"Blooming ka .." namula agad ang muka ko ng sabihin iyon ni Klare ng pababa na ako ng hagdan . "Anong ganap?" sabi niya at may kung anong ginagawa sa Ipad niya.
"Sinasabi mo?" patay malisya kong sabi at kumuha ng fresh milk at cereals ko sa Ref.
"Sasabihin mo o papatayin ko si noknok?" sabi niya sabay tawag sa aso kong chowchow . Nanlaki ang mata ko at agad kong kinuha ni noknok at dinala sa tabi ko. "Talk.."
Huminga muna ako ng malalim at tumingin kay Klare na nakatitig parin sa akin at nag aantay sa aking sasabihin. "I said I love him too.." mahina kong sabi at agad na nag init ang aking pisngi.
"For real? Paano? Ikaw unang umamin o siya?" sunod sunod na tanong niya sa akin at lumapit sa pwesto ko.
"kaso.." nawala ang ngiti niya at kumunot ang noo niya sa akin.
"Kaso..?" nag aantay siya ng idudugtong ko sa sinabi ko na nag pawala ng saya niya.
"Sinabi ko na mahal ko siya sa phone .... Di ko na inantay yung respond niya!" napahawak siya sa noo niya at napailing siya sa akin.
"Di mo manlang inantay na itanong niya kung kayo naba? Kung sinagot mo na ba talaga siya?" iritang bulyaw niya sa akin.
"Kailangan ba noon?"
"Malamang Julie.. Baliw kana talaga.." sabi niya at uminom ng kape niya. "Halika na at sasamahan pa natin si Ate Arise sa OB diba? Nag text siya sa akin na sunduin natin siya kasi medyo nasusuka siya sa amoy ng kuya mo. No doubt buntis nga si Ate Arise! Ang sharp shooter ng kuya mo.." natatawa niyang sabi sa akin.
Pag karating namin sa condo nila Kuya ay nasa sala lamang si Kuya at nakakunot ang noo at mukang malalim ang iniisip.
"Kuya si Ate?" sabi ko ng makapasok na kami. Doon palamang namin nakuha ang atensyon niya.
"Nasa kwarto .. Pinaalis ako kaninang madaling araw habang yakap ko siya. Eh samantalang kagabi grabe kung amuyin niya ako. Na babaliw na ako kung anong problema ng Ate mo. Sige na papasok na ako may ka meeting pa ako. Kayo muna ni Klare ang mag bantay sa kanya." sabi ni Kuya at humalik sa pisngi ko at ginulo ang buhok ni Klare. Ng makalabas na si Kuya at umakyat na kami sa kwarto at Tulog na tulog si Ate Arise sa kama habang yakap ang unan ni kuya.
Nag paalam si Klare na lulutuan niya si Ate ng makakain kaya umoo na ako at lumapit na ako kay Ate at sinubukang gisingin.
"Ate gising na.. Diba may pupuntahan tayo?" dumilat ang isang mata niya at pumikit pero naka ngiti na.
"Umalis naba si Vince?" tumango ako at tumayo na si Ate ng dahan dahan. Kawawa naman si kuya napag lilihian ni Ate.
"Maliligo lang ako .. Kasama mo ba si Klare?" tumango ako at ngumiti. Humalik muna siya sa pisngi ko at kinurot ang ilong ko. Naku wag sanang mabaling ang pag lilihi niya sa akin.
Nasa tapat na kami ngayon ng pintuan ng OB na nirekuminda ng kaibigan ni Klare. Kumatok muna si Klare at sinilip ang kanyang ulo. Inaalalayan ko naman si Ate kasi medyo nahihilo daw siya at nasusuka.
"Hello po Dra. Kristine.." nanlamig ang buong katawan ko . Baka kapangalan lang Julie lumalma ka. Maraming Kristine sa mundo.
"Julie.." doon na napaangat ang ulo ko nakita ko ang pag laki ng mata ni Ate Kristine tapos ay bumaling kay Ate Arise na nag tataka kung bakit kami mag ka kilala. "A-Arise.."
"Humanap tayo ng ibang OB.." huh? Napatingin ako kay Ate Arise na masama ang timplada ng muka pero nakangisi lamang si Ate Kristine.
"Still bitter my dear friend?" nakangiting pang aasar ni Ate Kristine kay Ate Arise . Napatingin ako kay Klare na naguguluhan din sa nangyayari.
"Excuse me.. EX FRIEND.."madiing sabi ni Ate Arise na nag patawa kay Ate Kristine.
"I see.. Your very Pregnant with a San Jose child.." nakangiting sabi nito at pinag siklop ang kamay niya sa ibabaw ng Table.
"Let's start.."
"No thanks hahanap nalang kami ng ibang OB.." iritang sabi ni Ate Arise.
"Come on Arise.. Wag ka nang bitter dyan .. Di ko na kayo guguluhin ni Vince masaya na ako sa buhay ko.. At sa buhay ng anak ko." sabi niya at hinarap ang picture frame ni Kimmy na naka Snow white outfit. "And sorry kung ano man ang nagawa ko noong college tayo.. Past na yun, dapat nang kalimutan.." ngumiti pa siya ng matamis kay Ate na naka simangot.
"Ate, tara na.. Para malaman na natin.." tumingin siya sa akin at ngumiti . Ngumiti din ako at naupo na siya sa harap ni Ate Kristine na nakatitig sa akin.
"By the way.. Namiss kana ng Anak ko Julie , nasabi na ba ni Elmo na nag promise siya kay Kimmy na isasama ka niya sa bahay?" tumango ako at ngumiti naman siya sa akin. "That's great and one more thing I just hoped na alam na ni Elmo na kung sino ang kuya mo at ang sister in law mo.." makahulugang sabi niya sa akin na nag buhos ng malamig na tubig sa katawan ko.
Hanggang pag uwi ko sa Condo ay iyon ang naiisip ko. Nag palit ako ng Damit at lumabas ng unit para makapag isip isip.
Nag lakad lakad muna ako sa Mall . Bumili din ako ng bagong Dress at books na gusto ko.
Habang kumakain ako sa fastfood ay may naupo sa harap ko. Ngumiti siya sa akin at ngumiti din ako.
"Kamusta kana?" ngumiti ako.
"Fine.. Stress lang sa trabaho ko.. Ikaw ano bang trabaho mo?" tanong ko kay Kim.
"Fashion designer .. Medyo na stress nga din ako kasi yung mga client ko napaka demanding .. Oo nga pala di pa tayo nakakalabas dalawa. Pwede bang makipag kaibigan sayo?" mukang mapag kakatiwalaan naman itong babaeng 'to kaya sumang ayon na ako.
"Bye Julie.." ngumiti ako at tumango bumalik na ako sa unit namin ni Klare at nakapatay na ang ilaw .
Ibinaba ko ang mga pinamili ko at naupo na ako sa sala at nag salang ng Movie na mapapanood. Naalala ko nanaman ang sinabi ng ate ni Elmo. Kaylangan ko na talagang sabihin sa kanya ang lahat para gumaan ang nararamdaman ko.
Kung talagang mahal niya ako tatanggapin niya ako diba? Kung talagang mahal niya ako di siya magagalit sa akin.
Tama aamin na ako..
~~~~~
AN :
Medyo walang kwenta 😰
Alam ko guys .. Hahaha 😂Vote and comment your thoughts about this chapter.. Para may update ulit bukas. Sinisipag akong mag update araw araw eh 😂
YOU ARE READING
Report to Love
FanfictionDo you believe in LOVE? eh sa soulmate , tandhana? kung hindi .. pwes maniwala ka na.