RTL-2

904 23 2
                                    

Tumingin ako sa matayog na building na nasa harap ko at nag susumigaw na mayaman ang may-ari nito.

Napatingin ako sa phone ko na kanina pa nag ri-ring kaya sinagot ko na bago ako pumasok at makakuha ng interview.

"Hello.."

"Litsi kang babae ka.. Di ka manlang nag pa appointment ura-urada kang pumunta dyan...?"

"Kumalma ka bebs.. may nabasa kasi ako na pag may nag papa-appointment sa kanya para sa interview , di siya pumapayag.. Kaya ito ang best way.."

"Loka loka kaba? Pwede ka niyang palayasin dyan sa isang kindat lang."

"Well, ipagdasal mo nalang ako.." pinatay ko na ang aking telepono at huminga muna ng malalim bago ako pumasok . Ngumiti ako sa guardya ..

"Ah.. Miss..?"

"Ikaw ba yung bagong tanggap na sekretarya ni Sir? Pumanhik kana sa 40 floor kanina kapa inaantay.." wait .. What?

Kelan pa ako nag apply? Kagatin ko na ba? Ito lang ang best way para maka kuha ng interview.

---

"Kate, ano nakahanap ka na ba ng kapalit mo? Diba ngayon ang training niya? Gusto ko malinis gumawa at kayang ayusin ang schedules ko." sabi ko sa aking sekretarya since aalis na siya at pupuntang probinsya.

"Sir .. Ano po kasi may trangka--"

"Sandali.." sabi ko at lumabas ng opisina para sagutin ang tawag ng aking kaibigan.

"Ano?.. Oo na sige na papunta na ako.." pinatay ko na ang tawag at lumabas ng opisina at doon ko nakita si Kate na may kausap na babae . Ang ganda niya kahit na naka ripped jeans at plain fitted white shirt at converse. Snap out boy may pupuntahan kapa.

"Siya ba ang bago kong sekretarya? Ayusin mo ang pag train sa kanya at kung ano ang mga dapat at di dapat tanggapin na appointment okay? Aalis na ako may emergency kasi.." umalis na ako kahit na parang puno ng pag tataka ang muka ng babae at si Kate naman ay may gustong sabihin. Nag kibit balikat na lamang ako at pumasok na sa elevator.




----



Napabalik lamang ako sa ulirat ng kalabitin ako ng babaeng nasa aking gilid. Kanina pa pala ako nakatitig sa pintuan ng elevator.

"Miss, I'm sorry pero kaylangan mo muna tanggapin ang pagiging secretary ni Sir. Kasi napagkamalan ka niya. Sasabihin ko nalang sa kanya pag naka isang linggo ka na. Kasi sa susunod na linggo pa ang balik nung totoong sekretarya niya." sa haba ng sinabi niya wala akong maintindihan sobrang lutang ako."Miss ano?" wala sa loob ko na napaoo ako.


"Bumalik ka nalang bukas para sa pag tour ko sayo at sa mga dapat at di dapat gawin .."






----





"Ano..?" bulaslas ni Klare sa akin ng sabihin ko sa kanya kung ano ang nangyari  kanina. "Dahil sa pag punta mo dun naging instant secretary ka .. Ano pa ang gustong mapasok na trabaho." napabuntunghininga nalang ako.


"Kasi naman akala ko magiging way ko na para makakuha ng interview . Tapos pag panik ko sa 40th floor ayun na.." napairap nalang siya sa akin at kumain ng pizza.


"Sige na pupunta na ako kila kuya .. Mag sukat na kasi ako ng gown, alis na ako baka sumabay na ako kila kuya mag dinner." humalik na ako sa pisngi niya at umalis na.



---




"So..?" napatingin ako kay Ate na kumakain ng pasta niya at si Kuya ay sumisimsim ng wine niya.


"Secretary.." mahina pero alam kong dinig nila ako.

"What?" sabi ni kuya

"Nag punta ako sa mismong building nila para makakuha ng interview. Di na ako nag abala na kumuha ng appointment kasi useless lang di rin naman ako pag bibigyan. And then pag dating ko doon akala ako ang nag apply as a new secretary. Then boom yun na akala ako na.."



"That's great.." sabay naming sabi ni Kuya , habang si Ate ay malaki ang ngiti.



"Mas mabilis kang makakakuha ng interview kung magiging secretary ka. Malalapit ka sa kanya at the same time makukuha mo ang interview." masayang sabi ni ate at pumalakpak pa.


"Ayos lang ba baby?" ngumiti ako kay kuya ng itanong niya iyon sa akin.


"Ngayon paba ako susuko para sa pangarap ko? Ito malapit na ako sa kanya.." sabay sabay kaming tumawa .





Pauwi na ako ng bahay ng makita kong bukas pa ang ilaw. For sure gising pa yung loka loka na yun.


Pag pasok ko ay nanonood pa ng TV at pinapanood ang The Shallows . Tumabi ako sa kanya habang siya ay abala sa panonood na halos wala na siyang pakielam sa akin.



Since di niya ako pinapansin inisip ko nalang kung anong mangyayari sa aking para bukas.

Good luck Julie.

Report to LoveWhere stories live. Discover now