KABANATA 15

316 12 0
                                    


"Oh, you're early today, iha. I thought mamaya ka pa uuwi." Bati ni Chit sa anak. Halatang parang asiwa ito at nag-aalangan na hindi maintindihan.

Masama ang pakiramdam ni Allexis that day kaya nag-half day siya at umuwi ng maaga. Hindi niya rin inaasahan na madadatnan ang ina sa bahay after lunch dahil lagi itong late afternoon na kung umuwi and lately nga ay ginagabi pa ito ng uwi.

"I am not feeling well, Ma. Pinauwi ako ng maaga ni Madam Peachy. Akala ko nga concerned sa akin pero sabi baka daw makahawa pa ako ng virus sa kanila. Sabi naman sa clinic, baka daw magkaka-flu ako kasi masasakit ang mga joints ko." Matamlay na paliwanag ni Allexis habang lumalakad papuntang kusina.

"Malay mo naman, baka nga concerned rin 'yun sa iyo. Do you need anything, anak? Nag-lunch ka na ba?" natatarantang tanong ng mommy niya.

"I am okay, Ma. I just had lunch at nakainom na din ako ng gamot. Iinom lang ako ng tubig then I'll go upstairs. Magpapahinga na ako. Parang lalagnatin ako eh. But don't you worry, I will be okay." Sabi ni Allexis na tuluy-tuloy ang paglakad habang nakalingon sa ina.

Pag-ikot ng ulo niya sa direksiyon ng kusina ay nagulat siya ng bumangga siya sa dibdib ng lalaking matangkad. Hindi iyon si Kuya Arnold niya. At lalo ring hindi si Xavier. Matipuno ang pangangatawan ng lalaki at matigas ang dibdib nito. Obvious na palaging nasa gym.

"Ayyyyyyy!" napasigaw pa siya sa sobrang gulat. Ang alam niya sila lang ng mommy niya ang nasa bahay sa mga sandaling iyon.

Itinaas niya ang ulo niya para tingnan kung sino ang estranghero na nasa loob ng bahay nila. Hindi niya ito kilala and first time lang niya nakita ito. Medyo may edad na ito, sa tantiya niya ay mas matanda lang ng konti sa Mommy niya.

Gwapo ito at maputi. Brown ang hair nito na malinis ang pagkakagupit, na may mangilan-ngilang strands ng white hair. Maganda ang ilong nito lalo na ang mga mata. Ang labi nito ay mapula. Sa isang iglap ay na-scan agad ni Allexis ang exposed features ng lalaking kaharap.

May dalang dalawang glass na may red wine ang magkabilang kamay nito na buti na lang ay hindi tumapon kay Allexis ng bumangga siya sa dibdib nito.

Napansin niyang titig na titig ito sa kanya at ngayon nga ay nakangiti sa kanya.

Lumapit ang Mommy niya sa kanila. Parang saglit na naging hindi komportable ang Mommy niya sa situation nilang tatlo. Panaka-naka'y tumitingin ito sa kanya, tapos lilipat ang tingin sa lalaki.

"Ah, eh, Allexis, iha....this is Nick. He is an old friend of mine. Matagal ko na siyang kaibigan. You may call him Tito Nick. Nick, this is my daughter, Allexis. Sinamahan ako ni Tito Nick mo kasi nasira ang car ko somewhere sa Quezon City kanina kaya tinawagan ko siya at dinala namin sa talyer and hinatid na rin niya ako dito." Parang nanginginig ang boses ng Mommy niya habang nagsasalita.

First time din ito na may pinapuntang male friend ang Mommy niya sa bahay nila. Kahit nga mga female friends ay madalang itong mag-entertain dito sa house nila. Kaya takang-taka si Allexis. Kahit pa may sinasabi itong dahilan kung bakit may male visitor sa bahay nila ngayon.

"Hi, Allexis. I am pleased to finally meet you. Madalas kang ikwento sa akin ng Mommy mo...kayo ng brother mong si Arnold." Nakangiting sabi ni Nick sa kanya. Maganda pati boses nito.

As a sign of respect dahil friend ito ng Mommy niya ay tumingkayad siya at humalik sa pisngi nito. Ngumiti din siya. Pero deep inside ay nagtataka talaga siya. Parang there is something going on...

"Kamusta po kayo, Tito Nick. Mabuti naman po at available kayo when Mommy called you for assistance."sabi niya dito to break the awkward moment. Halata niyang parang ninenerbiyos ang Mommy niya.

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon