RTL-31

694 30 1
                                    



"Anong ginawa niyo dun sa rest house nila Elmo? Ano nag jugjugan na ba kayo? Ano na swipe mo na ba yung V-card mo?" Nanlaki ang mata ko at hinampas ko ang braso ni Klare kaya napa atras siya at tumawa ng tumawa. "What? Di niy- Oh my gosh.. still ?? Ang bagal naman ng mokong na yun."

"Wag mo nga itulad si Elmo dyan sa jowa mo." Natawa siya at nahiga sa kama ni Elmo at niyakap ang unan ni Elmo at inamoy pa ito.


"Ang bango.." inagaw ko iyon kaya natawa siya. "Possessive mo girl.. di ko aagawin si Elmo. Mas gwapo yung honeyloves ko .."


"Mas pogi kaya si Elmo." Natawa pa siya at nailing iling kaya pinalo ko siya ng unan. Ihahampas na sana niya sa akin yung unan ng tumunog ang telepono ko.


"Ang daya ako na eh.." natawa ako at dinilaan siya bago inirapan at hinarap ang cellphone ko. Ano namang kailangan nito? "Wag mong sagutin yan Julie! Baka ako pumatay sa babae na yan. " sabi ni Klare na nakasilip na sa gilid ko.



"Hello .. Julie!! Pwedeng pumunta ka dito may mahalaga akong sasabihin sayo." Kumunot ang noo ko sa garalgal na boses niya.

"Why? Anong kailangan mo?" Pinilit ni Klare agawin sa akin at nag tagumpay siya at pinindot niya ang loud speaker.

"May sasabihin akong importante sayo. Please Julie.." tumingin ako kay Klare na todo iling ang ginawa.




"Okay.. be there at 30.." tanging sabi ko at inagaw ang cellphone ko at pinutol ko na ang tawag ng aambang mag sasalita si Klare.



"Fuck it Julie.. nababaliw kana? Bakit pumayag ka?" Iritang sabi niya.



"May sasabihin siya.. " kaswal na sabi kahit na inaatake na ng kaba ang dibdib ko.


"Paano kung yung sasabihin makasisisra sa inyo ni Elmo?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti.



"I'm sure about my feelings for Elmo. At may tiwala ako sa kanya at sa nararamdaman niya para sa akin. Iyan ang issue na pinagusapan namin dun Klare kaya wag kang mag alala." Sabi ko at sinuot ko ang damit na napili ko. Simpleng white shirt at  jeans lang ang suot ko.



"Fine sasama ako." Tumingin ako sa kanya at halata na di na siya mapipigilan pa sa desisyon niya kaya tumango nalang ako.






"Oh.. saan kayo pupunta.?" Salubong samin ni Clyde agad kong tinakpan ang bunganga ni Klare kaya kumunot ang noo ni Clyde.



"Sa opisina may text kasi si Ate na may file ako dapat bigay na nakalimutan ko. Saglit lang kami.. right Bebs?" Pinanlakihan ko siya ng mata para makuha niya ang sinasabi ko.


Dahil pag sinabi namin na ospital kami pupunta ay paniguradong sasama silang dalawa. At ayoko gusto ko din kausapin si Kim ng kaming dalawa lang.



"Saan ka pupunta?" Lumabas na si Elmo galing kusina at may suot pang apron.



"Pupunta lang kami ng opisina ni Ate. Tara na Klare .." sabi ko matapos humalik sa labi ni Elmo ng mabilis.



"Gaga ka.. bakit di mo sinabi ang totoo?" Inis na sabi ni Klare.


"Ayokong sumama ang dalawa .. tsaka gusto ko din makausap si Kim ng kami lang. Kasi pag kasama ko si Elmo di aalis yun sa tabi ko." Sabi ko at pinindot niya na ang alarm ng kotse niya at sabay kaming pumasok sa loob.



Habang nasa biyahe ay walang patid ang kaba na nararamdaman ko. Ilang beses din akong huminga ng malali. Habang binabagtas namin ang daan patungo sa ospital.


"Ano uuwi na ba tayo itutuloy mo 'tong pakikipag usap mo sa machuchugi na babaeng 'yon?" Inirapan ko nalang siya at kinalama ang sarili ko.



"Ano backout kana? Baguhin mo na isip mo hangga't maaga pa." Inirapan ko siya nasa tapat na kami ng kwarto ni Kim. "Okay di na talaga mag babago isip mo. Halika na.." hinawakan ko braso niya ng akma siya bubuksan ang pinto. "Why.?" Kunot noo niya tanong sa akin. Umiling ako na nag palalim sa kunot niyang noo.





"Bebs.. pwedeng kaming dalawa lang?"  Nanlaki ang mata niya. Sa sinabi ko.



"Nahihibang ka na ba? Paano kung may kagagahang sabihin sayo yung impaktang yun? Tapos ikaw naman si gaga maniniwala?" Inis niyang sabi kaya natawa ako.




"Di ako mag papakagaga wag kang mag alala." Natatawang sabi ko at niyakap ko pa siya. "Relax di ako maniniwala pag sinira niya kami ni Elmo." 




"Fine.. pero pag labas mo sa kwartong yan kailangan lahat ng sinabi niya sasabihin mo sa akin. LAHAT Julie pati yung paghinto niya sa isang sentence!"





"Ang OA mo naman. Sige na papasok na ako. Dyan ka lang antayin mo ako okay?" Huminga ako ng malalim bago ko pinihit ang pinto ng kwarto ni Kim.



Nadako ang tingin ko kay Kim na nakatingin sa labas ng bintana at may nakasaksak na IV sa kanang kamay niya at may mask din siya. May telang nakabalot sa kanyang ulo at awa ang agad na bumalot sa pag katao ko.




Lumingon siya sa akin at tanging namumulang mata at namamaga pa ito. Halata ang pag ngiti siya sa akin ng bahagyang gumalaw ang mask na nakatakip dito. "Hi.." Sabi niya di ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya ngumiti lang ako.




"Kamusta .?" 'Yan lamang ang tanging salita na lumabas sa bibig ko. Lumapit ako ng bahagya sa kanya.




"Still fighting .. kahit na di ko na kaya.."  bakas sa tono ng boses niya ang hirap na dinadanas niya.



"Julie.. ayoko nang mag paligoy ligoy pa..." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Please.. give up Elmo.. iparaya mo na siya... aah.." may kung anong bumara sa lalamunan ko sa sinabi niya. Sabayan pa ng pag aalala ko sa pag inda niya ng sakit ng kanyang ulo.




Bahagya siyang pumikit at huminga ng malalim bago dumilat at dumiretso ng tingin sa akin. At sunod sunod nang tumulo ang luha niya sa kanyang mata.





"Please.. Just ths one Julie.. iparaya mo na siya sa akin Julie.. nung umalis ka.. alam mo bang na punan ko yung pag kukulang mo sa kanya nung umalis ka. Bumagal din ang pag kalat ng sakit ko nung kasama ko siya kasi he always makes me happy.. pero nung bumalik ka.. nawala na siya sa akin .."




"Hindi bagay si Elmo para ipamigay ko Kim.." umiling ako habang pinupunasan ko ang luha ko.




"Julie.. I'm begging you.. I need him.. please.. AAAHHH.." humawak siya sa ulo niya at tumulo pa ang luha niya habang bumagsak siya habang hawak niya ang kanyang ulo.




"Kim.." nag aalala ako tumawag ako ng doctor at bumukas ang pinto at si Klare ang bumungad " Klare .. tumawag ka ng doctor.."



"AAAAAAAHHHH.... AAAH... AAHHHHHHH.." pagulong gulong na siya sa sakit ng dumating ang doktor niya at inayos ang higa niya.




"PLEASEEEE... JULIEEEE.. AAAAAAAAAAAHHHHHHHH" Sigaw niya ng ilabas na siya sa kwarto niya at dalhin sa ER.







"What happened?" Umiling ako at naunang umalis habang tinatawag ako ni Klare.





Ipaparaya ko pa para kay Klare?

Wala na ba talaga akong pag asang sumaya?

Ipapara ko ba siya para sa ikasasaya ng iba.?


Ano ba ..

Report to LoveWhere stories live. Discover now