Isang araw, naglilinis si Allexis ng kwartong kanyang tinutulugan. Habang nagwawalis ay busy naman sa pag-iisip ang kanyang utak. Iniisip niya ang mga kaganapan recently sa buhay niya. Iniisip niya ang mga nangyayari na sa matibay na paniniwala niya ay isang panaginip lang.
Kung panaginip lang ang lahat ng ito, bakit hindi black and white? Every time na nananaginip ako kahit noong bata pa ako, puro black and white ang nakikita ko sa mga panaginip ko. Although sabi nina kuya at Xavier, may mga tao din daw na kung nananaginip sila ay colored at vivid colors pa talaga. Kaya daw feel ng mga taong iyon na totoong-totoo ang kanilang mga panaginip at parang totoong nangyari. Parang totoong nandoon sila sa mga panaginip nila. Kasi nga, may kulay ang mga panaginip nila! Ibig sabihin ba nito, colored na akong managinip ngayon at kabilang na ako dun sa mga taong kung managinip ay may kulay? If that is the case, aba, hindi lang basta makulay na panaginip itong nararanasan ko. High definition pa talaga!
Sa pagpasok ng alaala ng kuya niya at ni Xavier sa kanyang isipan, hindi napigilan ni Allexis ang malungkot.
Tulog din kaya sila sa mga oras na ito at may kanya-kanyang panaginip? Ano kaya ang napapanaginipan nila ngayon? Tanong ng isip niya.
Paano kung hindi sila tulog at hindi sila nananaginip sa mga sandaling ito, aber? Tanong naman ng puso niya.
Oo nga ano? Kung mga gising sila, ibig sabihin, ako lang ang tulog at nananaginip. Gaano katagal na kaya akong tulog? Buong magdamag? Kalahating araw? Isang buong araw? Ang tagal ko na dito sa Intramuros, ano kaya ang katumbas na oras o araw dito sa panaginip ko kumpara sa real time na buhay, pag gising ako? Ang isang araw ba dito ay katumbas ng isang oras doon? O mas maiksi pa? Wala man lang bang nakakapansin sa kanila na matagal na akong natutulog? Wala man lang bang naghahanap sa akin sa mga oras na ito? At nasaan kaya ako natutulog sa mga oras na ito habang nakakulong sa panaginip na ito? Nasa bedroom kaya ako dun sa mansyon ni Grammy o nasa loob ng rest room doon sa magandang restaurant sa Intramuros? Wala man lang bang nakakapansin sa kanila na matagal na akong natutulog at nawawala sa limelight?
Nagpatuloy si Allexis sa pagmumuni-muni.
Akalain mo nga naman...first time kong managinip ng colored at first time din na sa loob ng panaginip ko ay naging aware akong nananaginip lang ako at eto nga't nakiki-ride na lang ako sa mga susunod na eksena ng panaginip kong ito...tapos, talagang panahon pa ng mga kastila ang setting ng dream ko. Bongga! Makatotohanan ang lahat hanggang sa kaliit-liitang details! Isn't it amazing?!!!
Apat ang mga kwarto dito sa itaas ng mansion at isa nga sa mga iyon ang tinutulugan ni Allexis. Siya lang ang tao sa pangalawang palapag tuwing gabi. Ang mag-anak ni Elyang ay sa isa sa tatlong kwarto sa ibaba natutulog, katabi ng kwartong bodega.
Malaki din ang kwartong ito na kanyang tinutulugan. Punung-puno din iyon ng mga lumang gamit. Napansin niya na sa mansyon na ito, ang lahat ng mga bintana ay may mga ginantsilyong kurtinang puti. Iba-iba pa ang design ng mga ginantsilyong kurtina sa bawa't parte ng bahay. Ang design ng kurtina dito sa kwarto ni Allexis ay turkey o pabo. Nakabukas ang pakpak nyon sa likod at ang ganda-ganda ng pagkaka-gantsilyo. Matiyaga ang nag-crochet ng mga kurtina dito, naisip niya. Pambihirang talent at mahabang patience ang kailangan para makagawa ng ganito kagandang handicraft.
Ang antigong kama dito sa kwartong ito ay malaki at may apat pang haligi kung saan isinasabit ang kulambo. Tinuruan pa siya ni Elyang kung paano magkabit ng kulambo tuwing gabi. Walang mattress ang kama at solidong kahoy ang kanyang hinihigaan. Noong una ay sumakit ang likod at katawan niya sa pagtulog sa kama na walang kutson. Kalaunan nga ay nasasanay na siya ng unti-unti.
Wala ring electric fans sa mansyon. Natutulog sila ng nakabukas ang mga bintana at nakakulambo. Palibhasa ay presko ang hangin kaya hindi na kailangan ang electric fan. Hindi naman alam ni Allexis kung may electric fan na noong panahon ng mga kastila. Basta dito sa panaginip niya, walang electric fans sa mansion.
BINABASA MO ANG
NASAAN SI MARIA CLARA?
RomantikALLEXIS IS A MODERN WOMAN, MULA SA KASALUKUYANG MAKABAGONG PANAHON - YEAR 2018. SA ISANG HINDI INAASAHANG PANGYAYARI, SHE WAS ACCIDENTALLY SENT BACK IN TIME, SA ISANG MAKALUMANG PANAHON AT ISANG UMAGA AY NAGISING NA LAMANG SIYA NA NASA LATE 18TH CE...