KABANATA 27

211 10 0
                                    

Excited na pumasok ng bahay nila si Allexis isang hapon. Pag-uwi niya after office ay nadatnan niya sa labas ng bahay ang kotse ng kuya Arnold niya. Tuwang-tuwa siya ng makita ang kotse nito sa labas. Ang ibig sabihin lang nito ay nandoon at maagang umuwi ang kapatid. Sa wakas ay makakapagkwentuhan silang magkapatid. Miss na miss na din niya ang mga bonding moments nilang magkapatid kahit nasa bahay lang sila.

Mag-iisang buwan na ring nasa honeymoon ang Mommy niya at Si Tito Nick. Mag-iisang buwan na ring malungkot si Allexis.

Buhat ng umalis ang Mommy niya at Tito Nick patungong Greece, hanggang ngayon ay hindi pa siya tinatawagan ng ina. Umalis ito na masamang-masama ang loob sa kanya. Alam niya nasaktan niya ang damdamin ng Mommy niya. Hindi niya ito masisisi. Kung bakit naman kasi bigla siyang nagkaroon ng ganoong klaseng mood na maski siya hindi niya maintindihan. At masaklap pa, sa araw pa mismo ng kasal ng Mommy niya! Sino nga ba naman ang matutuwa sa ganoon?Alam niyang walang kapatawaran ang nagawa niyang drama sa araw ng kasal ng mommy niya.

Mula ng umalis ang mga bagong kasal ay naging malungkot na rin ang bahay nila. Sa tuwina, pag uuwi si Allexis sa hapon ay laging siya lang ang tao doon. Madalas ay gabi na kung umuuwi si Arnold. At mas madalas pa ay hindi ito umuuwi. Madalas ay mag-isa na lang siya sa bahay.

Most of the time, kahit weekends, ay si Allexis lang ang tao sa bahay nila. Wala din naman siya sa mood para mag-entertain ng mga friends niya, kaya kahit sina Reema at Rafolls ay hindi niya pinapapunta doon. Hindi rin naman sila dumadalaw kay Allexis kasi alam nilang lately nga ay nagha-hybernate ito at walang ganang makipagsosyalan kahit kanino.

May mga times din na umuuwi doon ang kuya niya at kasama si Abby. At kapag ganoon, lagi lang naka-lock ang mga ito sa loob ng bedroom ni Arnold. Hindi lumalabas ang mga iyon ng bedroom. Pati ang bumaba sa dining area para kumain ay hindi nila ginagawa. May sarili silang mundo sa loob ng kwarto ni Arnold.

Ngayon nga ay excited siyang pumasok ng bahay dahil ilang araw ding hindi umuwi ang kapatid. Iniisip na niya kung ano ang iluluto niya sa dinner.

"Uhmmmmm...ayyyyy! Hahahaha! Huwag diyan! Eeeeeeee! Arnie, stop!"

Bumulaga sa kanya ang malalakas na ungol at sigaw ng babae na nanggagaling sa kusina. At first ay hindi agad nabosesan ni Allexis kung kaninong boses iyon. Parang paos na pusa ang boses.

"Oh, Abby, baby..." narinig ni Allexis na sabi ni Arnold.

Kasama na naman pala si Abby. Sabi ng isip niya.

Pupunta sana ng kusina si Allexis pero mukhng may milagrong ginagawa ang dalawa doon kaya umakyat na lang siya sa kwarto niya. Ni hindi man lang namalayan nungg dalawa na nakapasok na pala siya ng bahay at nakapanhik sa kwarto niya.

Maya-maya pa ay may mga rumaragasang paa na paakyat ng hagdan. Naghahabulan sina Arnold at Abby. Dinig na dinig ni Allexis ang kanilang mga tilian at tawanan. Parang nagkikilitian pa.

Katabi ng kwarto ni Allexis ang kwarto ni Arnold kaya dinig din niya ng pumasok ang mga ito sa loob. Sa una ay tahimik pero kalaunan ay kung anu-anong sound na ang naririnig niya. On top of her voice, itong si Abby ay walang pakialam kung naiiskandalo na ang buong neighborhood sa mga sounds niya. Sumasabay pa ang kuya niya. Paligsahan pa yata ng volume.

Tinakpan na lang ni Allexis ng unan ang tenga niya pero sadyang naririnig pa rin niya ang mga sounds sa kabilang kwarto. Feel niya naririnig na sa mga katabing bahay.

Kaya ang ginawa niya, kinatok niya ang mga ito sa kwarto.

"Kuya! Kuya! I just want you to know that I am here. Kanina pa ako dito. Pakihinaan naman ang volume nyo diyan sa loob. Hindi ako makatulog. At dinig na kayo ng mga kapitbahay. Nagkakahulan na ang mga aso sa labas!" Sabi niya sabay katok.

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon