RTL-1

1.4K 31 1
                                    

"Ma'am Julie, pinapatawag po kayo ni Ma'am Arise sa opisna niya." tumango ako at umayos ng upo. Bakit kaya ako pinapatawag ni Ate?

Inayos ko muna ang aking lamesa bago tumungo sa opisina ni Ate Arise . Pag katapos ay dumiretso na ako sa floor niya at ngumiti muna ako sa sekretarya niya bago kumatok ng dalawang beses sa pinto ng opisina niya. Pag bukas ko ay nakita ko agad na nakatutok siya sa kanyang Monitor. Tumikhim muna ako at doon ko naagaw ang kanyang atensyon.


Pumasok na ako at naupo sa sofa at niyakap ko ang throw pillow niya.

"Bakit ako pinapatawag ng aking future sister ?" natawa siya bago umiling at  lumipat sa pwesto ko. Ikakasal na kasi sila ni Kuya Vince next year .


"May hihingiin lang akong pabor sayo Juls.."napaayos ako ng upo sa aking narinig mula kaya ate.


"Gusto ko sanang maka one on one interview mo 'to " sabi niya at may itinulak na folder.

"Ate, di ko na trabaho yan.. Iba na ang field na kinuha ko.." sabi ko.


"Julie, ayokong gawin 'to pero papipiliin kita.. Yung slot mo para sa Paris na mawawala o iinterview-hin mo yan?" what? So ginagamit na ni Ate Arise yung pangarap ko na mapunta sa Paris para sa pangarap ko?

"Ate.."

"Baby, kaylangan ko ng interview na yun.. Maraming company ang nag aagawan para sa isang interview . Pati yung mahigpit na kalaban ko.. Sige na.. Kung magagawang mong ma interview itong taong to .. Safe na ang slot mo para sa paris next year.."

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo sa opisina ni Ate Arise . Lumingon ako sa kanya at lumungkot ang kanyang muka. "Pag iisipan ko.." natatarantang tumayo si ate at agad akong niyakap ng mahigpit.

"Talaga? Ohmy.. Thank you baby.." yakap niya ng mahigpit sa akin at hinalikan ng paulit ulit ang pisngi ko.

"Haaaaay, natatakot na ako ngayon palang.." huminga muna ako ng malalim bago naupo sa bangko at hinubad ang sapatos ko. Since patay na sila Mommy at Daddy dito na ako tumira sa condo unit na binili namin ng bestfriend ko. Ayoko na kasing malungkot kada maiisip ko sila Mommy tuwing nasa bahay ako.

"Napa subo kaba ng wala sa oras?" tumango ako tapos ay hinilot ko ng bahagya ang sintido ko. "Ang hirap ng gagawin mo Juls . Bukod sa wala talagang nakakakuha ng exclusive interview sa kanya ay napaka tago ng mga accounts niya. And sobrang ilap pa." sabi ni Klare .

"Anong gagawin ko eh nakasalalay yung slot ko para sa Paris . Alam mo naman na pangarap ko na makapunta dun."

"Bakit? Akala ko ba okay na yun?"kunot noong tanong niya . Kaya napa buntong hininga nalang ako.

"Sabi kasi ni Ate Arise na kung di ko makukuha yung interview na yun. Goodbye Paris na din ako. Bebs anong gagawin ko.."

Ang hirap nga ng sitwasyon mo bebs .. Daming nakataya.. Yung Time Mag. Tapos yung carrier mo sa paris byebye . Isa lang masasabi ko sayo Goodluck.." sabi niya at umalis sa tabi ko.

Hate my life..

----

Kinabukasan ay pumunta ako sa Company ni Kuya , since sa kanya pinamana ni Daddy ang kompanya . Mabuti nalang at di ako pinilit ni Daddy na kumuha ng business.

Papasok palang ako sa opisina ay may narinig akong nag uusap. Di ko ugaling makinig sa usapan ng may usapan pero I got curious kasi.

"Vin, kaylangan ko na ng interview na yun. And Julie is the best choice.. "

"Okay Honey, kumalma ka.. Kakausapin ko si Julie para pumayag na okay?"

Binuksan ko na ang pinto kaya ganoon nalang ang gulat nila sa akin. Nanlaki ang mata ni kuya habang si ate ay napayuko nalang at bahagyang sumisinghot.

"Baby.." itinaas ko ang aking kamay upang mahinto siya sa pag sasalita.

"You knew?" akusa ko kay kuya na yumuko lamang "Ayokong magalit kasi mahal ko kayong dalawa. Pero.."

"Baby, listen to me first.." inipit ni Kuya Vin ang aking buhok sa aking tenga bago tumitig sa akin at ngumiti. "Kaylangan lang ni Ate mo ng interview na yun.. Kasi nung nabubuhay pa sila Tito at Tita gusto na nilang makakuha ng interview para sa pamilyang yun. And since aabot na ang Company nila Ate mo ng silver ay kaylangan niya na yun.. Ikaw nalang ang pag asa ni Ate Arise mo." napatingin ako sa mata ni kuya na medyo basa basa na. Habang si Ate ay nakayuko lamang .

Lumapit na ako kay Ate at yumakap na sa kanya. Doon lamang umiyak si Ate Arise at niyakap ako mahigpit habang patuloy na umiiyak sa aking braso.

"Okay payag na ako.."sabi ko at yumakap din kay ate pabalik "Para sa future Ate ko.."

"Oh.. My cry babies.." natawa kami ni ate ng yakapin kami ni Kuya. "Halika na mag lunch na tayo ng sabay sabay..."

"Thank you Juls.." ngiti ni Ate sa akin, habang hawak niya ang aking kamay na nakapatong sa lamesa. Katatapos lamang naming kumain ng lunch.

"Tsaka kana mag Thank you ate pag nagawa ko na.." natawa sila ni kuya sa sinabi ko kaya ngumuso nalang ako.

"Still thank you.. I know naman na magagawa mo yun.."

"For you ate lahat " ngiti ko pa sa kanya.

---

"Bebs, kinakabahan ako bukas na ako pupunta para sa interview ko sa kanya. Sana lang pumayag na siya para matapos na 'to at makuha ko na ang slot ko para sa paris."

"Kaya mo yan.. Kung sakaling di pumayag .. Konting landi mo lang papayag na yun." binato ko siya ng chip sa kalokohan niya nag momovie night kaming dalawa and napag tripan namin na nakakatakot since malapit na ang november.

"Shit bebs ayan na si Diana. Shit nakakatakot na tuloy mag patay ng ilaw .. Feeling ko susulpot nalang siya dyan ." Napailing nalang ako , di ko na maintindihan yung pinapanood naming lights out dahil sa kaba ko para bukas.

Sana nasa good mood siya or mag bago ang takbo ng utak niya at mag pa interview na sa akin.

Kaya mo yan Julie .. Kaya mo yan..

Report to LoveWhere stories live. Discover now