RTL-8

693 21 2
                                    


Nakarating na ako sa lugar na itinext sa akin ni Elmo. Pero nakapag taka na walang tao sa loob ng restaurant at tanging waiters at Branch manager ang kanina pa ikot ikot. Andito na ako sa reserved seat namin ni Elmo at wala pa siya.

Binigyan ako ng tubig waitress at ngumiti pa sa akin mag tatanong na sana ako ng nag mamadaling umalis. Nilaro ko nalang si Elmo na 5 mins nang late sa usapan namin.

Napaangat ang ulo ko ng may mag lapag ng bugkos ng red flowers sa lamesa. Napaangat ang ulo ko at di ko alam kung matatawa o seseryoso sa muka ni Elmo.

"Elmo.." sabi ko halata sa muka niya ang kaba habang naupo sa harap ko."Ayos ka lang ba?" tanong ko at hinawakan ang kamay niya sa ibabaw ng lamesa. Naramdaman ko ang paninigas ng kanyang katawan ng hawakan ko ang kamay niya.

"Yeah.. Naninibago lang ako tsaka kinakabahan.." Natawa ako sa sinabi niya , siya kinakabahan? Wow!

Natapos kaming kumain pero wala paring tao kaming dalawa lamang ni Elmo at ang lalaking na nag bibigay ingay sa pamamagitan ng pag tugtog ng piano.

"Let's dance.." napatingin ako kay Elmo na hinihingi ang kamay ko. Agad ko namang inabot ang kamay ko,tumugtog ang A thousand years ng mag sayaw na kami.

Nakatingin lamang siya sa akin at ganoon din ako kahit na binabayo na ng kaba ang puso ko habang mag katitigan kami.

"You're beautiful Julie.. Your eyes , nose , cheeks and lips .. Everything of you.. So perfect.." bigla akong inatake ng pag ka ilang. Nakahawak ako sa batok niya at nakahawak siya sa bewang ko. Inangat niya ang muka ko ng iyuko ko ito . "Don't be shy.." ngumiti at ngumiti din siya sa akin. "Your so cute when you blush.. Lagi na nga kitang pakikiligin para lagi kang namumula ." lalong uminit ang pisngi ko kaya hinampas ko ang dibdib niya.

"Ewan ko sayo.." natawa ng bahagya si Elmo at ngumiti sa akin.

"I have something for you.. Hope you like it Julie.." binitawan niya ang bewang ko kaya dahang dahang kong kinalas ang kamay kong nakalagay sa batok niya.

May nilabas siya sa bulsa niyang kwintas napatingin ako sa kanya tapos sa kwintas . Nag angat siya ng tingin sa akin at ngumiti.

"I know nabibilasan ka. Pero Julie nung nakita kita na kausap mo yung secretary ko nung lumabas ako ng opisina ko. Nakuha mo na agad yung atensyo ko , sinubukan kong sungitan ka pero tangina di ako nag tagumpay. Halos di ako makapag isip ng maayos pag nasa opisina ako at naka upo ka sa table mo . Di ko alam Julie basta ko nalang naramdaman 'to.. Sana hayaan mo 'tong nararamdaman ko kasi pakiramdam ko mababaliw na ako." nakatunganga lamang ako sa mga pinag sasabi niya.

Di ko alam kung anong sasabihin ko. Di ko talaga alam. Isinuot niya na ang kwintas sa akin at talaga namang napaka ganda nito.

"Saan ka ? Ihahatid na kita." doon niya napukaw ang atensyon ko oo nga pala at di niya pa alam kung saan ako nakatira.

"Makati.." tumango siya at tumingin lamang sa kalsada. Siguro maganda yung ganto paunti unti lang yung pag sabi ko tungkol sa trabaho ko.

"Ang lamig ng kamay mo kinakabahan kaba?" pinisil niya ang kamay ko habang nakapatong ito sa hita ko. Ngumiti lang ako at umiling. "Please Julie.. Talk kasi kinakabahan ako sa pagiging tahimik mo." bakas ang takot sa muka niya.


"Wala 'to nagulat lang ako kasi .. Nag kagusto ka sa akin agad. Diba sabi ng karamihan kung mabilis kang mag kagusto sa isang tao , ganoon din kabilis 'tong mawawala." sabi ko habang nakatingin sa kanya , habang siya ay panaka naka ang pag sulyap sa akin.


"Sabi lang nila yun Julie. At itong nararamdam ko paniguradong pang matagalan 'to." sabi niya habang nakatitig sa mata ko. "San dito?"

"Shang.." napatingin siya sa akin. "Kasama ko yung bestfriend ko sabay naming binili nag ipon kami." dugtong ko agad baka kung anong isip. Pero totoo yun, nag ipon kami ni Klare para makabili ng unit para habang buhay mag ka dikit kami.

"Huh.? Napatingin lang ako kasi sila Ate dito kumuha ng Unit.. So may dahilan na ako para laging mapalapit sayo kahit na di kana nag work sa company ko." di nalang ako umimik at ngumiti nalang sa kanya.





---


Pag pakarating namin ay bumaba na ako sa tapat condo building. Di na naman siya nag pumilit na ihatid at bagkus ay ngumiti nalang siya sa akin.

Pasakay na ako ng elevator ng biglang mag ring ang phone ko. Nakita kong si Ate Alice ang caller ko kaya sinagot ko ito.


"Baby, nasaan kana? Andito na kami ng kuya mo sa 777 at inaantay ka namin." akong lumabas at tumawag ng taxi.

"I'm sorry ate.. On the way na ako." binaba ko na ang tawag at nag pahatid sa high-end bar na sinabi ni ate.

Pag pasok ko palang ay marami nang artista akong nakita pero di ko ito inintindi bagkus ay hinanap ko ang table nila Ate.


Nakita ko agad si Ate kasama si kuya na umiinom habang si ate ay kumakain lang ng finger food.

"Sorry late ako.." ngumiti lang si ate sa akin at tinapik ang tabi niyang upuan.


"Nice necklace .. Ang ganda niya.." halata ang pag kinang sa mata ni ate ng makita ang kwintas ko. "Sinong nag bigay? Oh wait binili mo? O binigay ni Klare? Ang sweet talaga ng batang yun.." natatawang sabi ni ate . Wait bakit parang tumataba si ate?

"Hun, isa isang tanong lang naman kay Ju-"

"Tinatanong kita?" nanlaki ang mata ko ng sumimangot si Ate kay Kuya. Humarap siya sa akin at agad na nawala ang simangot niya at ngumiti. Hinawakan niya ang pisngi ko at kinurot ito.



"Cute mo baby.. Pwede bang doon kayo ni Klare matulog sa condo bukas? Please?" anong nangyayari kay ate?



"Ate, busy kasi si Klare tapos marami akong tatapusin sa table ko na natambak ng 2 weeks. Baka di ako doon makatulog.."
Biglang lumungkot ang mata ni Ate at siminghot pa .



"Ayaw mo na sa akin?" sabi niya at may luhang pumatak pa. "Wag mo akong yakapin ang baho mo." sigaw niya kay Kuya na sinusubukang yakapin siya.



"Okay ate.. Sasabihin ko kay Klare.. Wag kanang umiyak.." agad na nag bago ang mood niya at niyakap ako ng mahigpit.



"Mag CR lang ako.."


Palabas na ako ng banyo ng may makita akong babaeng pamilyar na parang nakita ko na siya dati.


"Julie, we meet again.." masayang sabi nito sa akin."Ang bilis mo namang makalimot. Kim remember?" doon ko na siya nakilala.



"Sorry.."




"Its okay. Kamusta kana? Ang ganda mo parin." ngumiti ako at nag init ang pisngi ko.




"Salamat. Ikaw din." ngumiti ito at inayos ang buhok niya.



"Gusto ko pang makipag usap sayo kaso .. May nag aantay sa akin. Pero pwede kaba next monday lets have a lunch date.. Ito ang number ko oh." sabi niya at kumuha ng tissue sa bag niya at isinulat ang numero niya. Tinggap ko ito at ngumiti. Hiningi niya din ang number ko at agad ko itong binigay.



"Text nalang kita.. See you soon .." ngumiti ako at bumalik sa table namin nila Kuya .


Napailing nalang ako ng makitang sinusuyo padin ni kuya si ate. Naupo nalang ako at uminom sa wine na inorder ko.


"Wag mo nga sabi akong kausapin at nababahuan ako sayo." napailing nalang siya ng biglang mag ring ang phone niya at si Elmo ito.


Sinagot niya ang tawag at tahimik lamang ito sa kabilang linya.




"Hello.?"



"I love you Julie.. " sabi niya at huminga pa ngalalim. " Good night. " sabi niya di na ako nakasagot ng patayin niya na ang tawag.







"I love you too Elmo.."

Report to LoveWhere stories live. Discover now