KABANATA 21

278 10 0
                                    


Nakatayo si Allexis sa balkonahe at tinatanaw ang ang mga kalapit na establishments at mga bahay na may mga balkonahe din. Kitang-kita dito sa balkonaheng kinatatayuan niya ang kahabaan ng coastline ng Ligurian Sea. Ang residential area na ito ay nakaluklok sa bulubunduking parte, nakaharap sa dagat.

Kakarating lang nila ni Grammy sa Italy, dito sa Portofino, isa sa mga pinakamagandang town dito sa Liguria, Italy. Ibinaba lang ni Allexis ang kanyang mga dala at tinungo niya agad ang balkonahe para langhapin ang hangin ng Liguria at pagmasdan ang kagandahan ng lugar na iyon.

Isinama si Allexis ni Grammy dito sa Italy para magbakasyon ng isang linggo at unang araw nila ngayon dito. Dito sa lugar na ito lumaki si Grammy. Ito ang bahay ng mga magulang ni Grammy at kalaunan, ng mamatay na ang mga ito ay ipinamana kay Grammy. Isa itong mansion na nasa hills along the coastline ng Italian Riviera.

Napakaganda ng mansion na ito at lalong napakaganda ng lugar kung saan ito nakatayo. Isa itong residential hills dahil bawa't parte nito ay may mga establishments at bahay na bawa't isa ay may kanya-kanyang balkonahe, sa ibaba at sa itaas.

Ang mansion ni Grammy ay nag-iisa sa tuktok pero sa balkonaheng kinatatayuan ni Allexis ngayon ay matatanaw ang ibang mga kabahayan sa ibaba na tunay namang naggagandahan at nakaka-attract ng attensiyon. May mga bahay pa sa di kalayuan na napakatingkad ang kulay. Iba-iba ang kulay ng mga bahay doon. Masyadong colorful. Abot tanaw din ang mga bundok na malapit sa Liguria, Italy.

Malapit itong Portofino sa Cinque Terre kung saan nandoon ang limang makukulay na fishing villages ng Liguria. Kitang-kita ang mga lugar na iyon sa balkonahe ng mansion ni Grammy.

Wow...sa mga movies and pictures ko lang ito nakikita dati. Mas maganda pala ito sa personal...humahangang sabi ng puso ni Allexis.

Late afternoon na noon kaya ang araw ay papalubog na. Napakagandang tanawin ang papalubog na araw sa balkonahe ng mansion ni Grammy. Manghang-mangha si Allexis sa view. Talaga namang breathtaking.

Sinalubong sila kanina ng mag-asawang katiwala ng mansion na sina Paolo at Giuliana. Si Paolo ay apo ng mag-asawang orihinal na katiwala ng mansion. Sa tantiya ni Allexis ay halos kasing-edad lang ng Mommy niya itong asawa ni Paolo. May mga edad na ang mga ito pero hindi pa gaanong katandaan. May isang anak silang babae na matanda lang ng konti kay Allexis. Si Nicoletta. Tulad niya, dalaga rin ito. Mukha itong mabait at masayahin kung kaya magaan agad ang loob ni Allexis dito.

Ang mag-asawang Paolo at Giuliana ay konting English lang ang alam at naiintindihan. Ang anak nilang si Nicoletta ay marunong mag-English at nakakaintindi ng English. Nakapag-aral naman kasi ito ng kolehiyo kaya marunong siyang makipag-usap ng English sa mga turistang naliligaw sa lugar na iyon. Nagtatrabaho ito sa isang local travel agency doon sa Genoa, malapit sa Portofino, at the same time ay tumutulong ito sa mga magulang na alagaan at panatilihing malinis at maayos ang mansion ni Grammy.

Si Grammy, syempre, lumaki siya dito sa Italy, ay fluent sa Italian language at naroon ito ngayon sa kusina kasama ang mag-asawang katiwala. Nag-uusap sila at nagkakamustahan. Paminsan-minsan ay nagtatawanan. Sinasabi ni Grammy kung ano ang mga gusto niyang kainin nila ni Allexis ngayong dinner. Mga special Italian foods. Magaling magluto itong si Giuliana kahit noon pa mang dalaga pa lang ito, bagay na nagustuhan ni Grammy dito, bukod pa sa masunurin silang mag-asawa, maayos at malinis din sila.

"How do you like the place, Alessandra?" biglang sumulpot sa likuran ni Allexis si Nicoletta. Nagulat pa siya dito.

"Oh, my name is Alexandra, not Alessandra." Itinama niya ang pangalan niya.

"I know, but in Italy, your name is same as Alessandra. No one will call you Alexandra here." Lumapit ito kay Allexis.

"Oh, is that so? Then you just call me Allexis. That's my nickname." Lumanghap pang muli ng hangin si Allexis.

NASAAN SI MARIA CLARA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon