KABANATA 16

310 12 0
                                    


Isang araw ng Friday, nataong holiday at long weekend kaya isinama ni Arnold ang mag-best friend na sina Allexis at Reema sa lakad niya. Isinama naman ni Allexis si Rafolls dahil magmula noong magkasama sila sa isang kwarto sa Business Planning nila sa Cebu ay lalo silang naging very close sa isa't isa. Lagi na silang tatlo nina Reema na magkakasama sa mga gimikan.

Ngayon nga ay papunta sila ng Baguio City.

May kasamang apat na kaibigan si Arnold, mga kapwa niya archaelogists and antique collectors din. Meron daw old abandoned mansion doon sa Baguio na kailangan nilang puntahan. Sakay sila ng isang malaking van at nag-hire sila ng driver. Sa mga gamit pa lang nina Allexis, Reema at Rafolls ay punung-puno na ang sasakyan.

At ngayon ay on the way na sila doon. Gabi pa lang ng Thursday ay umalis na sila ng Manila kaya most of the time habang naglalakbay sila paakyat ng Baguio ay tulog sina Allexis at Reema. Si Rafolls naman ay gising na gising at nakikipagkulitan sa mga kaibigan ni Arnold.

"Huy dapat hindi ma-bore ang driver natin sa pagda-drive. Walang tulugan ha? Sige tayo, pag na-bore 'yan, aantukin 'yan, tapos makakatulog 'yan habang nagda-drive, tapos paggising natin bukas, patay na pala tayo." Sabi ni Rafolls habang nagjo-joke. Pero concerned talaga siya sa driver nila.

"Ano? Magigising pa tayo eh patay na pala tayo??!!" sabi ni Arnold habang natatawa. Nakitawa din ang mga kaibigan niya.

"Kaya nga, huwag tayo matutulog guys. Samahan natin sa byahe habang nagda-drive si Nelson para hindi antukin. Hayaan na natin 'yang dalawang bruha diyan sa likod na matulog. Wala talagang maaasahan diyan. Kanina pa sa Manila pagsakay dito sa van tulog na agad 'yang mga 'yan eh. Three hours na tayong bumibyahe, ni hindi gumagalaw 'yang dalawa. Tulog pa rin." Sabi ulit ni Rafolls. Sinundot-sundot pa ng hintuturo niya ang balikat ni Reema pero tulog talaga at walang pakiramdam.

Nagising na lang sina Allexis at Reema ng masilaw sila sa sikat ng araw. Umaga na pala at ang mga kasama nila ay tulog na ring lahat maliban syempre sa driver na si Nelson , at sa kaibigan ni Arnold na si Luigi. Gising na gising ito at nakikipagkwentuhan kay Nelson. Si Rafolls ay nakatulog din pala at ngayon ay nakanganga pa sa sarap ng tulog. Wala daw tulugan.

Si Luigi ay kababata ni Arnold at Xavier. Maliliit pa lang sila ay magkakalaro na sila. Kapitbahay nila ito sa kanilang subdivision. Parang kuya na rin ang turing ni Allexis kay Luigi.

Maya-maya din ay pumasok ang van sa isang mahabang driveway na punung-puno ng mga pine trees at halaman. Huminto sila sa tapat ng isang malaking lumang mansion na kulay puti.

May tatlong palapag ang mansion. Luma na ito pero mukhang pwede pang tirhan kung aayusin lang. Wala na nga lang kasing tumitira doon ngayon dahil ang mga may-ari ay nasa Canada ng lahat at doon na naninirahan maraming taon na ang nakakalipas.

Ang mga caretakers na lang ang nangangasiwa sa pagme-maintain ng mansion at ang mga ito ay nakatira naman sa maliit na bahay sa may likod ng mansion. Anak nga ng caretakers ang kaibigan ni Arnold.

Pagbaba nila ng van ay napakalamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa grupo. Amoy na amoy ang halimuyak ng mga fresh pine trees. Madaming magagandang halaman at bulaklak ang mapapansing nakatanim sa palibot ng mansion.

Sa bandang kaliwa ay naroon ang green house kung saan may mga orchids na hitik na hitik sa mga bulaklak.

Sinalubong ang grupo ng caretakers na parents ng kaibigan ni Arnold na si Bernie. Hindi pa naman katandaan ang mga ito. Magiliw sila sa mga bagong dating. Nakangiti sila at inasikasong mabuti ang grupo. Sinamahan sila sa mga kwartong tutuluyan nila sa itaas at pagkatapos ay ipinaghanda kaaagad sila ng masarap na breakfast.

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon