Araw ng Sunday at nagkayayaang mag-shopping after magsimba itong sina Allexis, Reema at Rafolls. Narito sila ngayon sa isang malaking mall sa Makati City.
Kumain muna sila then nag-unli-shopping sila. Bagong sweldo sila kaya naman walang humpay na shopping ang ginawa nila.
"Shop till we drop talaga, girls?" natatawang tanong ni Rafolls. Ang dami niya ring bitbit na mga pinamili.
"Minsan lang naman tayo mag-shopping eh. At saka last time na nag-shopping tayo, that was four months ago pa. 'Yung sinamahan natin itong si Lexie na bumili ng shoes na gagamitin niya sa wedding ng Mommy niya." Sabi ni Reema na ang kaliwa't kanang mga kamay ay marami ring bitbit na pinamili.
Sa pagkabanggit ni Reema sa Mommy niya ay hindi napigilan ni Allexis ang makaramdam ng lungkot. Nami-miss na niya ito at alam niyang galit pa rin ito sa kanya kasi hindi pa rin ito tumatawag sa kanya para mangamusta man lang. Pero saglit lang 'yun at back to reality na agad siya.
"Basta ako, happy ako kasi nabili ko na 'yung crush kong bag. Wala kasi dati 'yung color na gusto ko. Now I finally have it! May ka-match pang shoes!" masaya na ulit na sabi ni Allexis. Madami siyang pinamili at sa kalungkutan ng buhay niya ngayon ay ito na lang pagsa-shopping ang nagpapasaya sa kanya ngayon.
"Ay, ako din, at last, na-afford ko na din 'yung kelan lang ay sinisilip-silip ko lang na blouse. Mahal kasi eh. Pero pinag-ipunan ko talaga siya. Ilang oras na OT everyday. Ngayon, nasa mga kamay ko na siya." Masayang sabi ni Rafolls.
"Blouse talaga? Hindi shirt?" tanong ni Reema.
"Ay oo girl. Blouse talaga. Pero may matching pants naman. Isusuot ko 'yun sa birthday ng friend ko. Girl din 'yun na katulad ko. Pero mas maganda ako sa kanya." Sabi ni Rafolls at nagtawanan silang tatlo.
Nang biglang mapatingin si Reema sa may di kalayuan, sa bandang kanan nila.
"Girl, dito rin pala nagsa-shopping ang future sis-in-law mo. Ayun oh!" sabi ni Reema.
Napatingin sina Allexis at Rafolls sa tinitingnan ni Reema.
Si Abby nga. Naglalakad ito at may bitbit na mga pinamili. May akay-akay na cute na batang lalaki, na sa tantiya nila ay 5 years old. Hindi sila nito napapansin.
Luminga-linga si Allexis at tiningnan kung may mga iba pang kasama si Abby. Wala naman. Baka may mga kasamang kapatid at pamangkin. Naalala niya na noong kasal ng Mommy niya ay puro mga batang babae ang kasama nina Abby na umattend sa kasal. Wala siyang natatandaang may kasama silang batang lalaki.
"Siguro, hindi nakasama 'yang little boy noong kasal ng Mommy mo. Baka makulit 'yan o may sakit kaya. Mabait naman palang auntie ang hipag mong hilaw. Mabait sa mga pamangkin. Tingnan mo, mukhang ipinag-shopping pa niya tapos akay-akay pa niya at ipinapasyal. Mahirap 'yan ah. Nakakatuwa naman silang tingnan na magtiyahin. Nakikita na nating magiging mabuting ina 'yan sa mga magiging pamangkin mo." Sabi ni Rafolls na may kasamang paghanga.
Nakikita nga ngayon ni Allexis na pumasok pa sa Jollibee si Abby at ang batang lalaki. Umorder ito ng kakainin nila at ng kumakain na ang mga ito ay sinusubuan pa niya ang bata at nagtatawanan pa ang mga ito. Mukhang masayang-masaya ang bata. Kumi-kiss pa ito kay Abby.
"Nakakatuwa nga. Sana nga ganyan siya sa mga magiging anak nila ni kuya." Sabi ni Allexis na hindi inaalis ang tingin kina Abby.
Hindi pa rin sila napapansin ni Abby. Halos lumapit na nga sila sa labas ng Jollibbe. Pero dahil sa madaming taong kumakain sa Jollibee that time, hindi sila pansin sa labas ng glass walls. Lumilibot-libot pa ang cute na cute na mascot na si Jollibee sa bawa't table ng mga kumakain doon kaya ang attention nina Abby at nung bata ay na kay Jollibee. Kinuhanan pa ni Abby ng picture ang bata kasama ni Jollibee.
BINABASA MO ANG
NASAAN SI MARIA CLARA?
RomanceALLEXIS IS A MODERN WOMAN, MULA SA KASALUKUYANG MAKABAGONG PANAHON - YEAR 2018. SA ISANG HINDI INAASAHANG PANGYAYARI, SHE WAS ACCIDENTALLY SENT BACK IN TIME, SA ISANG MAKALUMANG PANAHON AT ISANG UMAGA AY NAGISING NA LAMANG SIYA NA NASA LATE 18TH CE...