KABANATA 42

173 10 0
                                    


Kasabay ng mga hiwagang nagaganap sa buhay ni Allexis ay hindi naman mapigilan ang damdamin ng mga binatang nagpupumilit na magkaroon ng lugar sa kanyang puso. Halos gabi-gabi ay may nanghaharana sa mansion at ang pinakamasugid sa lahat ay sina Narding at Menandro. Naging tila may isang malaking kumpetisyon na nagaganap at iyon ay naging usap-usapan sa buong baryo. Kahit may mga gabing maulan ay hindi sila mapigilan sa panghaharana. Kadalasan pa ay nagkakasabay ang dalawang grupo sa panghaharana kay Allexis kung kaya't napupuno ng mga kabinataan ang buong living room ng mansion.

Hindi lang sa panghaharana sila nagpapasiklaban. Maging sa paninilbihan kay Allexis ay gayun din sila. Araw-araw tuwing umaga ay may mga bisita sa mansion. Si Narding ay madalas makita ni Allexis sa likod ng bakuran na nagsisibak ng kahoy na gagamiting panggatong sa kusina. Pawisan ito pero keri niya lang kasi gusto niyang patunayan sa dalaga na lahat ay kaya niyang gawin at pagsisilbihan niya ito hanggang pagtanda nila. Pagkatapos nitong magsibak ng kahoy ay lilinisin naman nito ang buong bakuran ng mansion. Pagkatapos ay tutuloy na ito sa tubuhan kung saan ito ay nagtatrabaho kasama ni Macario.

Si Menandro naman na laging may kasamang mga alalay ay madalas makita ni Allexis sa tagiliran ng mansion at ang mga alalay nito naman ang nag-iigib ng tubig na gagamitin sa kusina at sa paliguan. Halos lahat ng pwede nilang lagyan ng tubig ay nilalagyan nila. Mula sa pinakamalaking banga ng tubig hanggang sa kaliit-liitang bakanteng paso ng halaman ay nilalagyan nila ng tubig. Nagdagdag na nga si Macario ng lalagyan ng tubig sa kusina at banyo dahil nakakalibre na siya sa pag-iigib na dati niyang ginagawa araw-araw.

Habang ang lahat ng mga alalay niya ay busy sa pag-iigib at pagtulong kay Elyang sa mga gawaing kusina, si Menandro naman ay pasipul-sipol lang na nakasandal sa ilalim ng puno ng sampalok. Boss na boss ang dating niya. Pautos-utos lang siya. Ng minsang minalas ay pinutakte siya ng mga naglalakihang hantik, yung mga malalaking langgam na pula. May malaking pugad pala ng mga hantik sa punong nasandalan niya! May ilang araw din siyang hindi nakapagpakita kina Allexis dahil namaga ang buong katawan niya dahil sa mga kagat ng hantik.

Ang buhay dito sa mansion sa piling nina Elyang at Macario, kasama ang mga anak nila, pati na ang friendship na nabuo sa pagitan nina Allexis at ng apat na dalagang sina Lida, Ponyang, Salud at Neneng, at maging ang kumpetisyong ito na namamagitan kina Narding at Menandro ay totoong nae-enjoy naman nang husto ni Allexis. Sa mga sandaling iyon, ang mga ito ang highlights ng paglalakbay ng kanyang kaluluwa dito sa 18th century.

Mami-miss ko ang mga ito kapag nagising na ako sa present time, sa 2018. Mami-miss ko silang lahat. Yun eh kung magigising pa ako. Pag ako ay namatay na, babaunin ko na lang sa kabilang buhay ang lahat ng mga alalalang ito. Naluluhang sabi ng isip ni Allexis, isang umaga habang siya ay naghihiwa ng tatlong malalaking sibuyas na gagamitin ni Elyang sa lulutuing mechado.

Abalang-abala ang lahat ng umagang iyon. As usual nandoon din sina Narding at Menandro kasama ang mga alalay nito. Magluluto ng espesyal na ulam si Elyang dahil birthday ng anak nitong si Magdalena. Inanyayahan nila ang mga dalagang sina Lida at pati na rin ang mga binatang naninilbihan ngayong araw at doon na rin nila pakakainin ng tanghalian.

Si Narding, habang nagsisibak ng kahoy ay pasulyap-sulyap sa malaking bintana ng kusina dahil alam niyang nandoon si Allexis at katulong ni Elyang sa paghahanda ng kanilang pananghalian.

Ganoon din Si Menandro na nakasandal naman sa puno ng santol na nakaharap sa bintana ng kusina. Pasipul-sipol ito at panay ang himas sa buhok niya na nanlalagkit sa pomada (na kung tawagin ngayon ay hair gel). Panay ang pa-cute kay Allexis.

Uso na rin pala ang pa-cute at feeling boss dito sa 18th century. Sabi ng puso ni Allexis. Muntik na siyang mapatawa sa naisip na iyon.

"Naku magandang binibining Allexis, kami na ang maghihiwa ng mga sibuyas na iyan. Baka mahiwa ka ng kutsilyo ay malilintikan kami kay Menandro. Kabilin-bilinan niyang huwag na huwag ka daw pahihirapan at makikitang nasasaktan. Maging ang pagdapo daw ng langaw sa iyo ay huwag daw. Siya laang daw ang dapat na makadampi sa iyong balat." Nagulat si Allexis ng magsalita sa likod niya si Badong, isa sa mga alalay ni Menandro.

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon