RTL-7

725 28 1
                                    








Pag ka kita palang sa amin ng receptionist ay itinuro agad kami sa isang private room. Meron nang nakahandang iba't - ibang mga pag kain . Inalalayan niya akong makaupo kaya kumabog ang puso ko.





"Thanks." ngiti ko sa kanya ngumiti naman siya sa akin at naupo na sa pwesto niya."Nakakahiya naman 'to talagang private pa ang napili mo.. Pwede namang fastfood lang.."

"Ayoko lang na maistorbo tayo . Dahil kahit na gusto ko na doon tayo kumain ay maraming istorbo at paniguradong guguluhin tayo ng mga reporter." kunot noong sabi niya.

Napainom nalang ako ng tubig sa mga sinabi niya. Magagalit kaya siya sa akin kung sakalaing sabihin ko ang totoong trabaho ko? Magalit kaya siya kung malamang niyang nag sisinungaling ako?

"Ayos ka lang?" napatingin ako sa kanya at ngumiti kahit na binabagabag na ang damdamin ko na umamin na ako. "Sorry kung ano man ang iniisip mo.. Kung sa mga reporter sorry naiinis talaga ako sa kanila kasi pag meron kang sinabing isang bagay masyado nilang kinukulayan at dadagdagan ng kung ano ano."


"Ayos lang.. Masyado ka talagang private ano?" tumingin lang siya sa akin at umiwas ng tingin "Sorry.. Ang daldal ko" yumuko nalang ako. Kahit na inuusig na ako ng konsensya ko na sabihin kung ano talaga ako. Kaso nag sisimula palang kasi kami ni Elmo ayokong masira kung ano man ang estado namin.

"No its okay.. May naalala lang kasi ako tuwing nakakakita ako ng reporter." napatingin ako sa kanya at inantay ang idudugtong niya. "Ginamit niya ako para makakuha ng impormasyon. Ginamit niya ang pag mamahal ko sa kanya. And nung nakuha niya na ang kaylangan niya she left me hanging .." ngumiti siya ng mapait at pinunasan ang bibig niya. "Lets go.." napatayo na ako kahit na di pa kami masyadong naka kakain. Did he open up? Bigla kong na alala ang babaeng ginamit siya and take note minahal niya. And base sa mata niya nasasaktan pa din siya halata ang sakit na nararamdaman niya.


"I'm sorry nasira ng mood ko ang dinner natin.." sabi niya habang nasa loob kami ng sasakyan.


"Ayos lang.. Atleast nailabas mo ang mabigat sa loob mo." sabi ko habang nakatingin sa kanya tapos tumingin na ako sa labas.


"Julie, what if maging tayo? Iiwan mo din ba ako? Sasaktan mo ba ako? Ipagpapalit mo din ba ako?" napaayos ako ng upo at tumingin sa kanya na seryoso ang muka at nakatingin lang sa kalsada.




"Elmo.."




"I know.. Sorry kung pakiramdam mo minamadali kita. Kasi naman ngayon nalang ulit ito gumana.." turo niya sa dibdib niya "At ikaw ang tumunaw ng yelo na matagal kong inalagaan simula nung sinaktan ako."



"Elmo, pag dating sa pag mamahal dapat handa ka sa lahat ng bagay. Yung sakit na dinanas mo isa talaga yan na dapat di mo makakalimutan pag nag mahal ka. Kasi di naman laging masaya diba? Walang perfect sa mundong ito ngayon." tumingin siya sa akin at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa binti ko.



"Salamat! Salamat kasi dumating ka sa building ko noon at ikaw ang napag kamalan kong secretary. And nag papasalamat ako kasi dumating ka sa buhay ko." kumirot ang puso ko ng makita ko ang saya sa muka niya. Kaylangan mo nang umamin Julie. This is the perfect timing ..

"Elmo, may gusto akong sabihin sayo.." tumingin siya sa akin at tumango habang may ngiti sa labi.



Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya "Elmo.. Ang t---" napatingin kami sa telepono niya na nag ring . Shit ayun na eh.

Pinatay niya ang tawag kaya napatingin ako sa kanya na nakatingin din sa akin .


"Continue.." mag sasalita na sana ako ng mag ring ulit ito.


"Sagutin mo na baka importante yan.."





-----




"Julie.." napatingin ako kay Klare ng tawagin niya ako. Isang araw nalang pala ang ipapasok ko sa trabaho ko sa building nila Elmo and yet di ko parin nasasabi ang tunay kong trabaho bakita ako andun bakit ako napunta sa building niya ano ang totoong pakay ko.



"Anong plano mo? Bukas tapos na ang trabaho mo bilang secretary ni Elmo. Ano nasabi mo na ba?" huminga ako ng malalim at umiling.

"Sabihin mo na hangga't maaga pa, kasi pag sa iba pa nag galing kung ano talaga ang trabaho mo ikaw ang mapapasama." napatingin ako sa kanya na abala sa pag tingin ng blueprint sa harap niya.



"Alis muna ako may bibilhin lang." sabi ko kay Klare at kinuha ang susi ng kotse ko. Nag half day lang ako para makapag isip isip kung sasabihin ko na ba bukas kay Elmo ang totoo.


Tinulak ko ang pushcart at kumuha ng sanitary napkin dalawang balot ng all night at regular pad. Na alala ko wala na pala akong stock, lumapit naman ako sa mga shampoo at conditioner , kunuha na din ako ng feminine wash.

Binayaran ko na sa cashier ang mga nakuha ko. Pumunta ako sa parking at inilagay ang mga pinamili ko at bumalik sa loob ng mall para kumain.




Matapos kong kumain ay nag lakad lakad lang ako . Pumasok ako sa loob ng CR ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Matapos ay nag hugas ako ng kamay meron ding lumabas ng cubicle pero di ko na pinag tuunan ng pansin.




"Julie.. Ikaw nga.. Julie Anne San Jose.." naagaw na siya tingin ko maganda , payat at maputi siya. Kulot ang laylayan ng buhok niya.





"Kim.. I'm a fan.. Idol kita sa pagiging magaling Jornalist mo. Lagi kong nababasa ang megmag at mga article mo ang pinupuntahan ko." sabi niya pa at pumalakpak.


Ngumiti lang ako , nilahad niya ang kamay niya at malugod ko itong tinanggap. "Mauna na ako anong oras na din kasi.." tumango siya at ngumiti ulit.




-----







Napatingin ako sa phone ko ng mag ring ito, isinara  ko ang pinto ng kotse ko para sagutin ang tawag ni Elmo.





"Sir.."



"I said stop calling me Sir.. Julie" huminga ako ng malalim at pinigilan ang pag ngiti ko.


"Fine.. Ano kaylangan mo Elmo?"



"Lets have dinner .. Since last day mo na bukas .. Pwede ba?" di ko mapigilang mapangiti dahil dama mo sa boses niya na kinakabahan niya.





"Lahat ba ng mga employee mo ginaganto mo? I mean pag last day na nila sa work niyaya mong mag dinner?" pinipigilan kong tumawa . Rinig na rinig ko ang pag bigat ng kanyang pag hinga.




"Julie.." seryoso na ang lolo niyo .


"Okay, mag kita nalang tayo saan ba?"





"Text ko nalang ang location.. Drive safely mamahalin pa kita at pakakasalan pa."

Sasagot na sana ako ng maputol na ang linya .
Kumabog ang puso ko na parang nag uunahang lumabas ang mga kabayo na ewan.



At buhay nanaman ang mga hayop sa aking tyan at nag kakagulo na ang sistema ko sa sinabi niya.





Kinikilig ako..









----


AN: first authors note.

Hello guys 😊 kamusta mga buhay buhay?
Alam ko walang kwentang next chapter nalang kayo kiligin ng todo dun ko ibubuhos.


Thanks sa pag suporta😘 lalo na po sa Playing Games thanks sa mga patuloy na nag babasa.

Don't forget to vote !!

Thank you 💞😘

Report to LoveWhere stories live. Discover now