mula sa mga bagong dating. Doon pa lang sa pinagbabaan sa kanila ng bus ay namamangha na sila sa ganda. Hindi pa nila nae-explore ang buong resort.
"So beautiful..." yan lang ang nasabi ni Allexis.
Napakaganda pa ng araw ng umagang iyon. Madaling araw sila umalis ng Manila at tamang-tama na pagdating nila dito sa resort na ito sa Cebu ay papasikat pa lang ang araw at ang tubig ng dagat sa may di kalayuan ay tanaw na tanaw at nagkikislapan na parang mga diamonds dahil natatamaan ng sikat ng araw.
"Alam n'yo ba, girls na isa sa mga ipinagmamalaki ng resort na ito ang peace and serenity? Maraming mga tao ang nagpupunta dito hindi para magliwaliw, kundi para magkaroon ng R and R. At para makipag-commune with their souls and nature. Ni-research ko 'yan sa google kahapon." Pagmamalaking sabi ni Allan na in-charge sa timekeeping and payroll.
"Wow...anong R and R?" tanong naman ni Nadine na isa sa mga Admin staff.
"R and R. Hindi mo alam? Ibig sabihin nun, Rest and Relaxation." Sagot ni Allan.
"Ahhh...yun pala ang ibig sabihin ng R and R. Ako din, ngayon ko lang nalaman 'yan. Naririnig ko lang sa telenobela at nababasa sa mga status ng friends ko sa FB." Sabi naman ni Tanya na kanina pa nakikinig sa usapan ng grupo. Siya ang HR Supervisor nila pero hindi na-promote at naungusan ni Allexis sa position dahil mas magaling sa kanya si Allexis. Tanggap naman niya ang promotion ni Allexis at natutuwa siya para sa kaibigan.
Matapos ang mga sandaling paghanga sa entrance pa lang ng resort ay nagcheck-in na ang grupo at tumuloy na sa kanilang mga assigned rooms. May mga cavanas sa labas ng hotel, mga native na family rooms na may airconditioning units din pero ang pinili ni Madam Peachy ay ang mga rooms sa loob mismo ng hotel at okupado nila ang anim na kwartong magkakatabi na malapit sa elevator. Limang palapag mayroon ang hotel at bawa't floor ay may 20 rooms na malalaki. Nasa 4th floor ang mga rooms nila.
Nagsosolo si Madam Peachy sa kwarto. Hindi daw siya sanay ng may kasama sa kwarto kahit hiwalay pa ng kama. Ang totoo at hindi alam ng mga staff niya ay naaasiwa siyang maki-share ng room kahit kanino kasi ay naghihilik siya ng malakas pag natutulog. Ayon sa kanyang pamangkin, ng minsang mag-share sila ng kwarto sa pagtulog, daig pa daw ng Tita Peachy niya ang bakang umuunga-unga pag naghihilik. Kaya ngayon nga, nahihiya siya at baka mapag-usapan pa siya ng mga staff niya pag nakatalikod siya. Isa iyong sikreto na pinakaiingat-ingatan niya na huwag malaman ng mga officemates niya lalo na ng mga staff niya.
Ito naman si Rafolls ay tila asiwa din ang mga boys na makasama siya sa kwarto kasi nga isa siyang sirena na may berdeng dugo, in short, bading. Pero in fairness naman kay Rafolls ay hindi siya yung bading na hayagan ang kalandian. Kung lumalandi man siya, sa sarili niyang mundo na lang iyon at hindi sa mga public places for everybody to see. At hindi rin niya nilalandian ang mga officemates nila. May delicadeza siya at may respeto sa sarili niya at sa kapwa. Hindi mahilig manghipo ng pasimple sa mga boys. Tahimik lang siya kapag may mga boys around at may manners siya kaya gusto siyang laging kasama nina Allexis.
BINABASA MO ANG
NASAAN SI MARIA CLARA?
Roman d'amourALLEXIS IS A MODERN WOMAN, MULA SA KASALUKUYANG MAKABAGONG PANAHON - YEAR 2018. SA ISANG HINDI INAASAHANG PANGYAYARI, SHE WAS ACCIDENTALLY SENT BACK IN TIME, SA ISANG MAKALUMANG PANAHON AT ISANG UMAGA AY NAGISING NA LAMANG SIYA NA NASA LATE 18TH CE...