KABANATA 31

250 12 2
                                    

Binalikan ni Allexis ang bar na iyon sa Quezon City kung saan nila unang nakita si Abby na may kasamang ibang lalaki. Somehow, at the back of her mind, alam niyang kailangang may gawin siya. She has to do something right this time. Para sa kuya niya. Bahala na kung ano ang magiging consequences nito.

Mag-isa siyang pumunta doon ngayon dahil hindi pwede si Reema. Mag-isa siyang mangangalap ng ebidensiya. Kung magagawa niya ay huhulihin niya ng harapan si Abby.

Ang malaking pagkakamali niya ay hindi niya naidokumento ang mga kaganapan dito sa bar noong una nilang nakita si Abby na may kasamang iba at ang mga kaganapan doon sa bahay sa Novaliches. Nai-video man lang sana niya.

Sana ay may malakas siyang ebidensiya na maipapakita sa kuya niya.

Ngayong gabi nga ay nagbaka-sakali siya at baka makita niya ulit si Abby at 'yung lalaking kasama nito.

Naghihintay siya. Nakaupo siya sa isang sulok ng bar at umiinom ng iced tea. Ayaw niyang uminom ng margarita or beer kasi dapat hindi siya typsy or something. Dapat normal ang pakiramdam niya. May mga lumalapit na guys sa kanya at gusto siyang maka-table for the night. May mga nagpaparamdam, may nagpapa-cute at may lantarang nagsasabi sa kanya na gusto siya ng mga ito.

May mga bakla at girls pa na lumalapit sa kanya at may ipapakilala daw sa kanya ang mga ito. May mga gusto raw makipagkilala kay Allexis. Kasi nga ay nag-iisa siya sa table.

Hindi naman niya pinansin ang mga umaaligid-aligid na mga tao sa kanya. Politely ay sinabi niya sa mga ito na hinihintay niya ang boyfriend niya. Saka lang siya tinantanan ng mga iyon.

Matagal siyang naghintay. Nakailang baso na siya ng iced tea. Nakakaramdam na siya ng pagka-bore. Iniisip niya kung tama ba talaga itong gagawin niya. Nagdadalawang-isip na siya ngayon kung uuwi na lang o maghihintay pa. Parang gusto na lang niyang umuwi.

Tiningnan niya ang relo niya at 10pm na pala. Naisip niya na baka hindi na darating sina Abby ngayong gabi kasi nung makita nila ang mga ito that night ay 8pm pa lang noon. Ngayon nga ay 10pm na kaya hula niya ay hindi na darating ang mga iyon. Hindi rin naman siya sure kung dito nga sa bar na ito madalas mag-date si Abby at ang kasama nitong lalaki.

Binayaran na niya ang mga iced tea na nainom niya. Tumayo siya at palabas na sana ng bar ng makita niyang dumarating si Abby and as usual may kasamang lalaki. Umupo ulit siya at napa-order ulit ng iced tea.!

Hindi siya napapansin nina Abby kasi nasa sulok siya. Pero sina Abby ay kitang-kita niya. At kitang-kita din niya na ibang lalaki naman ang kasama ni Abby ngayon. Hindi iyon ang lalaking kasama nito sa bar at Novaliches nung gabing nandito sila ni Reema.

Kakaupo pa lang ni Abby at ng kasama niyang lalaki ay naghahalikan na agad sa madilim na sulok ang mga ito. Wala silang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila. Para itong mga sabik na sabik sa isa't isa.

Balak niya sanang lapitan ang mga ito para magpakita siya kay Abby at para hindi nito maitanggi na chismis lang at imbento ang mga ito pag sinabi niya sa kuya niya. Pero nagdalawang-isip siya. Naisip niya na mas mabuti siguro kung ang kuya niya mismo ang makakakita nito at tiyak wala ng excuse pa si Abby.

At iyon nga ang ginawa ni Allexis. Tinawagan niya ang kuya niya at nagkunwari siyang lasing. Nagdrama siya na nahihilo na siya at hindi na niya kayang mag-drive kaya nagpapasundo siya dito.

"Aba, bakit hindi si Xavier ang tawagan mo?" nagrereklamong tanong nito sa kanya.

"Tinawagan ko na pero kasama niya ang Mommy niya. Nasa malayo sila. Malayung-malayo..." nagsinungaling siya at todo acting na lasing na lasing. Gusto niya na si Arnold mismo ang sumundo sa kanya.

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon