KABANATA 11

342 11 0
                                    


Lumipas ang ikalawa at ikatlong session ng kanilang Business Planning na matagumpay at masaya. Maagang natapos ang third session nila, after lunch lang, kaya nagkaroon pa ng mahabang time na makapamasyal ang iba sa Cebu at makapagshopping. Ang iba naman ay nagsibili ng kanilang mga pasalubong para sa pamilya nila at mga officemates.

Syempre, selfie-selfie at groupie-groupie sila sa bawa't magagandang lugar na madaanan nila para pang-profile pic or pang-inggit lang sa mga friends nila sa FB at Instagram.

Nangako naman si Madam Peachy na next year, sa kanilang departmental outing ay sa Boracay sila pupunta, na labis na ikinatuwa ng grupo at nangako pa ang mga ito sa kanilang boss na lalo silang magsisipag sa trabaho.

At ngayon nga ay huling gabi na nila sa resort na iyon.

"OK guys, it's dinner time and time to unwind. The bar is open, charge your drinks to the company but I advise you to please drink in moderation. Maaga pa ang flight natin bukas at hindi magandang bibyahe tayo sa eroplano ng may hangover. I'll go ahead. Inaantok na ako. Hindi ko na carry 'yang mag-inom-inom. Oorder na lang ako ng dinner ko sa room. Enjoy the night, guys!" masayang paalam ni Madam Peachy sa grupo.

Naghiyawan naman ang mga boys at tuwang-tuwa na pinayagan silang mag-inuman sa huling gabi nila sa Cebu. Lulubus-lubusin na nila ang kaligayahan at saya ngayong gabi. Dahil sa pagbabalik nila sa Manila ay back to reality na ulit sila.

"By the way, have you seen Allexis?" papaalis na sana si Madam Peachy pero naalala niya si Allexis na kanina pa niya hindi nakikita. Pagkatapos ng kanilang Business Planning ay hindi na niya ito nakita.

"Ma'm baka po nagsa-shopping pa kasama ni Rafolls. Nakasalubong namin sila kanina sa may Mariott Hotel, nagkakape at hindi pa nakakapag-shopping." Sabi ni Dennis.

"Ay oo nga, baka binibili nila ang buong Cebu." napakunot ang noo ni Madam Peachy.

"Madam, pag nakita ba namin, sasabihin ba namin na hinahanap mo siya?" tanong naman ni Marcial.

"Naku, wag na. Hayaan na nating mag-enjoy sila. Mukhang enjoy na enjoy naman ang dalawang iyon sa company ng isa't isa. Good night, guys!" paalam na muli ni Madam Peachy.

Nasaan na nga ba sina Allexis at Rafolls sa mga oras na iyon?

"Eeeeeeeeeeee!!!! Ang ganda-ganda mo, girl!!! Grabe!!! Walang sinabi sa iyo sina Pia Horseback at Anne Cortez!!!" Nagpapapadyak habang tumitiling sabi ni Rafolls kay Allexis.

Sinadya niyang ibahin ang name ng mga sikat na personalidad na sinabi niya para patawanin ang kanina pa halatang ninenerbiyos na si Allexis.

Nasa hotel room lang pala sila kanina pa, matapos mag-shopping. Bumili si Allexis ng magandang gown at matching shoes and evening bag na gagamitin niya tonight para makipag-meet kay Dave Stevenson.

Si Rafolls ang nag-make up kay Allexis at nag-ayos ng buhok ng dalaga. Kinulot-kulot niya ng bonggang-bongga ang hair nito at itinaas. Ngayon nga ay sosyal na sosyal ang pagkakaayos nito at labas ang natural na kintab. Parang isang professional hairstylist at make up artist ang nag-ayos sa kanya.

Nakasuot ng gown na pulang-pula si Allexis na binilhan niya ng matching black shoes and black bag. Haltered ang style ng neckline nito na may spaghetti strap. Litaw na litaw ang kinis at kaputian ng balat ni Allexis. Ang korte ng gown ay lalong nagpakita ng magandang hubog ng kanyang katawan.

"I am sooooooo excited!!! Eeeeeeeeeeee!!!!" muli na namang tumili si Rafolls. Parang siya ang kilig na kilig.

"You know, girl, I don't even know what I am doing. Why I am doing this tonight...I don't even know the guy. For all I know he may be some viscious, psychotic, rapist and murderer. And Xave...what if he will know about this? Baka magalit 'yun! Parang ayoko na lang yata, girl. I am having second thoughts about this. I am not even sure if it's right to do this." Nag-aalalang sabi ni Allexis. Medyo nanginginig ang boses niya sa kaba. Excitement, takot, whatever - hindi niya alam.

"Girl, pano mo malalaman kung hindi mo ita-try? I don't sound like "bugaw" naman, di ba? Ang sa akin lang naman, go! Meet with him and have dinner with him. Pag hindi mo type, then goodbye. Pag type mo, then go to the next level next time. Ganern!!! Saka mo na muna isipin si Xavier mo. Just cross the bridge when you get there. Minsan lang mangyayari ito, girl. It may never happen again. Besides, wala namang makakaalam. Tonight is a lovely evening!! I just don't want you to live with regrets at the back of your mind pagdating ng araw, wondering ano kaya ang nangyari kung nakipag-meet ka sa isang total stranger na gusto kang makilala. Girl, don't live with "what ifs" sa buhay. Lalo na 'yang mga "could have beens" na 'yan. The best thing to do right now is go and see for yourself para pagdating sa dako pa roon, hindi mo sisisihin ang sarili mo. Para wala kang magiging regrets at panghihinayang sa buhay mo." nakatitig pa rin ito kay Allexis habang naglilitanya at parang sinisiguro na perfect ang lahat ng anggulo ng dalaga sa gabing iyon.

"And besides," dugtong pa nito, "Don't you worry, beh! I will be waiting outside. Basta Cinderella lang ang peg ha? On or before 12 midnight dapat labas ka na. Pag hindi ka lumabas, tatawag na ako ng police." Nakatawang sabi pa nito.

Kinilabutan naman ang dalaga sa narinig na salitang police.

"Kinakabahan tuloy ako. Baka nga magkapulisan pa, nakakahiya naman at sa Cebu pa ako magkakalat ng pangit na headline sa news!" sabi ni Allexis.

"Hindi naman siguro. Gusto ka lang makilala nung tao. Besides, I am sure may mga ibang tao rin doon. Basta kasama mo ako. Hindi nga lang ako magpapakita. Sayang na lang ang pagiging frustrated detective ko kung hindi ko magagamit ngayong gabi." Nagsuot na rin ng coat niya si Rafolls at handa na silang umalis.

"Baka may makakita sa atin paglabas natin dito, girl. Silipin mo muna and make sure na walang tao sa hallway." Ninenerbiyos na sabi ni Allexis.

Binuksan naman ni Rafolls ang pinto at sumilip sa hallway.

"Walang tao. All coasts clear. Nasa bar ang mga yun at nag-iinuman, for sure."

"Eh sina Tanya kaya? Baka hindi naman umiinom ang mga 'yun at baka makasalubong natin sa elevator."

"Basta, ako ang bahala. If worse comes to worst, sasabihin ko na may date tayong dalawa. You and me, exclusively dating tonight. Hwarkkkkk!" biglang nagsuka-sukahan si Rafolls sa sinabi.

"Ang OA mo, girl ha. Exclusively dating lang, nasusuka ka na agad. Ikaw na lang kaya ang makipag-dinner date kay Dave?"

"I wish! Kaso ikaw nga ang gusto 'no? Ipanalangin natin na sana gwapo yang Dave na 'yan. Or kung hindi man, sana mabait siya. Or both. Sana gwapo at mabait!" at tumingin pa sa kisame si Rafolls sabay antanda ng pa-krus.

"So pano? Alexandra May, are you ready? This is it! This is really it! Wala ng atrasan ha. Humawak ka sa braso ko, girl at baka matapilok ka sa nerbiyos. 'Yan, ganyan, para pag may nakakita sa atin kapani-paniwalang magde-date tayong dalawa. Yukkkkkk!" nagbibirong sabi ni ulit ni Rafolls.

Hinampas ni Allexis si Rafolls sa balikat.

"Ang OA mo talaga, Rafaellita. Matapos lang itong gabi na 'to, Hu U ka sa akin!" sabay hawak sa braso ng bading. At huminga ng malalim bago lumabas ng kwarto.


~~~~~~~~~~ ******** ~~~~~~~~~~    

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon