RTL-18

785 32 15
                                    


"Uhm.. Julie!" napatingin ako kay Ate na may ginagawa sa kanyang Laptop. Dayoff ko ngayon kaya tita Duty ako at masaya ako doon. "Pwedeng Favor.." kumabog ang puso ko ng marinig ko ulit yun mula kay Ate. Binaba ko muna si Baby Jupiter bago ko binalingan si Ate.


"Ate.." nag mamakaawang boses ko.. Ayoko na ng mga gantong pabor natatakot na ako.

"Bakit ano bang iniisip mo?" kumunot ang noo ko kaya natawa siya pero tinakpan niya ang bibig niya ng bahagyang gumalaw ang anak niya. "Julie, ng hihingi ako ng pabor kasi aalis kami ni Vince ng one week! May aasikasuhin siyang business ako naman may gusto ako idagdag para sa Magazine na ilalabas natin since summer issue siya. Sumabay na ako kay Vince kasi resort yung pupuntahan nila." nakangisi siya sa akin matapos niyang sabihin iyon. Umirap nalang ako kaya bahagya siyang natawa.


"Ano ba yun.." tanong ko para di niya na ako sabunin ng husto.

"Pwedeng ikaw muna mag alaga kay Jupiter? Kasi ayokong kumuha ng baby sitter di ako kampante pag ganoon. Mas gugustuhin ko na ikaw nalang! Pwede ba?" ngumiti ako at tumango sa kanya.

"Sure.. One week nasa akin si Baby?" masayang tugon ko. "Ate, pwede bang doon nalang kami sa Condo namin ni Klare para may katulong din ako?" tumango si Ate at ngumiti sa akin.




~~~~~



"Bye bye na baby.." humalik ng humalik si Ate kay Baby habang si kuya ay nag lalagay ng gamit nila sa sasakyan. "Julie , ikaw nang bahala kay baby huh?! Yung vitamins niya ipainom mo okay?" tumango ako at ngumiti.


"Bye baby.. Aalis lang kami ni Mommy okay? Kay Tita Yaya ka muna.." sinipa ko si Kuya at tumawa ng malakas. "Joke! Sige na aalis na kami! Be a good girl kay Tita okay? Pag balik namin ate kana.." natawa ako ng batukan ni Ate si Kuya at sapakin.


"Umalis na nga kayo ng makapunta na ako sa Condo.." humalik si Ate at kuya kay Baby tapos ay sa akin.

Pinauna ko na ang mga gamit ni Baby sa Condo nag kausap na din kami ni Klare at di niya daw muna papapuntahin si Clyde sa unit namin. Maganda na din yun mamaya magulat nalang ako sabay na sila ni Elmo mag punta sa unit.



"Baby.. Ninang missed you!!" agad na inigaw sa akin ni Klare si Jup at inilayo. May kaagaw pa din pala ako , akala ko naman wala na.


Inayos ko muna ang mga gamit ni Jupiter at ang gatas niya. Abala ako sa kusina at si Klare ay busy sa pag kausap kay Jupiter na walang patid kung tumawa.


Naupo na ako sa tabi niya. Tumingin sa akin si Jupiter at hinila ang damit ko kaya kinuha ko na siya kay Klare na sumimangot sa akin.

Hinele hele ko saglit si Jupiter at nakatulog na ito. Naupo ako sa tabi ni Klare habang nanonood ng HBO, Pinag lalaruan ko ang buhok ni Jupiter na may kahabaan at kulot ang dulo.

Mahimbing siya natutulog sa aking dibdib . Biglang may nag doorbell kaya napatingin ako kay Klare habang siya ay pangiti ngiti pa.



"Pizza.. Nagutom ako! Gusto mo?" tumango nalang ako at nanood na ng Amazing Spider Man 2 .

"Paanong? Umalis na kayo... Mapapatay ako ni Julie pag nalaman niyang andito kayo.." napa kunot ang noo ko dahil sa medyo pag lakas ng boses ni Klare. Dahan dahan akong tumayo para lapitan siya.




"Klare.." nanliit ang mata ko kay Klare at sinamaan ng tingin ang mag kaibigan na nasa pinto at may bitbit pang pizza.






"Di ko sila pinapunta. Sadyang malakas ang pang amoy ng ex mo at ngayon ay mangliligaw mo.." sabi niya ng tignan ko siya ng masama, inagaw niya ang pizza na dala nila Elmo at iniwan ako sa pinto.




"Hi, Julie!!" masayang bati sa akin ni Clyde at kumaway pa at ngumiti ng matamis sa akin na kinakunot ng noo ko. Napatingin ako kay Elmo na naninigas ang panga at sinipa pa ang paa ni Clyde. "Aaaw, pare na appreciate ko lang ang ganda pala ni Julie." sabi niya pa ay kumindat. "No wonder bakit nababaliw ka! And by the way.. Sorry pala sa naabutan mo noon. Sorry kung nakita mo yung abs ko.." namula ang muka bago pa ako makapag protesta ay dirediretso na siyang pumasok.




Napatingin ako kay Elmo na namumula na ang tenga at sunod sunod ang pag mumura niya.


Iniwan ko na siyang nakatayo doon at pumasok na sa loob para malapag ko si Jupiter sa crib niya. Napatalon ako ng maramdaman ko na may humawak sa bewang ko , mabuti nalang at nalapag ko na si Jupiter at tinatapik tapik ko kasi bahagya itong gumalaw.







"Anong nakita mo bukod sa abs ng hinayupak na yun?" pabulong pero madiing sabi niya.



"Hindi naman sadya yun. Tsaka anong pinuputok ng butsi mo dyan? Kung makapag tanong ka akala mo naman pag aari mo ako." iritang sabi ko at inalis ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko.




Napatanga siya pero agad iyong nawala at napalitan ng ngisi at napahawak pa sa labi niya at pinag laruan ito. Fuck it wag mo akong i-temp ..





Lumapit siya sa akin at lumayo ako ng konti kaya lalo siyang napa ngiti. Pero nang wala na akong maurungan ay hinarang niya ang magkabilang kamay niya sa gilid ko kaya corner na ako.




"Simula nung minahal kita akin ka na. Simula nung minahal kita pag aari na kita. At papatayin ko ang sino mang humadlang sa atin at wala na akong pake sa kung anong trabaho mo." sabi niya at inipit ang buhok ko sa gilid ng tenga ko.




Itinulak ko siya kasi nag sisinungaling siya. Kung mahal niya ako bakit nag file siya ng TRO sa akin? Kung mahal niya ako makikinig siya sa paliwanag ko. Kung mahal niya ako di niya ako papaalisin .. Damn it ..





"Sinungaling ka.." akusa ko at pinunasan ng marahas ang luha ko na kusang tumulo. "Sinungaling na pag mamahal ang meron ka.." galit na sabi ko. "Kung mahal mo ako di mo ako itataboy. Papakinggan mo ako kasi mahal mo ako.. At putanginang pag mamahal yan at nagawa mo akong sampahan ng kasong TRO dahil sa putanginang mababaw na rason! At ngayon aangkinin mo ulit ako at sasabihin sayo ako?" galit na sabi ko habang tinutulak ko siya.



"T-TRO?"



~~~~

AN: SA MGA NAMILIT PO NA MAG UPDATE AKO ITO NA PO SIYA SORRY KUNG LAME .. SABI KO KASI SA INYO EH !!

BAWI NALANG AKO NEXT CHAPTER DI KO PA ALAM KUNG KELAN KO SIYA UPDATE ANTABAY NALANG KAYO 😉😂👍

ENJOY READING!! DON'T FORGET TO VOTE PARA UMANGGAT PA ANG RANKING NG KWENTO KO..


COMMENT AND VOTE

THANK YOU 😍😍😘😗💟

Report to LoveWhere stories live. Discover now