RTL-25

725 30 3
                                    

Kim:

I need you.

Napatingin ako ng bumukas ang CR at nilabas nito si Elmo na naka pajama at topless habang nag pupunas ng buhok. Napababa ang tingin niya sa kamay ko kaya binaba ko 'yun sa side table.

"Excuse me.." Sabi ko at dali daling pumasok sa CR. Sumandal ako sa pader doon at kinalma ko ang sarili at utak ko na sunod sunod ang pasok ng mga what ifs.

Matagal akong namalagi sa banyo bago tuluyang lumabas. Nagulat ako ng andun si Elmo sa kama at nakayuko ito habang nakaupo sa edge ng kama.

Tumikhim ako at tumingin ako at doon ko lang napukaw ang atensyon niya. Agad siyang tumayo at lumapit sa akin at agad na sinara ang distansya sa pagitan namin.

"Please Don't break up with me." May kung anong sumuntok sa puso ko ng sabihin niya iyon. Humigpit din ang kanyang yakap sa akin. "I'm  sorry .. Please wag mo na ulit akong iwan Julie! I can't take it this time.. Baka mabaliw na ako ng tuluyan." Naramdaman ko ang pamamasa ng balikat ko. Umiiyak siya? F*ck.. Umiiyak nga siya dahil suminghot pa siya.

"Hey, ano bang pinag sasabi mo.. Di ako makikipag hiwalay sayo.." Sabi ko at sinuklian na ang kanyang pag yakap sa akin. Wala lahat ng alinlangan ng puso at utak ko ngayon.

"This is so gay.. But i don't care.." Napangiti nalang ako ng marinig ko pa ang pagsinghot niya .

Humiwalay na siya sa akin at naupo siya ulit sa kaninang inuupuan niya. Hinila niya ako at nag landing ako sa hita niya, agad siyang yumakap sa aking bewang at sinubsob ang muka sa aking leeg.

"She's sick.. Leukemia .." Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya sa akin. Kahit di niya sabihin alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

"And she need me.." Kinakabahan ako sa bawat linyang lumalabas sa bibig niya."I know na konti nalang ang itatagal niya. Sabi sa akin ng doctor niya na pasiyahin nalang siya hanggang sa huli nitong hininga " napayakap ako ng mahigpit sa kanya , parang ayokong marinig ang susunod niya sasabihin.

"I-Iiwan .. m-mo.. k-ko.." Pinilit kong tanungin iyon ng hindi na nginginig ang boses ko pero di ako nag tagumpay kasi nabasag ang boses ko.

"Fuck?!.. No.. Di kita iiwan.. Sinasabi ko lang 'to para mag paalam sayo kung papayagan mo ba ako o hindi.. Nasayo ang desisyon ko." Sabi niya pa at niyakap ako ng mahigpit at hinalikan ang aking pisngi.

Napahinga ano ng malalim ng malinawan ako at maialis ang takot ko kanina lang. Itong desisyon ko ay alam kong may konting kirot sa puso ko. Pero ayoko naman ipagkait ang konting saya kay kim na naritira sa kanya. Kahit na masama ang ugali niya at kahit na siya ang dahilan ng pag kakalabuan namin ni Elmo.

"Okay lang sa akin.. Basta akin ka lang.." Agad akong niyakap ni Elmo at hinalikan ng paulit ulit ang pisngi ko.

"Oo naman iyong iyo ako.." Napunta ang halik niya sa labi ko hanggang sa lumalim na ng lumalim ang pag halik niya sa akin.

Tinugon ko ang bawat malalalim na pag halik niya sa akin. May maliit na boses na pumipigil sa akin pero nilalamon lang ito ng pag kagusto ko sa bawat halik ni Elmo.

Bumababa ang halik niya sa leeg ko, ipinaling ko sa kaliwa ang aking tingin ng halikan niya ang kanan kong tenga pababa. "Elmo~" napakagat ako ng ibaba kong labi dahil halos di ko na kilala ang tono ng boses ko.

"Stop me.." Sabi niya habang patuloy sa pag halik sa leeg ko pababa sa balikat ko. "Stop me baby.." Napapikit lang ako dahil sa sensyasyon na ibinibigay ng kanyang maliliit na halik sa akin.

"Elmo~"

"St--"

"Mommyyyyyyy Julieeeeeeee" nagising ako sa ulirat ko ng marinig ko ang malakas na pag katok ni Kimmy sa pinto at ang pag pihit ng pinto mabuti ang naka lock sa loob kaya di na mabuksan.

Tinulak ko si Elmo kaya muntikan na siyang malaglag kaya nagulat nanaman ako. Natataranta na ang sistema ko. Dahil sunod sunod ang katok ni Kimmy sa pinto.

"Fuck.. I need a cold shower.." Sabi ni Elmo at agad siyang tumayo , humalik siya sa pisngi ko bago pumasok sa CR.

Kung hindi kumatok si Kimmy nasira ko na ang pangako ko sa sarili ko. Fuck.. Halos ako pa ang nag aalay ng sarili ko kay Elmo. He want me to stop him pero di ko ginawa bagkus binibigyan ko pa siya ng access para mahalikan pa ako.

"Mommyyyyyy" tumayo na ako at binuksan ang pinto ng kwarto ni Elmo agad namang pumasok si kimmy at nag tata-talon sa kama ni Elmo.

"Bakit antagal mong buksan mommy? Dito ka ba matutulog tonight?" Masayang tanong niya. Ngumiti ako at kunwaring nag iisip kaya lumungkot ang muka niya.

"Okay.." Ngumiti siya at yumakap sa akin. Hinalikan niya pa ang pisngi ko. Natigil siya at inangat ang buhok ko kaya nag taka ako.

"Mommy may sugat ka sa neck.. Dapat i kiss yan ni Daddy para gumaling.." Agad na nag init ang muka ko. Gustong lumabas ng salitang "eh galing nga yan sa halik ng magaling mong tito."

"Mommy labas na tayo nag handa si Lola ng popcorn kasi its movie night.." Ngumiti ito ng napaka tamis kaya hinalikan niya nalang ang pisngi nito.

"Kindly ask tita Haley if she have turtle neck sweater!" Tumungo siya sa akin at agad na tumakbo palabas .

Lumabas na si Elmo kaya nag init ang pisngi ko pababa sa leeg na aalala ko nanaman ang nangyari sa amin kanina. Wala namab talagang nangyari muntikan langvpala.

"Bakit namumula ka?" Natatawang tanong niya kaya binato ko siya ng unan kaya lalo siyang tumawa. "Kokontrolin ko na promise.. "

"Andami mong iniwang kiss mark Elmo.." Inis kong sabi at hinampas ko ang balikat niya.

"Sorry na.. Kailangang lagyan ng marka para alam ng iba na may nag mamay ari na sayo."

"Ewan ko sayo.."

"Mommy here oh.." Tinulak ko si Elmo at agad kong niyakap si Kimmy at hinalikan ko pa ang pisngi niya.

"Thank you baby.. wait mommy okay?" Tumango ito at naupo katabi ng mabait niya tito.

Inayos ko ang pag kakatakip sa leeg ko. Nakakahiya kung makikita nila iyon. Lumabas na ako ng CR at nadatnan ko ang pag haharutan nilang mag tito.

Nakakatuwang isip na bagay na maging Daddy si Elmo dahil sa pagiging sweet at malambing nito kay Kimmy. Napangiti ako ng maisip ko bigla ang pag kakaroon namin ng anak. Handa na siya pero hindi pa ako.

"I love you Mommy/ Baby.." Ngumiti ako sa kanila at lumapit sila sa gawi ko at niyakap ako ng mahigpit.

"I love you both." Hinalikan ko ang noo ni Kimmy at hinalikan naman ako ni Elmo sa labi.

Perfect..

Report to LoveWhere stories live. Discover now