6 months na akong andito sa Paris , sumunod naman sila kuya sa akin. Masaya ako kasi kahit papaano ay kasama ko sila kuya habang unti unti kong sinusubukang abutin yung pangarap ko.
"Vinceeeee.." pababa palang ako ay rinig ko na ang sigaw ni Ate . May kalakihan na ang kanyang tyan . Two months nalang lalabas na si Baby Jupiter.
Yes Jupiter ang pangalan ng baby nila . Di ko alam kung anong pumasok sa utak ni Ate at yun ang ipinangalan. Dito na rin sila nag pakasal sa Paris.
"Ano? Saglit lang di pa ako tapos mag luto ng pancake na gusto mo." sabi ni kuya habang kumakamot sa pisngi. Natawa ako kasi halatang aligaga si Kuya habang si Ate ay nakasimangot.
Di na ako nag sasalita kasi baka sa akin mabaling ang tingin ni Ate at di nanaman ako makapasok dahil kukurutin niya lang ang ilong ko at pisngi.
"Kuya, ma mamasyal lang kami ni Tipp ngayon.. Since Day off naming dalawa." tumango si Kuya . Pag tapos kong uminom ng tubig ay pumanhik na ako sa kwarto ko at nag bihis na.
"Grabe sa anim na buwan ko dito sa Paris ngayon lang ako naka pag libot." sabi ni Tipp at umikot ikot pa. Habang nasa ibang kami ng Eiffel Tower marami ang nag pipicture . Kinuhaan ko siya kaya tawa ako ng tawa ng epic face ang kuha ko.
"Amina yung camera mo ang kukuhaan kita.." ibinigay ko ito at nag pakuha ng litrato habang nakatalikod ako at nakaharap sa Eiffel Tower. "Photo shoot lang ang peg?"
"Sira.. Tara na nga.." palakad lakad kami sa isang Park ng makita ko si Calum Hood at Luke Hemmings na nag lalakad. Oh shit..
"Tipp, lapitan natin sila Calum.." sabi ko at niyugyog ang balikat ni Tipp.
"Nasaan?" sigaw niya . Itinuro ko kung saang direksyon tumakbo siya at walang pakundangang lumapit.
"Hi Calum and Luke.. I'm a fan .." tumikhim ako kaya napalingon sila sa akin "I mean we're a fan .. Can we take a selfie with the two of you?" namumulang sabi ni Tipp.
Natawa sila Calum at tumango sa amin. Inakbayan ako ni Calum habang si Luke ay nakatitig sa akin habang naka ngiti.
Sumunod ay si Tipp na parehas siyang yakap ng Dalawa kaya ang gaga tuwang tuwa.
"Thank you.. We love 5SOS.." sabi ko. Minsan lang maging Fan sasagarin ko na.
"Thanks for supporting us.." sabi ni Calum ang lalim ng boses niya grabe nakaka kilig.
Kumaway na sila at umalis. Parehas kami ni Tipp na nag tatatalon sa tuwa.
"Sana sa susunod kasama na si Ashton at Michael !" sabi ni Tipp na namumula pa din.
Napahinto ako ng may makita akong babaeng naka T-Shirt na Elmo at yung Lalaki ay Cookie monster ang print. Biglang nawala ang saya na naramdaman ko.
Di ko alam kung na nanadya pero araw araw kasi may nag papa alala sa akin na si Elmo ang Mahal ko. Anim na buwan na pero ramdam ko pa din ang sakit .
"Ting.. Ting... Bitter Alert!!" sabi ni Tipp. Inirapan ko nalang siya at iniba ang direksyon ng tingin ko.
"Kasi naman.. Andaming nanliligaw sayo bakit di mo subukan sagutin yung isa sa mga yun? Grabe haba ng hair!" sabi pa nito at naupo sa isa sa mga bench doon.
"Ayokong gumamit ng tao para lang maka move on ako. Ayoko manggamit .. Mas masakit yun sa part nila. Kasi ibibigay nila yung feelings nila sa akin pero di ko masuklian kasi parang di ko na hawak 'tong puso ko."

YOU ARE READING
Report to Love
FanfictionDo you believe in LOVE? eh sa soulmate , tandhana? kung hindi .. pwes maniwala ka na.