"Mama.. Look!!" hinawakan pa ni Kimmy ang pisngi ko para lingunin ko siya. Nag kukulay siya ngayon ng coloring book niya.
"Wow! Pwede nang mag school ang baby namin aah.." sabi ko at hinalikan pa ang pisngi niya. Nakaluhod siya sa center table habang nakaupo naman ako sa sofa na pangisahan lamang.
Tinuloy ni Kimmy ang pag kukulay niya habang nag drawing ako ng kung ano ano. Nagulat ako nag bumaba si Elmo sa pag kakaupo sa sofa na mahaba akala ko ay tatabi siya kay Kimmy pero gumapang siya palapit sa akin niyakap ang legs ko at nahiga sa hita ko. Habang nanonood siya ng NBA sinuklay suklay ko nalang ang buhok niya . Hinuli niya ang kamay ko at pinagsiklop ang kamay namin.
"Aaw, ang sweet naman.. Baka langgamin ang bahay kuya.." sabay kaming napatingin kay Haley na nakangisi pa sa amin.
"Shut up Brat.." sabi ni Elmo at nanood ulit sa TV. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako.
"Hi Tita Nob .." masayang sabi ni Kimmy nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ramdam ko ang pag pipigil ni Elmo ng tawa.
"Kuyaaaaa.." sigaw ni Haley at pumadyak pa ito. "Isusumbong kita kay Daddy! Kung ano anong tinuturo mo kay Kimmy pag andito ka."
Hinampas ko siya sa braso at tuluyan nang lumabas ang tawa niya . Kinukuha niya ang kamay ko pero iniiwas ko ito. Nawala ang ngiti niya at si Haley naman ang may nakakalokong ngiti. Tinaasan ko ng kilay si Elmo ng nakatitig siya sa akin.
"Okay! Sorry na brat.." halatang labas sa ilong niyang sabi.
"Ate.." sumama ang muka ni Elmo kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Fine.. I'm sorry Baby.." sabi niya at tumingin kay Haley na ngayon ay natatawa na. "What.?"
"Andres na pala pangalan mo like Dad.. Thanks ate! Pupunta lang ako kay Mommy." sabi niya at umalis na . Tumingin ako kay Kimmy na abala pa din sa pag kulay. Sa kanya ko na binaling ang tingin ko at pinanood ko siyang mag kulay. Kahit papaano ay iniiwasan niyang mga lagpas.
"Mama, I'm hungry na.. I want pancake.." tumango ako at sumunod habang hila hila niya ako.
Naabutan ko si Haley na tumitikhim ng mga pag kain na nasa lamesa. Tumingin siya sa amin ni Kimmy at ngumiti.
"Gutom na ba ang baby?"
"Yes Tita N--"
"Kimmy.." putol ko sa dapat na sasabihin niya . Nag tataka siyang tinitigan ako umiling ako sa kanya. "Bad word yun. Tita Pretty dapat.." napatingin sa akin ang mama at papa ni Elmo habang si Ate Kristine ay nag lalagay na ng plato sa lamesa.
"But.."
"Kimmy.." tamango siya at yumakap sa akin.
"Sorry Mama.. Don't be mad na.. Sorry tita pretty.." ngumiti ng malawak si Haley at binuhat si Kimmy at hinalikan sa pisngi.
"Masaya ka ba?" tumingin ako kay Elmo nakatitig sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya.
"Salamat Elmo.." ngumiti siya at hinalikan ang kamay ko.
"Salamat din Julie."
~~~~•••~~~~
"Julie, pwede bang pumunta ka dito ngayon sa opisina? Yung Ate mo kasi nag papabili ng lansones na bagong pitas .." natawa nalang ako kay kuya ng tumawag sa akin.
"Sige na.. Pupunta na ako.." sabi ko at inayos ang table ko at pumunta na sa blgd nila kuya.
"Magandang Hapon po Ma'am Julie.." ngumiti ako sa gwardyang bumati sa akin.
Pumunta ako sa opisina ni Kuya. Nag kalkal ako ng ibang gamit at nag ayos din makalipas ang ilang oras ay dumating na si Kuya na magulo ang buhok kasunod si Ate Alice na masayang kumakain ng rambutan.
"Hi Baby.." sabi niya at kinurot ang ilong ko. Ngumiti ako sa kanya.
Naupo ako sa tabi ni Ate Alice kasi hawak niya ang kamay ko at ayaw akong pakawalan. Tumunog ang phone ko at nakita ko na may text si Elmo.
Elmo:
Saan ka? Lets have lunch..
Isang linggo na kaming di nag kikita . Simula ng hinatid niya ako mula sa kanila. Naging abala na kasi kaming dalawa siya kasi maraming project na ginagawa ang kompanya at ako naman ay bala para sa nalalapit na Anniversary ng kompanya ni Ate Alice.
Me:
Sure! Saan?
Elmo:
Dito nalang sa Opisina ko.. Nag luto kasi ako kanina!
Natawa ako, halatang wala akong choice kung hindi ang umoo . Dahil talaga naman nag luto pa siya para lang makasabay ako.
Me:
Okay! See you!
"Baby, pwedeng doon ka sa condo matulog? Ayoko kasi ng amoy ng kuya mo.."
"Kuya.." nanghihingi ako ng tulong ayokong ako ang papuntirya ng pag lilihi ni Ate. Nag kibit balikat si Kuya na halata ang pagod sa mga mata.
"Ayaw mo ba?" mahinang boses ni Ate at nanginig pa ang tinig nito.
"Sige na ate mamaya.." masayang pumalakpak si ate at hinalikan pa ang pisngi ko.
Pag karating ko sa blgd nila Elmo ay sinalubong ako ng ngiti ng mga Tao siguro ay kilala nila ako.
Kumatok muna ako sa pinto bago tuluyang pumasok. Nginitian lang ako ng secretary niya at itinuro ang pinto. Kaya di na ako nag tanong pa.
"Hi.." sabi ko ng makita ko siya na naka pangalumbaba sabkanyang lamesa. Nawala ang kunot ng noo niya at ngumiti.
Ang gaang ng pakiramdam ko habang naupo sa bangko para kasi dito ang lugar na komportable ako.
Masayang kaming kumakain marami siyang kwento tungkol sa kaibigan niya at sa kanya. Napangiti nalang ako pag napapatingin ako sa kanya na sobrang saya niya.
Sabay kaming napatingin ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Kim na galit na galit . Habang nakatingin kay Elmo at sa akin.
"Oh .. Kumakain pala kayo.." sarkastikong sabi niya. Bakit parang nawala yung Kim na nakipag kaibigan sa akin. Yung Kim na nakilala ko.
"And Julie.."
"Mag kakilala kayo?" gulat na sabi ni Elmo. Napatingin ako sa kanya at kay Kim mag kakilala din sila?
"Bakit hindi? Eh sila ang mahigpit na kalaban ng kompanya namin na gustong makakuha ng interview sayo." nanlambot ang tuhod ko sa sinabi niya napabitaw si Elmo sa hawak niya kutsara.
"Bakit parang gulat na gulat ka Elmo? Bakit nahulog ka rin ba sa bitag niya na pareho ng akin?" nanlabo na ang paningin ko di ko na kayang humarap pa kay Elmo.
"Lumabas kayo.." lalong bumigat ang puso ko sa sinabi niya.
"Let me ex--"
"Bullshit.. I said get out." naunang lumabas si Kim na nginisihan pa ako . Tumingin ako sa kanya at tanging galit ang nakikita ko.
Lumabas na ako habang sobrang bigat ng puso ko na di manlang niya ako pinagpaliwanag. Ako din naman ang may kasalanan .
"I'm sorry Elmo.. Dapat matagal ko nang sinabi sayo 'to."
~~~•~~~•~~~
AN: Hi na post ko na yung Kwento ni Ema .. Check niyo nalang Title po is No Ordinary Love.
Thank you.. Vote and Comment po kayo 😊😊

YOU ARE READING
Report to Love
FanfictionDo you believe in LOVE? eh sa soulmate , tandhana? kung hindi .. pwes maniwala ka na.