KABANATA 9

359 12 0
                                    



Isang hapon ng Sabado, after lunch, pagkalabas ni Allexis ng office ay dumiretso na agad ito ng uwi sa bahay nila para makapagpahinga. Ngayong na-promote siya ay nadagdagan nga ang mga duties and responsibilities niya. Pati half day ng Sabado ay pinapasukan na rin niya.

Pagdating niya sa bahay ay nadatnan niya doon ang kuya niya kasama si Xavier, si Grammy, at ang Uncle Ponch niya. May mga sinusuri silang mga lumang kagamitan na ngayon ay nagkalat sa living room nila.

"Hi, everyone!" masayang bati ni Allexis sa lahat ng nandoon. Abot hanggang tenga ang kanyang pagkakangiti ng makita niya ang kanyang mga mahal sa buhay na magkakasama at nagkakasundo sa isang hobby at interest.

"Hi, everyone!" bati niyang muli pero ni hindi man lang talaga siya tinapunan ng tingin ng mga ito. Masyado silang busy sa kanilang ginagawa. Masyado silang engrossed sa kanilang pinag-uusapan tungkol sa kung saan nila nadiscover ang mga lumang gamit na iyon.

"Hi, Lexie!" sabi ni Xavier, matapos ang ilang minutos. Hindi naman ito nakatingin sa kanya.

Ang mga ito ay pare-parehong mahihilig sa Archaelogy at mga antique items kaya magkakasundo silang lahat. Kahit isang buong araw silang magdiskusyunan tungkol sa hobby at interest nilang ito ay hindi sila nagsasawa. Kahit buong araw silang maghukay sa lupa para lang makakuha ng mga artifacts at kagamitan, maging mga buto o parte ng tao o hayop na mula pa noong unang panahon ay okay na okay lang sa kanila. Kahit pa hindi sila kumain ng isang buong araw.

Umupo si Allexis sa tabi ni Xavier at humilig siya sa balikat nito. Hindi pa rin siya pinansin ng binata.

Sadyang busy sila at sobrang excited sa mga bago nilang nahukay. Kagagaling lang ng mga ito sa Isabela para puntahan ang isang lugar doon na kailan lang ay napabalitang may mga nahukay na fossils ng makalumang tao na nabuhay ng mahigit dalawang daang taon na. Hindi nga lang nila naabutan yung mga buto dahil may nauna ng nakakuha sa kanila.

Pero along the way naman ay nakakita sila ng isang lumang-luma ng bahay at may mga kagamitan dito na pinagbibili na ng mga kaanak ng dating may-ari ng lumang bahay na iyon. Authentic antiques ang nakita nila kaya hinakot nilang lahat ang mga iyon at ngayon nga ay naroon ang mga kagamitan sa living room nina Allexis. Mahusay ang Uncle Ponch niya at si Xavier sa pagsuri kung ang isang antique item ay totoong antique or fake. Pati kung ilang taon na ang mga kagamitan ay alam din nila.

Ngayon nga ay pinag-uusapan din ng mga ito ang kanilang bubuksang museum somewhere sa Manila. Sa pakikinig ni Allexis ay napag-alaman niyang malapit na palang matapos ang construction ng family museum na iyon at ang Uncle Ponch niya ang nagsu-supervise sa pagpapagawa nito.

Palibhasa ay mga miyembro ang mga ito ng isang malaking archaeology group sa bansa, kaya kung saan-saan sila nakakarating. Naisisingit pa nila ang paghuhukay sa kabila ng sobrang busy din nilang schedule sa mga trabaho nila. Bagay na hindi mapaniwalaan ni Allexis. Pati si Grammy kung minsan ay kasama nila sa kanilang excavation trips.

Maging hanggang sa dumating na din ang Mommy niya at naghahanda na ng dinner para sa lahat ay super busy pa rin ang lahat sa discussion nila tungkol sa kanilang mga antique collections. Masyado silang carried away sa kanilang mga pinag-uusapan.

Hindi rin naman makausap ni Allexis ang Mommy niya dahil busy ito sa pakikipag-usap sa cellphone habang nagluluto. Parang hindi nage-exist si Allexis sa mga sandaling iyon. Out of place siya dahil hindi siya interesado sa mga kagamitang nagkalat sa living room nila at lalong hindi siya interesado sa mga pinag-uusapan nila. Bukod sa wala siyang naiintindihan sa mga iyon ay sadyang inaantok siya kapag ganito ang tema ng usapan.

Kung paanong dumating si Allexis na tila walang pumapansin sa kanya ay lalong wala ring nakapansin ng siya ay lumabas ng bahay. Naglakad-lakad ito sa subdivision nila. Malaki at exclusive and subdivision na iyon. Doon din nakatira sina Xavier, Grammy at Uncle Ponch.

Papalubog na ang araw at malungkot niyang pinagmasdan ang colorful reflections ng sunset sa kalangitan, lalo na sa mga ulap na animo ay mga cotton candies.

Naroon na naman ang malungkot na pakiramdam na hindi niya alam kung saan nagmumula. Nalulukuban na naman siya ng feelings of emptiness.

Sa kanyang paglalakad habang nakatitig sa sunset ay hindi niya namalayang nakarating na pala siya sa park na malapit sa club house at nakaupo na pala siya sa isa sa mga bench doon.

Matagal-tagal na ding panahon na hindi siya nakatapak sa park na iyon. Huling punta niya doon ay mga bata pa sila ni Xavier at naalala niyang madalas silang maglaro doon noon.

Napadako ang paningin niya sa maliit na Admin Office ng park na iyon. May bulletin board doon sa labas ng munting office na ito at ang lahat ng home owners ay pwedeng mag-post doon ng kahit na anong announcement, pati na mga greetings for all occasions.

Malaki ang bulletin board na iyon. Nilapitan niya iyon at binasa ang mga naka-post doon. May posters, may birthday cards, may announcement galing sa presidente ng home owners association, may mga reminders, may mga rules and regulations para sa mga nakatira doon sa subdivision at may mga pictures ng mga missing persons.

Missing persons? ...

Napatingin siya sa mga pictures ng mga missing persons. Anim na pictures. Dalawang lalake at apat na babae. Kinilabutan siya. Ang dami namang mga nawawalang tao. Ano kaya ang dahilan ng pagkawala ng mga ito? Buhay pa kaya ang mga ito? May halong takot na tanong ng isip niya.

Nagulat siya na kasama pa rin pala doon ang picture ng pinsan niyang si Lorelei. Kahit na apat na taon na itong nawawala ay considered pa rin pala ng kanilang angkan na missing ito. Walang sumusuko sa paniniwalang isang araw ay magbabalik sa kanila si Lorelei. Walang naniniwalang patay na ito.

Para kay Allexis, dalawang bagay lang ang maaaring nangyari kay Lorelei. Una, maaring nagtanan ito at sumama sa boyfriend niya. Although wala naman itong boyfriend ng mawala ito, pero knowing how secretive itong si Lorelei, maaaring may lalaki behind the scene. Kung magkaganoon man, bakit hindi pa rin lumilitaw hanggang ngayon? Bakit hindi pa rin nagpapakita sa kanila? Maaring natatakot o tinatakot nung lalaki. Sagot ng isip niya.

Pangalawa and worst of all, ay baka patay na nga ito. Dahil sa masyado itong modern and wild ay baka naka-encounter ito ng mga masasamang tao. Drug addicts, maybe.

Pero tuwing magdadasal si Allexis ay lagi niyang dinarasal na sana nga ay sumama na lang sa boyfriend niya si Lorelei para kahit papaano ay buhay pa ito hanggang ngayon. Sana ay masaya siya kung nasaan man siya naroroon ngayon...


~~~~~~~~~~ ******* ~~~~~~~~~~

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon