RTL-24

732 28 2
                                    

"Hon, anong ginagawa mo dito? Akala ko may Lunch meeting ka?" Naatingin ako kay Kuya na nakakunot ang noo sa akin.

"Kelan mo sasabihin?" Napakunot ang noo ko sa biglaang tanong ni Kuya sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng bumukas ang pinto at nilabas niyo si Elmo na putok ang labi pero nakangiti pa din.

"What happened to you?" Tumayo ako at lumapit sa kanya . Sinubukan kong hawakan pero iniwas niya lang at ngumiwi pa. "Sagot.." Inis kong sabi sa kanya.

"Sinuntok ko." Napatingin ako kay Kuya na nakangisi na. Nanlaki ang mata ko at tumingin ako kay Elmo at sinamaan siya ng tingin.

"Bakit mo ginawa yun?"




"Nabigla ako nung sinabi niya na kayo na. Pasensya na .." Sinamaan ko si Kuya ng tingin at tumingin naman ako kay Elmo na hawak ang labi niya na para bang kinokontrol niyang wag tumawa dahil sumasakit ang sugat sa labi niya.



"Wag kanang magalit.. Okay lang 'to!" Natatawang sabi niya pa sa akin. Inirapan ko siya at inayos ang nalang ang mga inaayos kong papel na ipa-publish na mamaya.


"Galit ka nanaman.. Sorry na.." Humawak pa siya sa bewang ko at humalik sa pisngi ko.



"Wag kang lumandi dito Elmo kasi baka masuntok nanaman kita." Natatawang sabi ni Kuya. Pero tumawa lang si Elmo at si Ate. Pero di ako natutuwa kaya inirapan ko lang siya.

"Meron ka pa namang lalagyan kuya." Sinuntok ko ang tyan niya pero natawa lang niya sa akin. "Half day ka muna na miss ka ni Kimmy.. Tagal ka na niyang hinihintay bumalik." Oo nga pala namisa ko na ang batang yun. Tumango nalang ako at tumingin kay ate at kuya na nag kukwentuhan pa.




"Alis na kami Kuya!" Tumungo lang 'to at itinuro pa si Elmo at sumaludo lang siya kay Kuya.


DUMATING kami sa bahay nila at pinukol ng kaba ang dibdib ko. Alam kaya nila na nag ka labuan kami ni Elmo?


Pag pasok namin ay agad kong nakita si Kimmy na nag kukulay sa kanyang coloring book at halatang boring n ito.




"Kimmy.." Tawag ni Elmo nag dalawang lingon pa 'to bago tuluyang tumakbo sa gawi namin.



"Mamaaaaa..." Kinarga ko siya at yumakap siya at sumiksik pa sa leeg ko. "I missed you mommy.. Sabi ni Daddy may nag offer sayo na job sa ibang bansa tapos dream mo daw yun kaya di ka niya pinigilan.." Tumingin ako kay Elmo na umiwas ng tingin. Di nila alam na nag kalabuan kami. " And sabi niya pag dinala ka niya ulit dito pag balik mo papakasal na kayo.." Ngayon naman ay tuwang tuwa na ang boses nito." Yehey.. Meron na akong playmate.."



Sinamaan ko ng tingin si Elmo pero nag pipigil ito ng ngisi sa akin. "Saan po yung singsing? Maganda po diba? Dalawa kami ni Da--"





"Kimmy.." Putol ni Elmo. Kumunot ang noo ko at tumingin sa mag tito na nag uusap sa kanilang pag tititigan.





"Julie hija ikaw ba 'yan?" Napatingin ako lumabas ang Mommy ni Elmo kasama ang Daddy at ate nito. Nanlambot ang tuhod niya pero pinilit niyang tinibayan ang mga ito.




"Oh gosh.. I missed you ateeeee" nagulat ako sa biglang pag yakap ni Haley ng sobrang higpit. "Sorry di ko na kuhan ng video yung pag dadrama ni Kuya nung umalis ka para sa deam job mo." Ngumiti nalang ako. Di talaga nila alam kung ano ang totoo bakit kaya di sinabi ni Elmo.




"Tara na at kumain na tayo.." Masayang pahayag ng Mommy ni Elmo sa amin.





"Mommy, ang ganda mo po talaga.." Natawa naman ako at humalik sa pisngi ni Kimmy na sobrang umbok.



"Baka naman binabola mo lang si Mommy?" Sunod sunod ang ginawa niyang pag iling sa akin. Kaya natawa din ang mga tao na nasa hapag.



"Halika nga rito kimmy ng maka kain si Mommy Julie mo." Umiling si Kimmy ng tinawag siya ni Ate Kristine kaya ngumiti nalang ako. "Sa sobrang miss sayo ayaw nang humiwalay! Bago matulog lagi niyang tinatanong kung ilang tulog nalang bago ka niya makita .." May kung anong sumuntok sa puso ko kaya niyakap ko ng mahigpit si Kimmy at hinalikan pa ang pisngi.





"Lets have a date tomorrow.. Okay ba?" Tanong ko kay Kimmy na nanlalaki ang mata.





"Really?" Halata ang kasabikan sa mata niya kaya napangiti na din ako at tumango sa akin.




"How about Daddy?" Humarap siya kay Elmo at bumaling ulit ng tingin sa akin.




"Di siya kasali.. Tayong dalawa lang! Girl bonding di kasama si Daddy mo." Natatawang sabi ko kaya napahagikgik siya.





"Hey.. Kasama ako.." Umiling ako sa kanya na siyang ikinanguso niya.



MATAPOS ang dinner ay humiga muna ako sa kama ni Elmo para mag pahinga . Medyo sumasakit na kasi ang ulo ko sa sobrang pagod ko.





"Hey , ayos ka lang?" Niyakap ko lang ang unan niya habang nakadapa ako at inamoy ko ang bango kasi parang akala mo babae ang gumagamit.



Naramdaman ko at pag aayos niya sa buhok ko kaya napapangiti ako . Wala lang kinikilig kasi ako.



"Sigurado ka ba na kayo lang ni Kimmy ang aalis bukas?" Tumihaya na ako at yakap ko pa din ang unan niya. Tumango ako sa kanya kaya napabuntong hininga nalang siya. "Bring my assistant then.." Tumango nalang ako kasi alam kong kahit tanggihan ko papasundan niya pa din ako at papabantay kami.



Napatili ako ng hinila niya ang unan niya at pumaibabaw sa akin. Nanlaki ang mata ko kaya sinubukan kong umalis pero sadyang malakas siya kaya di ako maka kawala sa pag kakakulong ko sa ilalim niya.




Tawa lang kami ng tawa. Isinabit ko nalang ang kamay ko sa kanyang leeg at ngumiti ng matamis.




"I love you.." Ngumiti ako ng halikan niya ako matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon.




"I love you too.." Ngumiti na siya at pinakawalan na ako at umalis sa ibabaw ko at nahiga na sa tabi ko. Pinaunan niya ako sa kanyang Dibdib . Agad naman akong yumakap sa kanya at niyakap niya din ang braso sa bewang ko at gumuhit ng kung ano ano.



"Bakit di mo sinabi sa kanila ang totoo?" Binasag ko na ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.



"Kasi miski sa sarili ko di ko matanggap na umalis ka at galit ka sa akin" hinalikan niya pa ang tutok at ulo ko. "Alam ko kasi na kapag nalaman nila ang totoo magagalit sila sa akin. Kasi mas inuna ko pa yung mga what ifs na pumasok sa isip ko kesa ang pakinggan ka." Dumapa na ako at nakapatong ang kamay ko sa dibdib niya at doon ko naman pinatong ang baba ko para makita ko siya.





"Wag mo nang isipin yun.. Ang isipin mo Mahal kita .." Ngumiti at ako humiga ulit sa dibdib niya.




"Maliligo na ako.." Tumango lang ako at umayos na ng pwesto. Naupo ako sa kama niya habang siya ay pumasok sa banyo para maligo.





Napatingin ako sa phone na nag bi-blink. Tinignan ko ito at bigalang nilamon ng kaba at takot ang pag katao ko.




Kim calling...





Nang tumigil ito ay nag send ito ng text. Nag tatalo ang utak at puso ko pero nanaig ang utak ko at kinuha ko ang phone at tinignan ang text.






Kim:

I need you.





Simple lang pero bumugso ang sakit sa puso ko.







-----



AN: HI GUYS MARRY NEW YEAR IN ADVANCE!! SORRY WALA KAMING PASKO 😂

AND SORRY KUNG PINAG ANTAY KITA KAHAPON ALAM MO NA KUNG SINO KA. NAG LOKO KASI INTERNET NAMIN AYAW MAG CONNECT SA PHONE KO. SORRY NA . 😂😊✌

ENJOY READING VOTE AND LEAVE A COMMENT MALAY NIYO MATUWA AKO SA COMMENT NIYO AT MAG UPDATE ULIT AKO BUKAS 😜😋








Report to LoveWhere stories live. Discover now