RTL-30

768 26 0
                                    

Nakatingin lang ako kay Julie na himbing na himbing na natutulog sa dibdib ko. Habang nilalaro ko ang kanyang buhok hinalikan ko ang kanyang noo at bahagya naman siyang gumalaw.

"Good morning"  ngumiti ako at hinalikan ko ang kanyang noo. At bahagya pa siyang sumiksik sa aking leeg.

"Good morning.. How's yours sleep?"

"Better.. kasi katabi kita." Kinurot ko ang pisngi niya at humalakhak naman siya . Umupo na siya sa kama at inayos ang kanyang buhok at inayos ang t-shirt  ko na gamit niya.

Dinala ko naman ang aking braso sa likod ng aking ulo at sumandal sa headboard ng kama. Humikab siya at muling nahiga at umunan sa aking dibdib habang nakatihaya siya.

"Di kaba palasok sa trabaho mo?"

"Andun naman si Clyde kaya walang problema." Inayos ko ang buhok niya.

"Ano kaba.. wag mong iasa sa kaibigan mo yung trabaho mo. May kompanya din kaya siya. " bumangon na siya at napaupo na ako sa kama. "Umuwi na tayo. Mag titiwala na ako sayo.. di na ako mag papadala sa mga nakapaligid sa atin. Di na ako mag papadala sa mga nakikita ko. Lalayo ako kung ikaw mismo ang mag papalayo sa akin." Napatingin ako sa kanya ng bahagya siyang pumiyok pero nakangiti pa din siya sa akin.

"And hindi iyon mangyayari.. I'll keep you forever.." inayakap ko na siya at hinalikan ko ang kanyang noo. "Okay babalik na tayo.. In one condition.. sa condo kita matutulog.." ngumiti siya at umiling iling pa. " Why?"



"Di ko na kailangan mag hakot ng gamit right?"  Natawa ako sa sinabi niya kaya hinampas niya ako sa aking dibdib.


Well planado ko na talaga na sa condo ko na siya titira . First night palang namin dito ay inutusan ko na ang mga kaibigan namin na ilipat ang gamit ni Julie sa condo ko. Para wala nang kawala pa sa akin 'to.




"Sir may nag papabigay po." Kinuha ko ang envelope na brown at tinapunan ko ng tingin si Julie na nanonood ng The Space between Us.



"Salamat."



Itinago ko sa cabinet ang envelope bago ako tumabi sa kanya. Napatingin ako sa kanya ng marinig ko ang pag singhot niya.



"Hey.."



"Will you risk everything for love just liked Gardner did..?" Tumingin ako sa kanya na nakatingin lang sa TV.


"Gagawin ko. Kahit na sobrang  komplikado nito.  Kesa sumuko ka kahit na alam mong may laban ka! Alam mo sa puso mo na kaya mo pa."




"What if buhay ang kapalit?" Tumingin ako sa kanyang mga mata at halata ang takot sa kanyang mga mata sa kung ano ang isasagot ko. Di ko alam kung ano ang isasagot ko halos alisan na ako ng dila.



"Let's just continue watching it.." natatawang sabi niya at humarap ng muli sa TV . Hinalikan ko nalang ang kanyang noo.




"I love you." Ngumiti siya at humarap sa akin.


"I love you more." Hinalikan ko anv labi niya at nang matapos ay humarap siyang muli sa TV.





"No matter i want earth, but earth don't want me."  Bahagya nanaman suminghot si Julie . Kaya lumingon ako sa kanya at lumingon siya sa akin.



"Sorry .." natawa ako kaya hinampas siya ako ng throw pillow. "Nakaka asar ka. Kasi naman eh.."



"Come here.." niyakap ko siya at sumandal siya sa aking dibdib. "Everything happened for a reason.. kung sila ang para sa isa't isa mangyayari iyon."


"Ikaw what's your favorite thing on earth?"




"Diba ako dapat ang mag tatanong niyan? Kasi tinanong iyan si Gardner kay Tulsan?" natatawang sabi ko at sumimangot lang siya at hinampas ang dibdib ko.




"Sumagot ka nalang."




"You Julie.. and di lang kita paborito.. higit pa doon..."






-------*****-------





"Beshieeeee.." sinalubong  ni Klare ng mahigpit na yakap at pinugpog pa ng halik ang pisngi ni Julie ng makapasok kami sa condo ko. "Gosh kahit tatlong araw lang kayong nawala na miss kita ng todo.."  Hinila ko na si Julie ng mapansin kong namumula na ang pisngi niya .





"Klare.. namumula na yung pisngi ni Julie ! Tatlong araw lang kaming nawala." Natatawang hinila ni Clyde si Klare.




"Manahimik ka Elmo parehas kayo ng kaibigan mo ng estilo na nang kikidnap.." natawa si Julie ng hinila na siya ni Klare patungo sa kwarto ko.





"Kamusta?" Tumingin ako sa kaibigan ko na nakatitig lamang sa akin.




"Well I gave her the assurance na mahal ko siya at siya lang talaga." Tumango siya sa akin.





"Kim is getting crazier .. alam mo bang hinila niya ang IV na nakasaksak sa kanya ng malaman niyang umalis ka at kasama mo si Julie." Huminga ako ng malalim bago humarap sa kaibigan ko.






"Niloloko lang ako ni Kim. Wala talaga siyang sakit. Kumakalap pa ako ng mas matibay na ebidensya.Nag hire pa talaga siya ng pekeng doktor para makapangloko. And since kaibigan niya ang anak ng may ari ng ospital madali na iyon sa kanya." Nanlaki ang mata ni Clyde sa sinabi ko.





"Kaya gusto ko pa sanang mag tagal kami doon para maayos ko yung kay Kim para wala nang problema. "







"Diba mas maganda kung sabihin mo na kay Julie?  Para wala na siyang pag dudahan pa." Tumango ako sa kanya.





"I will.. maybe tomorrow may inantay pa akong file.."




-----***-------


Someone's POV:




"Tama na Kim tanggapin mo n na hindi kana mahal ni Elmo. Tama na .. masaya na siya kay Julie. Sinayang mo yung pag kakataon na kayo pa! Tama na di mo na sila masisira." Sigaw nito kay Kim na nakahiga sa hospital bed.




"I'll do everything.. and walang makakapigil pa sa akin. Kahit ikaw." Sigaw ni Kim at kinuha ang cellphone at may kung nong kinalikot bago ilapit sa tenga. "Lumabas ka.." napahinga ng malalim ang lalaki bago tuluyang lumabas.





"Sana maging masaya ka sa kung anong plano mo." Huling sabi nito bago lumisan.






"Hello .. Julie!! Pwedeng pumunta ka dito may mahalaga akong sasabihin sayo."







-----


AN: lame.. i know 😂

On the spot update po kasi. Tagal ko na kasing di nag update ditey!

And before mag kalimutan last five chapters so bahala na ano ending kung happy or end lang!


COMMENT. VOTE 😊

Report to LoveWhere stories live. Discover now