Ang kasalukuyan...
"Hi Grammy! Good evening!" masayang bati ni Allexis sa lola niya. Matapos niyang magbalik-tanaw sa nakalipas na apat na taon sa harap ng mga pictures sa hallway ng mansyon ni Grammy ay dumerecho siya sa library kung saan sabi ni Isay na kasambahay ay naroon ang matanda.
Abalang-abala ang matanda sa mga old letters at newspaper clippings na nasa ibabaw ng office desk nito na nasa loob ng library.
"Hi Allexis!" sabi nito sa kanya na hindi man lang tumingin sa kanya.
"Grammy, eto na 'yung pocket book na pinabili mo kay mommy at may dala akong isang malaking box ng pizza for you! Pasensiya na daw at hindi naidadaan ni mommy dito ang pocket book kasi busy siya. Kaya ako na lang." Masaya pa ring sabi ni Allexis.
"Oh really? Thank you, my dear. You're such a darling. Sana hindi ka na nag-abala pa na nagpunta dito. Sana tumawag ka na lang kay nurse Erlyn at siya na lang ang nagpunta sa inyo para kunin ang pocket book at ang pizza. O kaya si Pia. Kahit sino sa kanila ay pwede naman mag-drive." Busy pa rin itong nagkakalikot sa mga newspaper clippings na sa kalumaan ay naninilaw na ang kulay.
"OK lang naman sa akin 'yun Grammy. Gusto rin kasi kitang dalawin. At saka nga pala, pagkatapos mong basahin 'yang pocket book ni Sydney Sheldon, pahiram ha?" lumapit si Allexis sa office desk at pinagmasdan ang mga newspaper clippings at mga lumang sulat.
"Oh sure, sweetie. You don't need to tell me that. Lagi namang sa iyo ko ipinapasa ang mga pocket books every time tapos ko na silang basahin. One thing na namana mo sa akin, I believe. You're a book lover just like me. Pero hindi ko pa nga nahahawakan ang libro eh hinihiram mo na agad?" Isinilid bigla ni Grammy ang mga old letters at old newspaper clippings sa isang malaking brown envelopes ng mapansin nitong nakatingin doon si Allexis.
Niyakap ni Allexis mula sa likuran ang lola niya. Mahal na mahal niya ang matanda kahit pa alam niyang hindi siya naging paborito nito kahit kailan. Kahit hanggang ngayon.
"Hehehe, syempre, pagkatapos mong basahin Grammy."
"Oo nga. Sabi mo nga. Pagkatapos kong basahin. Ay ang kulit!" natatawang sabi ni Grammy habang inaayos ang mga nasa ibabaw ng kanyang office desk.
"Ehem, am I interrupting something here?" biglang may nagsalita sa likuran ng mag-lola.
"Xavier! What are you doing here?" gulat at nagtatakang tanong ni Allexis ng makita niya si Xavier na nakatayo sa likuran nila.
"You, what are you doing here?" tanong naman sa kanya ng binata.
"Sagutin ba ng tanong ang tanong ko? Ano'ng ginagawa mo dito at bigla-bigla kang sumusulpot diyan?" nakangiti pero medyo iritadong tanong ni Allexis sa boyfriend niya.
"Huy, ang sweet n'yo naman. Huwag n'yong sabihing dito pa kayo mag-aaway ha. Allexis, kanina pa dito itong si Xavier. Pinapunta ko at ibibigay ko sa kanya itong mga collections ko ng old newspaper clippings and letters. Balak ko na sanang itapon pero nabanggit ko sa kanya at hiningi niya sa akin." Sarkastikong sabi ni Grammy. Kinawit ng braso ni Grammy ang braso ni Xavier. Very close si Grammy at Xavier sa isa't isa.
"Grammy, ganyan lang talaga kami ni Xavier. Hindi kami nag-aaway and never kami nag-away kahit kailan. Hmmm, pa-kiss nga, pogi." Nanggigigil na inabot ni Allexis ang mukha ng boyfriend niya at hinawakan iyon sa magkabilang pisngi. Palibhasa ay matangkad si Xavier at hanggang dibdib lang niya si Allexis, ay nakatingkayad pa ang dalaga. Yumukod naman ito at nagpahalik. Hinalikan ito ni Allexis sa noo.
"Lolo mo?" nanunuksong tanong ni Grammy kay Allexis.
"Ano ba namang walang kakwenta-kwentang paglalambing 'yan?! Boyfriend mo, hinahalikan mo sa noo? Baka naman inamoy-amoy mo pa muna bago mo hinalikan? Alam n'yo mga kids, kahit ako ganito katanda na, never ako humalik ng ganyan. Kahit nung nabubuhay pa si Grampy ninyo. Alin, kung buhay pa 'yun ngayon, hindi ninyo kami makikita dito sa library ngayon. Andun kami sa bedroom namin at nagkukulong. Nagtatampisaw sa kaligayahan." Kumikislap-kislap pa ang mga mata ni Grammy.
BINABASA MO ANG
NASAAN SI MARIA CLARA?
RomanceALLEXIS IS A MODERN WOMAN, MULA SA KASALUKUYANG MAKABAGONG PANAHON - YEAR 2018. SA ISANG HINDI INAASAHANG PANGYAYARI, SHE WAS ACCIDENTALLY SENT BACK IN TIME, SA ISANG MAKALUMANG PANAHON AT ISANG UMAGA AY NAGISING NA LAMANG SIYA NA NASA LATE 18TH CE...