RTL-3

874 27 7
                                    

Maaga akong gumising since kaylangan pa akong ilibot ni Kate . At ituturo niya pa sa aking lahat ng mga kaylangan at di kaylangan gawin.

Pag baba ko palang ng sinasakyan kong taxi humampas na ang kaba sa aking dibdib. Inalog alog ko ang dalawa kong kamay para maibsan ang kaba ko.

Pag pasok ko ay agad akong nginitian ng guardya pati narin ng mga tao sa receiving area. Pinindot ko agad ang 40th floor, pag bukas nito ay agad kong nakita si Kate na may bitbit na folder. Sinalubong niya agad ako sa elevator halata na kanina pa siya aligaga.

"First, kaylangan muna nating puntahan ang finance.. " tumango agad ako .

"Let me help you .." sabi ko at binawasan ang ibang folders na bitbit niya.

"Salamat.. Kaylangan na kasi ito ng Daddy ni Sir kaya natataranta ako sorry. Kukunin ko din ang iba sa finance. Tatapusin ko na 'to ngayon para di kamasyadong mahirapan." tumango ako at ngumiti.

Matapos ang ilang oras na pag tour sa akin sa buong building ay bumalik na kami sa floor . Sumakit ang paa ko dun mabuti nalang makakaupo na ako.

"Next step.. You need to be careful sa pag tanggap ng appointments ni Sir. If someone call and sinabi na for interview or what .. I-consult mo muna sa kanya. Tapos yung mga meetings ni Sir wag mo ding kakalimutan. Lagi mo i-check ang schedule ng meeting kasi minsan ulayanin kahit na sinabi mo na nakakalimutan padin. Kuha mo?" tumango ako at nag take down notes ng mga sinabi ni Kate.

"That's all for today.. And Julie, mga two weeks ka lang naman dito kasi yung talagang papalit sa akin nag kasakit. Pero don't worry bayad ang two weeks mong pag tatrabaho." tumango ako at ngumiti inayos ko na ang sarili ko. "And by the way bukas na ang start mo.. Good luck see you tom." ngumiti ako at kumaway sa kanya ng makapasok na ako sa elevator.

"Bebs , kamusta ang first day?" tanong ni Klare ng makaupo na ako sa sofa bed namin sa sala.

"Ayun .. Itinuro ang mga departments tapos yung pag aayos ng schedule ng boss ko." huminga ako ng malalim at niyakap ang throw pillow.

"Good luck bukas bebs.."

-----

"What.?" sigaw ko kay Kate ng sabihin niyang di talaga yung babaeng iyon ang papalit sa kanya.

"Eh kasi naman Sir nag mamadali kayo . Tapos no choice na po ako. "

"Siguraduhin mo lang na maayos mag trabaho . Kundi tatangalan kita ng leeg.." sabi ko at napahilot ng sentido ko.

Lumabas na si Kate bigla naman nag ring ang phone ko gusto kong ibato ang cellphone ko ng makita kong si Clyde ang tumatawag.

Tinanghali ako ng gising dahil sa lalaki yun nilasing ako. Tapos pinagalitan pa ako ni Daddy kasi wala pa ako sa opisina anong oras na.

"Moron .. What .?" singhal ko ng sagutin ko ang tawag.

"Wala manlang hello? Haha.. Chill init agad ng ulo? Pupunta ako dyan may ipinabibigay si Daddy kay Tito Rico. Since family day niyo mamaya.." fck it .. Nakalimutan ko patay nanaman ako nito.

"Oo na.." pinatayan ko na siya at agad kong pinindot ang 2 sa aking phone para tawagan ang aking bodyguard.

"Kuya Mics , gift for 5years old girl."

"Copy Sir."

Dumating na si Clyde at inabot ang folder na ibibigay ko kay Daddy. Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang ground . Agad kong nakita si kuya Mics . Tumango ako at agad na pumwesto sa driver seat.

"Saan tayo Sir?"

"Kila Daddy.." tumango nalang siya pinaandar na ang kotse.

---

"Good morning Kate.." tumango na siya at kinuha ang bag niya bago ngumiti sa akin.

"Aalis na ako. Good luck." tumango ako at ngumiti.

Naupo na ako at agad inayos ang schedule ni Sir Magalona. Nilista ko lahat ng tumatawag na gustong makakuha ng interview.

Nang tumunog ang elevator agad na napaangat ang ulo ko . Tumingin siya sa akin kaya ngumiti ako .

"Good Mor--"

"Coffee now.." sabi niya at nilagpasan ako at pumasok sa opisina niya. Antipatikong lalaki yun. Bwiset.

Agad na akong nag timpla ng kape kahit na wala akong idea kung paano mag timpla. Kaasar naman si Kate di manlang sa akin 'to itinuro.

Bahala na..

Kumatok ako ng dalawang beses bago nag pasyang pumasok. Naabutan ko siyang tututok sa kanyang monitor habang ang hintuturo niya ay nakalagay sa kanyang ilong at ang tatlong daliri niya ay nakaharang na sa bibig niya.

"Quit staring at me.. Ilapag mo na ang kape dyan." kung di ko lang boss 'to at di ko kaylangan ng slot sa paris baka nasupalpal ko na 'to.

"Sir.."

"Uhm?"

"Lunch meeting po with the boards tapos po meeting po ng 3pm with the investor sir.. Tapos po Inter--"

"Aatend ako sa dalawa .. Cancel mo lahat ng interview for today.." tumango nalang ako at pasimpleng umirap.

Paano ko makukuha ang loob ng lalaki 'to eh napaka suplado. Tapos ayaw niya talagang mag pa interview.

Habang nag sketch ako ng kung ano ano ay biglang bumukas ang pinto at simangot na muka ang sumalubong sa akin.

"Papatayin mo ba ako sa diabetis?"

"Sorry po di po kasi tinuro ni Kate paano ang timpla niyo. Sorry po talaga."

"Damn it.." pumasok ulit siya kaya napa upo nalang ako sa swivel chair ko at napahinga ng malalim.

"Aah , miss andyan ba si Elmo?"

"Yes Sir.. Ano pong kanyalang niyo? Wait po itata--" di ko na siya nahabol ng agad siyang pumasok sa loob ng opisina ni Sir. Patay nanaman ako nito.

Pauwi na ako at nag aantay ng Taxi ng may pumara sa harap ko Audi masyadong tinted kaya di ko makita ang nasa loob. Lumayo nalang ako baka kasi may bababa.

Bumusina ito at lumabas si Sir Elmo . Luminga linga ako kung sa akin ba siya nakatingin.

"Ikaw nga . Gabi na wala ka paring masakyan?" ngumiti lang ako at tumango. Ayan nanaman siya natulala tapos magiging masungit ang aura.

"Opo Sir.."

"Sumakay ka na.." holy shit di pwede malalaman niya kung saan ako nakatira take note Shangrila sa Makati ako nakatira sa condo unit naming mag kaibigan.

"Wag na sir.. Makakaabala pa ako.. Tsaka ayan na may taxi.. " agad kong pinara at kumaway nalang sa kanya . Huminga ako ng malalim , muntik na yun.

Napatingin ako sa phone ko ng mag vibrate ito.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng mabasa ko ang text . May kung anong insekto na nagliparan sa aking tyan.



Unknown number:

Ingat.

Report to LoveWhere stories live. Discover now